Sahara Xander a.k.a Avyanna Nagising ako dahil sa bigat na nakapatong sa aking hita. Unti-unti kong dinilat ang aking mata at napatakip sa bibig upang maiwasan na sumigaw. Inangat ko ang aking ulo ng mapagtanto na naging unan ko na ang braso ni Ronan. Nakayakap ang aking kamay sa kanyang dib-dib. Dahan-dahan akong umalis sa aking pwesto upang hindi ito magising. “Malapit na eh!” Sabi ko sa aking sarili. Malapit na akong makaalis kaya lang nagising na siya. “Good morning, darling.” Ngiti niyang bati sa akin. Agad ko siyang tinulak palayo. Kahit pupungay-pungay pa ang mata ay nagawa pa rin mapangiti. Mabilis akong kumilos at iniwasan siya. Nakaramdam ako ng kahihiyan dahil sa posisyon namin kanina habang natutulog. “Baka isipin ng bugok na iyon gustong-gusto ko siya katabi.” Handa na