Three Months Later... Parker Innovative Jewelry… Tumingin ang isang lalaki sa pintuan ng bumukas iyon. Maganda ang ngiti sinalubong ang lalaki na pumasok. Dala ang ilang papeles ay inilapag iyon sa lamesa. “Sir, everything's gone well. Ilang buwan na lang at matatapos na ang kalahati ng lugar” “Good. Good job!” Ngiting sabi ni George. “Ituloy niyo lang ang construction, ako na ang bahala sa Xander Family. Wala na silang magagawa kapag natapos ang project.” “How can we explain to them about the…” “Just shut up and work! Huwag mo ng pakialaman ang bagay na iyon. Ako na ang bahala sa kanila.” “Baka sa huli magka problema tayo, Sir.” Paalala ng lalaki na kausap. “Sasabihin ko rin sa kanila. Just give me time.” Tugon ni George sa kausap. Tumango lang ang lalaki at nagpaalam na. Naiwan