Ronan Parker a.k.a Daichi/Womanizer Nag ring ang aking cellphone na bumasag sa aking katahimikan sa kwarto. Tinignan ko iyon at si Joyce ang tumatawag. Nag-aalangan akong sagutin pero hindi ko matiis na hayaan na lang iyon. Para bang may umuudyok sa aking isipan na gustong marinig ang kanyang boses. “Hi.” Kaswal kong tugon. “Mr. Parker, can you help me?”. “What can I do for you?” sagot ko. “Pwede ka ba magpapunta ng tao dito sa condo? Sorry, ikaw ang tinawagan ko. Hindi kasi sumasagot si Raul sa mga tawag ko.” “What’s the problem?” Pag-uusisang tanong ko. Napatayo pa ako ng kama habang kinakausap siya. “Need ko lang magpasundo. May problema yung kotse ko. Inaayos na ng mekaniko. Hindi rin ako makapag taxi dahil nag-aabang ang ilang reporter sa labas ng condo. “Ganun ba! Ako na lang