NAGING emosyonal ang pakikipag-usap ni Dannah sa mga anak ni Liam kaya hindi iyon tumagal. Ganoon pa man ay masaya siya dahil narinig nina Asher at Abigail ang boses ng ina. And he was hoping na sana ay naramdaman ng puso ni Dannah ang totoong koneksiyon nito sa kambal kaya umiyak. Pagkatapos na makausap ang mga anak ay palihim na nag-message si Liam kina Nicolo at Gwen. Pinadala niya ang pangalan ni Harald at ang iba pang detalye tungkol sa buhay nito at ng anak na si Hannah, pati na rin ni Dannah. S-in-end din ni Liam ang ilang litrato ni Harald na panakaw niyang kinunan nang malingat noon si Dannah sa bahay ng mga ito. Pati ang lokasyon ng Paraiso ay binanggit din ni Liam. Maging ang kawalan ng cellular signal at kuryente sa lugar na iyon. At umaasa siya na makatulong ang mga iyon tu