Sahara Xander a.k.a Avyanna Minasamaan ko nang tingin si Ronan pagdating sa bahay. Akala siguro nang lalaking ito ay makakalusot na naman siya sa akin. Nilapitan ko ito at tinitigan. Nakapamewang pa ako para halatang galit. “Tuwang-tuwa? Hindi ka pa nag e-explain kung ano ang nangyari kanina sa ospital! Akala mo makakalusot ka?” “Wife, kanina lang maayos na tayo tapos parang sinusumpong ka na naman d’yan.” Mahinahon na tugon sa akin ni Ronan. Pinipigil ko ang aking tawa dahil hindi na naman mapakali ito. Siguro nga ay takot na itong maulit na mawala o magalit ako. “Sabi ko sayo hindi pa tayo tapos! Now, explain!” Bulyaw ko sa kanya. “E-e kasi ganito nga yu-yung nangyari kanina….” In-explain niya nga at talagang garalgal pa ang boses. Natatakot na may makakalimutan na sabihin. Pautal-