ILANG araw nang walang gana sa pagkain si Tere. Kahit anong pagkain ang makita niya ay hindi siya natatakam. Parang may hinahanap siya na hindi niya maintindihan. Madalas na rin siyang makaramdan ng pagkahilo. Nag-alala na si Tere na baka sintomas na iyon na unti-unti nang nire-reject ng katawan niya ang puso niya. Kaya nagdesisyon siya na magpasama bukas kay Liam sa clinic para magpa-check up. Isang basong gatas at kapirasong boiled egg lang ang kinain ni Tere nang umagang iyon. Siya na ang nagdala sa kusina ng pinagkainan niya. Habang papunta sa kusina ay bigla na lang niyang naramdaman ang malakas na pagkabog ng puso niya. Para siyang kinabahan sa sobrang lakas ng dagundong niyon. Bigla ring nahulog at nabasag ang hawak niyang buso. Samantalang ang higpit naman ng pagkakahawa niya.