NAGULAT si Zyrus nang maramdaman niya ang labis na pangangatal ng katawan ni Ellie. Hindi pa rin niya maintindihan bakit ito naroon sa CR ng mga lalaki at umiiyak. Hindi niya natiis ang sarili na sundan ito nang mahagip ng paningin niya. Malayo pa lang kasi ito ay nakikita na niyang umiiyak at patakbong pumasok sa palikuran. Hindi na niya pinansin ang mga taong nakatingin sa kanila. Suot pa naman niya ang puting coat niya. Wala rin siyang pakialam kung maintriga man sila sa araw na iyon. “Tahan na,” aniya nang hindi pa rin ito tumigil sa pag-iyak. “Huwag mo akong iiwa, please,” humihikbing samo nito. Nanginginig pa rin ang katawan nito pero hindi na kasing tindi noong una. “Hindi kita iiwan,” bulong niya rito. May dalawang minuto rin sila sa ganoong posisyon. Mahigpit ang yakap nito s