bc

UNDER HIS PROTECTION (KNOXX LUTHER LUCCHETTI)

book_age18+
86
FOLLOW
1K
READ
billionaire
revenge
HE
arrogant
badboy
kickass heroine
stepfather
mafia
billionairess
heir/heiress
bxg
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Sanay tumakbo si Kayne. Sa gutom. Sa kahirapan. Sa mga pulis na humahabol sa kanya tuwing may palpak siyang raket. Snatcher. Scammer. Basurero kapag wala nang ibang pagpipilian. Pero isang araw, sa gitna ng pagtakas, nabangga niya ang lalaking hindi niya dapat nakasalubong. Isang mafia boss. Isang biyudo. Isang lalaking galit sa buong mundo. At ang mas malala? Kamukha raw niya ang asawa nitong patay na at may malaking kasalanan dito. Mula sa lansangan, napunta siya sa mundong mas madilim pa sa impyerno. Dahil sa mundo ng lalaking iyon, walang awa. Walang takasan. At walang nakakaligtas sa galit nito. Pero nang siya’y malagay sa mas malaking panganib, iisa lang ang taong naisip niyang lapitan. Ang lalaking dapat niyang layuan. Sa mundong pinaghaharian ng mafia boss-tatakbo pa ba si Kayne palayo o hahayaang maging parte ng mundo nito para sa proteksyong kailangan niya?

