Kabanata Animnapu't-Walo

2075 Words

Sahara Xander a.k.a Avyanna “Ilang araw ka nang ganyan, bff!” saad ni Chandy. Narinig ko ito pero lumabas lang iyon sa kabila kong tainga at hindi na pinansin. Nakatingin pa rin ako sa malawak na lugar na natatanaw ko mula sa aking opisina. “Hui?” Tapik sakin. “Bakit kasi pino-problema mo pa ang pamilya ng asawa mo? Hindi naman sila ang makakasama mo!” “Kung ganyan lang sana kadali, hindi mo na ako makikita na ganito. Sobrang naa-apektuhan ang relasyon namin dahil naipit si Ronan sa akin at sa pamilya niya. Yes! Okay kami, sa ngayon. Ipinagtanggol pa nga niya ako kay Mommy. Pero, ang iniisip ko, kaya ba niya panindigan ang ginagawa niya?” “Sa tingin ko naman, pino-prove lang nang asawa mo sayo na ikaw ang nasa tama at magulang niya ang mali. Gaya nga ng sinabi mo, ipinagtanggol ka.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD