Ronan Parker a.k.a Daichi/Womanizer I didn’t expect na aabot sa ganito ang plano ng aking asawa. Ang akala ko magkikita lang o pakikipag-usap lang ang gusto ni Sahara, pero sa sitwasyon ngayon, iba ang mangyayari, Maging ako ay hindi maisip ang susunod na hakbang na gagawin niya. “Be natural! Huwag ka matakot, uupo lang ako sa may likuran.” Bulong sa akin. “Kalma ka lang!” Patawang sambit. “This is not a great idea!” Sabi ko lang. “Wait for the cli max, babe.” Kindat niya pagkatapos sabihin iyon. “You will surely like my surprise.”” Malambing bulong at lumayo sa akin. Naglakad papunta sa kinauupuan ni Chandy. Nakipag beso-beso pa bago muling bumaling sa akin ang kanyang atensyon, Pilit akong ngumiti sa press kahit hindi na maganda ang nararamdaman ko. “Paano na lang kung bugbugin ng