"BAKIT hindi na lang tayo sa bayan pumunta para makatawag ako sa mga anak ko?" suhestiyon ni Liam kay Dannah bago sila umalis papunta sa sinasabi nitong bundok. "Para makapamili na rin tayo ng mga kakailanganin natin." "Isang beses lang sa isang buwan may pumupuntang pampasaherong bangka dito sa Paraiso," paliwanag ni Dannah. Hinihintay nilang dumating ang dalagitang pagbibilinan nito kay Hannah. "Masiyado kasing delikado ang papunta rito. Bigla-bigla na lang tumataas ang tubig at lumalakas ang alon sa ibang isla na madadaanan papunta rito. Ang sabi pa ng iba, may mga oras daw na nawawala itong Paraiso. Maraming bangkero daw ang naliligaw. Kaya ito binansagang 'Nakatagong Isla'. Dahil pinagtataguan daw ang mga dayuhan." "Really? Totoo iyon?" na-a-amused na tanong ni Liam. Noon niya naa