Joana Xander and Haydee Parker Nagkita ang dalawang magbale sa isang kilalang restaurant. Dahil bagong mga kasal ang kanilang anak, mga excited din ang mga ito sa patutunguhan ng relasyon ng dalawang mag-asawa. Alam nila na walang pagmamahal ang kani-kanilang mga anak (pwera nalang sa feelings ni Yummylicious Ronan). Kapit bisig pumasok ang dalawa babae habang papaupo sa kanilang reserved table. “Madz!!” Kinikilig na turan ni Joana. “Sabi sa akin ni Manang Corazon, ang sweet daw ng dalawa kanina. Pati nga ang matanda kinikilig.” “Talaga ba, Mads? Mukhang hindi naman tayo nagkamali sa napili natin tauhan.” Tugon ni Haydee. “Si Manong Allan, inutusan ko kaninang umaga na butasin ang gulong ng kotse ni Sahara. Sabi ni Manong, sabay pumasok ang dalawa sa opisina.” Hinaplos-haplos ni Joana