Chapter Two
"May libre raw na pancit sa plaza, Kayne. Tara?" yaya ni Mak. Bagong araw na naman. Kumakalam na naman ang sikmura dahil sa gutom. Naubos na iyong perang naraket namin no'ng nakaraan.
"Pancit?" takang ani ko.
"Oo. May pa-meeting si Mayor sa plaza. May papancit at tubig." Tumayo agad ako.
"Tara, Mak! Pancit din iyan. Laman tiyan din," yaya ko rito. Iniayos ko ang buhok ko't bahagya na ring pinagpagan ang marunong damit.
Pagdating sa plaza ay marami ng tao.
May namimigay na rin ng pancit kaya nakipila na kami. Pareho naman kaming nakatanggap ni Mak pero pasimpleng pila pa ulit ito sa kabila para tatlo ang pancit namin bago kami gumilid para makakain.
Ang bilis ng bawat subo na para bang kapag binagalan ay may aagaw no'n sa amin.
"Maraming salamat po sa pagpunta ninyong lahat," natigilan ako sa pagkain saka mabilis na tumingin sa entablado. Doon ay nakita ko ang isang ginang na pusturang-pustura ang ayos niya. Napapalamutian ng ginto, maganda ang make-up, pati na ang ayos ng buhok. Tiyak na sa ayos niyang iyon ay milyon na agad ang halata ng mga suot niya. "Makakaasa po kayo na lahat ng mga napag-usapan natin dito ay tutuparin ng ating mahal na mayor," nagpalakpakan ang mga tao.
Iyong gutom ko kanina, ngayon ay parang bigla akong nawalan ng ganang kumain. Inis na tumayo ako at dumeretso sa basurahan at inis na ibinato roon ang pancit. May mga napatingin pa nga sa akin at tiyak hinuhusgahan ako sa ginawa ko.
"Hoy, Kayne! Napaano ka?" agad na tanong ni Mak sa akin na bitbit pa ang pagkain n'ya.
"Itapon mo na iyan. Tangina."
"Hoy! Sayang ito. Kakainin ko pa," nagmartsa ako paalis ng plaza pero lumingon pa ako sa stage. Doon ay nakita ko ang ginang na nakatingin sa akin. Salubong ang kilay nito. Pero hindi ito nagsalita. Tiyak ko namang nakita nito ang inasta ko kanina. Sinadya kong ipakita ang ngisi rito bago ako tuluyang umalis na. "Kayne! Kayne!" habol ni Mak sa akin. Saktong nakasalubong namin si Dagul na takang-taka sa pagmamadali kong maglakad.
"Saan ang punta mo?" pero kahit isa sa tanong nila ay wala akong sinagot.
Sa bilis kong maglakad ay nakarating agad ako ng tulay. Bumaba ako sa ilalim at agad na ibinuhos ang lahat ng inis ko. Binasag ko ang mga boteng abot kamay ko.
Parehong umawat ang dalawang lalaki.
"Putik naman itong si Kayne. Bigla-biglang nagwawala. Ano bang problema mo?" sigaw na ni Mak sa akin. Napigilan nila ako ni Dagul sa balak ko pa sanang manguha ng bote kaya napabagsak na lang akong naupo at napasabunot sa buhok ko.
"Ano bang problema mo?" inis na tanong ni Dagul sa akin.
"Problema ko? Iyong putanginang nanay ko!" hiyaw kong sagot. Nagkatinginan ang dalawang lalaki.
"Nanay mo?" duet pa nila.
"Oo! Putangina n'ya!" wala akong pakialam kung nanay ko pa siya. Mumurahin ko siya kung gusto ko kasi deserve niya iyon. "Putangina n'ya."
"Kayne, nakita mo ba sa plaza iyong nanay mo? Nandoon ba?" usisa ng mga ito.
"Oo. Nasa taas ng entablado. Siya iyong nagsasalita roon." Sagot ko sa kanila.
"Hoy, gago! Asawa ni Mayor iyon, Kayne. Ano ka ba naman? Humithit ka ba? Masama iyan, Kayne. Gago ka."
