NAKARAMDAM ng pagkalam ng sikmura si Liam. Kaagad siyang naghanap ng pagkain sa loob ng munting kubo niya. Ngunit nadismaya siya nang makitang bukod sa mga pinamili niya kahapon sa palengke ay wala na siyang ibang pagkain. Ni wala siyang kape na matitimpla para mainitan ang tiyan niya, at ang kaniyang katawan na magdamag nilamig. Totoo ba itong nangyayari sa kaniya? Daig pa niya ang isang pulubi. Pero mayamaya ay napangiti si Liam. Mabuti na palang wala siyang kape. At may dahilan siya para lumapit na naman kay Dannah. Pagkatapos maghilamos ay tumawid na sa kabilang bahay si Liam. Malapit na siya nang makita niya ito na lumabas at may dala-dalang timba. "Good morning, ganda! Saan ang punta mo?" masiglang bati ni Liam kay Dannah, sabay banat ng pa-cute na ngiti. Sa loob ng dalawang t