ISANG oras na ang nakakalipas ay hindi pa rin dumarating si Abigail. Hindi na mapakali si Ellie. Sa mga oras na iyon ay wala na ring pumapasadang jeep. Nakakapikit na si Roy habang siya ay parang pusang hindi mapaihi. Mamaya’y may kung anong humilagpos sa ibabaw ng sasakyan. Kumislot siya. Nagising din siya Roy dahil sa pagkagulat. “Ano ‘yon?” anito saka dagling binuksan ang pinto. “Roy!” awat niya ngunit nakalabas na ito. Nagulat siya nang may lalaking gumapos kay Roy. Namukhaan niya ang lalaki. Ito ‘yong bampira na sumugod noon sa bahay niya at dinakip ang nanay niya. Napilitan siyang bumaba ngunit hindi naman niya alam kung ano ang kanyang gagawin. “Huwag mo siyang sasaktan!” asik niya. Hindi naman makapalag si Roy. Dahil sa liwanag ng ilaw sa poste ay naaninag niya ang mukha ni