Ronan Parker a.k.a Daichi/Womanizer Hindi ko na pinatapos magsalita at muli ko siyang hinagkan. Hinigpitan ko ang aking yakap upang hindi na makaalis pa. Ayoko mangayri na umalis na naman at hindi na bumalik. “I’m begging you. Patawarin mo na ako!” Usal ko. Willing ako mawala lahat, huwag lang siya. Huwag lang kami maghiwalay mag-asawa. “Mahal na mahal kita, Sahara.” Sabi ko. “Please huwag ka ng umalis. Ayusin na muna natin ang relasyon natin.” Naramdaman ko na lang ang mga kamay na yumakap sa aking leeg. Hiniga niya ang kanyang ulo sa aking balikat. Matagal kami sa ganoong posisyon. Wala ng imik at hindi ko rin alam ang aking sasabihin. Mas hinigpitan ko ang aking yakap. “Wife..” Tawag ko. “Thank you for giving me a second chance.” Dugtong ko. “Wife..” Tawag ko muli. Hinimas ko ang