Sahara Xander a.k.a Avyanna “Oh my,” saad ni Chandy habang nagbabasa ng newspaper. “Ilang araw nang mainit ang usapan kung sino si Mrs. Parker.” Umupo ito sa aking tabi. “Girl! Lumadlad ka na, baka may iba pang mag-appear sa pagiging asawa niya. Tignan mo nga kung sino-sino na lang ang hinuhulaan nilang babae. Wala man lang ka taste-taste, talagang sa mga dating babae pa ni Ronan pumili.” Dinuro-duro pa ang newspaper at inis na inis. “Chan, bakit masyado kang affected?” tanong ko. “Bakit? Ikaw hindi affected sa nababasa mo?” “Chan, alam naman natin ang totoo, ‘di ba? Alam mo na nagbago na siya. Hindi na siya ang dating Ronan!” tugon ko. “Alam mo naman hindi rin ako sanay sa mga ganyan tabloid o ma live sa telebisyon kaya nga private marriage ang pinili ko.” “Your husband is a high pr