SA wakas ay nakahinga nang maluwag si Liam nang matanaw niya ang maliit na isla, pagkatapos ng mahabang biyahe sa dagat. May ilang oras din yata bago sila nakarating. Parang imposible pa nga na marating nila iyon dahil sa sobrang layo. Akala nga niya kanina ay niloloko lang siya ng bangkero. "Nandito na po tayo sa Nakatagong Isla, sir," untag sa kaniya ng bangkero. Binayaran pa niya ito nang malaki para lang ihatid siya sa lugar na iyon. "Ang lugar na ito ay tinatawag na 'Paraiso' ng mga tagarito," pagkukuwento pa nito. Malapit na sila sa dalampasigan nang makita ni Liam ang bangka na sinakyan nina Dannah kanina. Napansin niya na parang nagmamadali itong umalis. Kapansin-pansin din ang pagtataka sa mukha ng bangkero nang makita sila. "Sige na po, Sir, puwede na kayong bumaba rito," sa