Chapter 8

2756 Words

 TAAS-NOONG lumabas siya ng palikuran. Isinuot niya ang malaking eyeglasses niya na pink ang kulay ng lens para hindi mahalatang umiyak siya. Saka na niya huhubarin ang salamin kapag oras na ng trabaho. Dati naman siyang kikay mag-ayos kaya nga mabilis siyang sumikat. Gusto niyang ibalik ang lakas ng confidence niya. Bumalik siya sa canteen pero hindi para kumain. Rumampa siya na parang kandidata ng Miss Universe. Nakuha niya ang atensiyon ng lahat nang magsimula siyang kumanta. “Hindi mo alam dahil sa ‘yo ako’y ‘di makatulog. Hindi rin makakain buhat nang iyong lokohin. Kung ako’y muling iibig, sana’y ‘di maging katulad mo. ‘Tulad mo na may pusong bato…” awit niya habang rumarampa patungo sa grupo nila Patricia. Nilakasan talaga niya ang boses kahit sintunado. Nagtawanan ang mga naroroo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD