PAWIS na pawis na si Liam pero hindi pa rin niya napapaapoy ang mga tuyong kahoy na napulot niya kanina sa paligid. Halos maubos na niya ang posporo. Hindi niya alam kung bakit ayaw umapoy ng mga iyon samantalang hindi naman basa. Medyo malakas din ang hangin sa paligid na lumulusot mula sa mga butas ng kubo niya kaya minsan ay namamatay ang apoy mula sa posporo. "s**t, man." Hindi napigilan ni Liam ang mapamura nang makitang iisang stick na lang ang laman ng posporo. Sa takot na baka tuluyan iyong maubos na hindi pa siya nakakapagsaing kaya sinigurado ni Liam na mapapaapoy na niya iyon. Ginamit na lang niya ang ilang mahahalagang papel na nasa bag niya para lang mabilis magningas ang kahoy. Ngunit sa kamalas-malasan ay naputol ang huling stick ng posporo. Sinubukan ni Liam na ikisk