Leslie Ronquillo POV Nakaupo sa sofa habang hinahalo ang baso ng wine sa aking mga kamay. Naghihintay ako ng tawag mula sa isang reporter na nakausap ko tungkol sa Mrs. Parker na matagal na nilang gusto makilala. “Gusto niyo ng gamitan?! Gagamitin ko rin kayo.” Sabi ko sa aking isip. Nag ring ang cellphone ko at napangiti ako ng tawag iyon ng reporter na kausap ko kanina. “Madam! Panoorin mo na! Naka-ere na sa Alert News ang binigay mong scope kanina.” Ngisi sabi. “Dinagdagan ko na ng sweet words gaya nang sabi mo.” “Good! Good job! Ide-deposit ko na lang bukas ang bonus mo.” Masiglang sabi ko. Binuksan ko ang T.V at excited akong mapanood iyon. May mga ilan kuha kami ni Ronan na binigay ko sa reporter upang ilabas sa telebisyon. Kuha iyon, noong maganda pa ang relasyon namin dalawa.