George Parker POV Halos kalahating oras ako naghintay bago bumaba si Ronan mula sa kanyang kwarto. Napatayo ako at lumakad papalapit sa kanya upang salubungin ito. “Hijo. Mabuti at bumaba ka na! Kailangan natin pag-usapan ang on-going project natin.” Sambit ko. Wala itong imik at parang hindi rin nakikinig. Tutulungan tayo ni Attorney na makiusap kay Sahara tungkol sa property. Tutal mag-asawa naman kayong dalawa, baka mas mapadali.” “Dad, seriously?” Tugon niya. “Ikaw lang ang nag desisyon na ituloy ang project, tapos ngayon idadamay mo kami?! Wala kang aasahan sa akin, dad. Binypass mo pati kami dahil sa kagustuhan mo.” “Ronan, alam mong malaki ang mawawala sa kumpanya kapag pinatigil ang project. Paano na ang mga investor? Yung pera na ininvest nila! Tulungan mo naman ako! Kapag hin