Ten months later... ABALA ang lahat sa mansiyon nina Liam at Tere dahil binyag ng kanilang two months old twin na sina Liam Asher at Lianna Abigail. Halos lahat ng kanilang malalapit na kaibigan at pamilya ay naroon. "Biruin mo, naunahan mo pang lumabas ang triplets namin," biro ni Dean kay Liam nang lapitan siya nito. "Tapos kung maka-baby sister ka noon kay Tere, wagas. Kung noon ka pa sana nakinig sa'kin na mahal mo siya nang higit pa sa isang kapatid, eh, 'di sana wala ng Roxie o kung sino-sino mang babae ang umeksena pa sa buhay mo." Natawa si Liam sa sinabi ng kuya niya. Nakakatawa naman talaga na mas nauna pa nitong napansin ang feelings niya noon kay Tere kaysa sarili niya. No, in denial lang talaga siya noon. "Salamat, Kuya Dean. Kaya nga kita kinuhang ninong nina Asher at Abi