"Tangina nito. Hindi ba naman maniwala. Nanay ko iyon. Nag-OFW tapos hindi na nagparamdam. Ngayon ko lang nalaman na asawa ni Mayor."
"Oo. Asawa talaga ni Mayor iyon. Last year nagpakasal sila. Ilang buwan pagkatapos namatay no'ng unang asawa ni Mayor." Nanahimik ako.
"Mayaman ka na, Kayne. Asawa ng mayor ang nanay mo. Aasenso ka na."
"Ulol!" agad kong ani. "Anong tingin mo porke asawa na ni mayor ay maghahabol ako? Patay na siya sa buhay ko. Walong taon lang ako no'ng iwan niya. Wala na akong nanay. Gago siya."
"Kayne, kapit sa patalim. Nanay mo iyon. Kaysa narito sa kalsada bakit hindi ka na lang lumapit sa kanya? Ang balita ko'y matulungin daw ang first lady ng bayang ito."
"Baka sapakin ko pa ang tanginang iyan," inis na sinipa ko si Dagul.
"Aray! Ako ba ang nanay mo at ako ang sinisipa mo?" lumayo tuloy ito ng ilang hakbang para hindi na masipa ulit.
"Bigatin pala itong si Kayne," nangingiting bulalas ni Mak. "Stepdaughter ni mayor."
"Tangina n'ya! Bakit nagpakita pa kasi sa akin?" napasabunot ako sa buhok ko pero nang na-realize ko kung gaano ako ka-affected ay umiling ako't tumayo. "Tara. Kailangan nating rumaket kung gusto pa nating mabuhay sa mga susunod na araw," agad tumalima ang mga ito.
Hindi araw ng palangke ngayon kaya tiyak kaunti ang tao roon. Naglakad-lakad muna kami sa mga paborito naming spot. Sa mga parteng walang CCTV. Hindi naman kami bobo. Maraming tao ang isang daan kung saan nagkokonekta iyon sa mga malalaking gusali at sa ilang barangay.
Sa itsura ng mga taong narito ay parang pagod na pagod na sa trabaho nila pero parang kumikilos na lang dahil talagang kailangan.
Alam namin kung sino lang ang dapat dukutan at ang mga taong narito ay hindi sila ang dapat naming target-in.
Hirap na nga sa buhay, dadagdag pa ba naman kami?
Nakalayo kami. Doon kami sa mga medyo nakakaangat sa buhay para sure win.
Nag-obserba muna kami. Naghanap ng perfect target namin.
Nang na-spot-an ang isang ginang na pusturang-pustura ay mabilis akong tumakbo patungo rito. Sinadya kong banggain pero tiniyak ko namang hindi ito babagsak. Tumalsik nga lang ang mga dala nito.
"Sorry po! Sorry!" ani ko na kunwari'y takot na takot. Luminga-linga pa ako na para bang may humahabol sa akin kaya ako nagmamadali. Mabilis namang nakuha ng mga kasama ko ang bag ng matanda.
"Ayos ka lang ba, ineng? Anong problema? Bakit parang takot na takot ka?" dahil hindi pa sobrang nakakalayo sina Dagul ay ipinagpatuloy ko ang pag-arte.
"May sumusunod po sa akin," pagdra-drama ko. Agad gumuhit ang concern sa mukha ng ginang. Mukhang nakalimutan na nito ang bag niyang nahulog.
"Ha? Hala! Halika at magtago ka rito---"
"Hindi po. Aalis na po ako," saka ko hinawi ang kamay nito at takot na takot na tumakbo palayo rito.
Nang nakaliko na ako at humalo sa napakaraming tao ay umakto na akong normal.
Sa ilalim na ng tulay kami nagkita nila Dagul at Mak. Initsa ni Mak sa akin ang bag na agad kong nasalo at binuksan. Binuhos ko na agad ang gamit.
"Putangina!" mahinang bulalas ko pagkakita sa laman ng bag. Mga flyers lang iyon. May wallet pero 70 pesos lang ang laman at puro barya pa.
