KINABUKASAN ay isinama pa rin ni Liam si Tere sa pagpasok nito. At dahil may meeting ito with the board members kaya naiwan muna siya sa office ng asawa. Kasama rin nito si Lindsay. Para hindi mabagot ay nag-ikot-ikot muna si Tere sa bawat department. Tutal naman ay marami na rin siyang kakilala doon. Pagbalik sa opisina ni Liam ay nakalimutan niyang i-lock ang pinto. Nagulat na lang siya sa pagsulpot ng di-inaasahang bisita. Gulat na gulat siya pero hindi niya iyon ipinahalata. Bagkus ay tinaasan pa niya ito ng kilay. "Tere! Napakalandi mo rin, ano?Talagang nagbayad ka pa ng mga netizens para ipagkalat ang pang-aagaw mo sa fiancee ko," galit na galit na bungad sa kaniya ni Roxie. Nabasa na pala nito ang mga kumakalat na post sa social media tungkol sa nangyari kahapon sa StarBecks