WARNING: This chapter contains scenes that some readers may find disturbing (SPG). Intended for MATURED readers only. Thank you! BAHAGYANG napatakip sa mga mata niya si Tere nang masilaw siya sa kaunting liwanag na lumulusot mula sa bintanang nakaawang nang kaunti at hindi natatabingan ng kurtina. Tanghali na pala. Gumalaw siya nang maalala si Liam. Mahuhuli na ito sa pagpasok. Ngunit nabigong makabangon si Tere nang maramdaman niya ang mabibigat na bagay sa kaniyang baywang at hita. Nakayapos pala sa baywang niya ang braso ng asawa. Samantalang nakasanday naman sa kaniya ang isang hita nito. Napangiti si Tere. He was always like that every time they slept. Daig pa niya ang mawawala kung bantayan nito. Mabuti na lang at nasanay na siyang may kayakap sa pagtulog. Imbes na paalisin si