chap-preview
Free preview
1. Lansangan
Chapter One Malikot ang mata ko. Gumagala ang tingin sa paligid para humanap ng bagong target. "Dayo. Mukhang dayo. Maputi. Makinis. Ang ganda pa ng bag," pasimpleng ani ng katabi ko. Iyan na lang, Kayne." Pinagmasdan ko ang tinutukoy nito. Mukhang yayamanin. Tumango ako rito. "Sinong kukuha?" "Ako na lang, Kayne. Abang ka na lang doon sa likod ng palengke. Sa basurahan ko iiwan," nabuo ang simpleng plano. Pare-parehong kumakalam ang sikmura namin. Wala kaming kita kagabi kaya naman hindi pa kami kumain. Mabilis akong lumakad. Humalo sa mga namimili ng palengkeng iyon. Mas maganda ang kitaan kapag araw ng palengke. Siksikan kasi. Tinungo ko ang likod ng palengke. Doon ako naghintay. Panay ang sipat sa relong suot. "10... 8... 7... 4... 1..." sumulpot si Dagul. Inihagis ang bag sa basurahan. Saka ito tumakbo palayo. Ilang saglit pa'y may mga taong dumating. May kasama silang babaeng umiiyak. "Miss! Miss! May nakita ka bang lalaking may dalang pink na bag?" tanong nito sa akin. Bored na tinignan ko ito sabay turo sa kabilang direction. "Doon tumakbo," ani ko. Agad naman silang nagtakbuhan patungo sa ibang direction. Nang nawala na sila sa paningin ko ay saka ko kinuha ang bag. Pero bago ko iniangat iyon ay in-shoot ko muna sa itim na plastic na naroon din. Kaya nang iangat ko nang tuluyan ay itim na plastic lang ang kita bago ako lumakad pabalik sa palengke at nakipagsiksikan. Lumabas ako ng palengke at chill na chill na tinungo ang likod ng simbahan. Tiyak na walang ebidensya dahil wala namang CCTV sa area ng palengke. Kahit mag-iiyak pa ang babae ay safe na safe na kami pati na ang agahan, tanghalian, at pang-yosi namin. Pagdating ko sa likod ng simbahan ay naroon na si Dagul at Mak. Agad kaming naupo sa damuhan at siniyasat ang bag. May cellphone doon na agad kong ipinasa kay Mac. Ito na ang bahalang magbenta no'n ng hindi natra-trace ng may-ari. May mga makeup doon na alam kong magagamit ko sa ibang raket ko. Ang pinakahuli at pinakaimportante ay ang wallet. Pare-pareho kaming napangiti nang nakita ang perang laman. Agad kong binilang. "Siyam na libo," bulalas ko. Agad kong binigyan ng isang libo si Mak, at isang libo rin kay Dagul. Ang barya na naroon ay binigay ko na rin sa mga ito. Sa akin napunta ang pitong libo at wala namang reklamo ang mga ito. Tinignan ko pa ang bag baka may makuha pa roon pero wala na. Dahil may butas sa likod ng simbahan at may sinusunog na basura roon ay initsa ko na roon ang bag pati na iyong couch na lagayan ng make-up. Ang plastic na kulay itim na lang ang pinaglagyan ko ng make-up. Ang pera naman ay ibinulsa ko. "Kota na agad tayo," nakangising ani ko. "Pwede na tayong mag-almusal." "Makiligo muna tayo sa palengke tapos saka tayo kain," pare-pareho kaming sumang-ayon. Kaya naman kanya-kanya ulit kami pag-alis sa likod ng simbahan. Pagdating sa palengke ay dumaan muna ako sa ukayan. Namili. Saka tinanguan ang tindero roon. Tropa iyon. Hindi ko na kailangan magbayad doon. Nilalabhan naman nila ang ukay nila kaya pwede ko nang isuot iyon. Sa bag ko naman ay may extra akong panty. Ang bra ay uulitin ko na lang isuot. Tinungo ko ang pampublikong banyo sa palengke. "Ligo?" ani ko. Kahit tae at ihi lang ang pwede roon ay agad namang pumayag ang bantay. Kilala ako nito. Pagpasok ko'y isinara na muna nito ang pinto para walang ibang pumasok. Pagkatapos kong naligo ay nagbihis na agad ako. Ang damit na hinubad ay in-plastic ko na lang para pag-uwi sa bahay ay malabhan ko. Sa karindirya na kami nagkita nila Dagul at Mak. Agad akong nag-order para sa aming tatlo. "Extra sabaw, 'te!" nag-thumbs up naman agad ito. "Libre ko na 'to. Pero mamaya samahan n'yo akong umuwi sa ilalim ng tulay. Maglalaba ako ng mga damit." "Kahit kami pa ang maglaba," ani ni Dagul. Nag-oo agad ako. Katamad kayang maglaba. Aba'y kapag may nagpri-prisinta ay walang problema sa akin. Nang i-serve ang pagkain namin ay parang hindi kami magkakakilala. Sunggab agad. Ganito talaga kapag walang kain. Gutom na gutom kami. Patay gutom ang sabi ng katabi naming table pero wala kaming pakialam. Gutom kami at kung hindi kami kakain ngayon ay mamamatay na kami. Nakailang refill pa ng sabaw. Nakailang order din ng kanin. Ayos lang iyon. Hindi namin alam kung kailan ulit kami makakakain kapag maubos na ang perang kinita namin ngayon. Kaya sinulit na. Nang natapos ay nagbayad agad ako. Hinintay ko lang ang sukli bago kami umalis nila Dagul at Mak. Alam naman sa palengke ang raket namin. Walang nambubuko dahil malaki ang tulong na naibibigay namin sa palengke. Nauutusan kami ng mga tao roon kapag may mga kupal na customer. Mas magaling pa nga kami sa mga kinauukulan sa tuwing may reklamo sila. Nagagawan namin ng paraan. Pagdating sa ilalim ng tulay ay agad kong inayos ang mga damit. Ilang pirasong lang naman iyon. Sa ilalim na rin ng tulay nilabhan ng mga kupal kong kasama. Pati panty siyempre. Sila na ang naglaba. Isinakay na nga rin nila ang mga damit nila. Sa gilid na rin ng tulay isinampay. Hinintay naming matuyo ang mga iyon. Pagkatapos tupihin ay umalis na naman kami. Aba'y hindi kami pwedeng mag-aksaya ng oras. Pero matunal na no'ng bandang hapon. Nag-sideline na lang muna ang dalawa sa parking lot. Hindi nila parking lot, pero kumikita sila roon. Hindi malaki pero okay na rin. Ako naman ay tamang tambay lang sa plaza. Nakuha pa ngang matulog doon. Walang nagtangkang mang-istorbo dahil kilala naman ako ng mga tao rito na mainitin ang ulo. Nang nagising ako'y papadilim na. Kumakalam ang sikmura pero binalewala ko iyon. Lumapit si Dagul sa akin. May dala itong isang kahang sigarilyo at agad akong binigyan. Ito pa ang nagsindi no'n. Ilang hithit bago ko ibinigay ang usok. "Hinahanap ka ni manager, Kayne. Sabi niya open pa raw ang offer niya sa 'yo." "Anong offer?" salubong ang kilay na tanong ko. "Babayaran ka raw niya para kantutin." Napangiwi ako sa sinabi ni Dagul. Ano pa nga bang aasahan ko sa mga salita nito. Halos buong buhay nito ay narito na sa kalsada. Puro basurang salita ang madalas na naririnig. "Huwag kang papakantot doon. Ang pangit-pangit no'n at tiyak kong maliit lang ang t**i no'n. Humanap ka no'ng gwapo at malaki ang t**i. Maganda ka naman. Idagdag mo pa iyong mayaman para gumanda naman ang buhay mo." Nailing ako. "Pass sa maliit ang t**i, Dagul. Tangina. Baka hindi pa ako masarapan. Gusto ko iyong daks. Iyong tipong wasak sa unang salpak." Pareho kaming natawa at nag-apir pa nga. "Tangina, Kayne! Mag-asawa ka ng mayaman. Hindi kabit ha. Iyong ikaw talaga ang asawa at mahal na mahal. Deserve mong nagkaroon ng buhay na maganda." "Ulol! Sa tingin mo may magkakainteres sa akin? Sa ganitong itsura ko? Iyong mayayaman na iyon ay tiyak gugustuhin lang akong tikman pero asawahin? Ano ako swerte? Hindi gold ang k**i ko." Muli na naman kaming natawa ni Dagul. Ganito man ang usapan namin ay kahit kailan ay hindi nagtangka ang mga tambay rito na bastusin ako. Ako ang reyna ng lansangan. Ang mga gago lang namang nauulol sa ganda ko ang naglalakas ng loob na bastusin ako. Unang-una na iyong manager ng bangko na bandak na nga ay tiyak ko pang maliit ang t**i. Paano ako makatiyak? No'ng sinugod iyon no'ng pokpok sa opisina niya ay ipinagsigawan niyang ang liit-liit ng t**i tapos mayabang. Kaya buong lugar dito sa amin ay alam na maliit ang t**i ni manager.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
105.3K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
30.4K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
113.5K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.5M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook