Unknown POV “Ito na ang kabuuang bayad ng ginawa niyong trabaho.” Usal ko sa dalawang lalaki na nasa harapan ko. Mga naka maskara pa ang mga ito. Tinanggal nila ang kanilang maskara nang kunin ang pera na inabot ko. “Ayos!” Tuwang-tuwa na tugon ng isa. “Basta sa bayaran bossing wala kang palya. Mahusay ka talaga!” “Sigurado ba na walang nakakilala sa inyo? Kapag kayo nahuli, huwag na huwag niyo idadawit ang pangalan ko dahil bayad na kayo!” “Boss, alam mo kung paano kami magtrabaho. Walang huli ‘to.” Napangisi ako sa kung gaano ka sigurado ang mga ito. Matagal na silang naninilbihan sa akin at kapag may pinapatrabaho ako, sumusunod naman ang mga ito. Lalo na sa business na ito? Hindi pwedeng tutulog-tulog ka sa pancitan. Dahil kung hindi, mapag-iiwanan ka. “Lumayas na kayo sa harapa