"Iyan lang ang pera n'ya? Puta! Aanhin natin iyan?" akala ko pa naman yayamanin dahil pusturang-pustura pero 70 pesos lang ang laman ng wallet? Pucha! Inis na ibinato ko ang mga flyers. Nagkalat tuloy iyon. Nagpakapagod kami para lang sa 70 pesos?
Si Mak ay tahimik na dinampot ang bag at tinignan pa ang mga bulsa no'n. Wala talaga. Olats.
Sayang lang ang effort kong nagdrama kanina. Inis na inis ako. Dumagdag pa ito sa pagkasira ng araw ko.
Tahimik na nilinis ni Dagul ang kalat. Deretso na sa basurahan iyon. Sinindihan na rin niya.
"Tao po?" nagkatinginan kaming tatlo. "Tao po?" kumilos si Mak. Sinilip ang tao sa gilid ng tulay.
"Bakit?" sigang tanong ni Mak sa bisita.
"Dito ba nakatira si Kayne Ardee?" nagkatinginan ulit kaming tatlo bago ako tumayo at lumabas mula sa ilalim ng tulay.
"Sino ka?" base sa ayos ng lalaki ay mukhang tauhan ito ni Mayor. Nakilala ko dahil sa uniform na suot. Bodyguard ni mayor.
Lumingon ito sa sasakyan na nakagilid. "Gusto ka pong makausap ni Madam," sagot nito sa akin.
"Madam? Sinong Madam?" nakuha ko pang magmaang-maangan kahit na may idea naman ako kung sino ang madam nila.
Muli itong sumulyap sa sasakyan, "si Madam po... iyong mama mo po," tugon nito sa tanong ko.
"Patay na ang tatay ko, boss. Wala akong oras makipag-usap sa kaluluwa." Tumalikod ako't bumalik sa ilalim ng tulay. Pero hindi natinag ang lalaki kahit tinataboy na ito ni Mak at Dagul.
Ako naman ay wala naman ng pakialam sa kanila. Iniayos ko ang karton na higaan ko at humiga roon.
"Madam, mag-iingat po kayo sa pagbaba," agad akong napabalikwas sa pagkakahiga. Mukhang bumaba na iyong kingina.
"Kayne?" dinig kong tawag sa akin ng ginang. "Kayne Ardee, lumabas ka d'yan," pero hindi ako lumabas. Nanatili ako roon. Kung kaya niyang pumasok dito sa ilalim ng tulay para makausap ako ay pwede naman kaming mag-usap. Pero kung hindi niya kaya ay bahala siya.
Ilang saglit pa'y pumasok ang bodyguard nito. Sinipat ang paligid sa ilalim ng tulay bago ito muling lumabas. Saka naman pumasok ang ginang. Halatang diring-diri ito sa pinasok na lugar.
"Kayne Ardee," maarte nitong bigkas sa pangalan ko. Inangatan ko ito ng kilay.
"Sino ka?" painosenteng tanong ko rito.
"Anak---"
"Putik! Anak? Ulol!" saka ako humagalpak ng tawa. "Sinong anak mo rito, madam?"
"Kayne Ardee, alam kong kilala mo ako!" asik ng ginang.
"Sino ka nga? Iyong first lady ba ni mayor?" sinadya ko pang artehan ang boses ko para asarin ang ginang.
"Yes, I am. Ako rin ang ina mo---"
"Tangina mo!" natigilan ang ginang. "Iyon ka. Oo, kilala nga kita. Ikaw si tangina, kingina, at walang kwentang ina. Nandito ka para ipakilala ang sarili mo? Okay na? Alis na!" taboy ko rito.
"Damn! Walang manners," asik ng ginang. Bored na tinignan ko ito.
"Wala talaga. Wala ka sa tabi ko. Kung nakasama kita ay baka naturuan mo pa sana ako," natameme ang ginang. Pero alam ko at malakas ang kutob ko na hindi pa ito tapos at may pakay talaga ito sa pagpunta niya sa akin.