"ROXIE? Anong ginagawa mo rito?" Nang makabawi si Liam sa pagkagulat, nilagpasan niya si Roxie na nakaupo sa couch at dumiretso sa swivel chair niya. "Kadarating ko lang from Paris. Just passed by para kumustahin ako." Tumayo ito at lumipat sa upuan na nasa harapan ng office table niya. "Next time, mag-message ka muna bago pumunta rito. Busy kasi ako ngayon," maanghang na sagot ni Liam. Ayaw niyang sungitan ang dating kasintahan dahil wala naman itong ginagawang masama. Nangungumusta pa nga. Pero bukod sa trabaho sa opisina at paghahanap kay Tere ay wala na siyang gustong harapin nang araw na iyon. "I'm sorry, Liam. Nag-alala lang naman kasi ako nang malaman kong nawawala raw si Tere, eh. Kaya naisipan agad kitang kumustahin." Natigilan si Liam. Bigla siyang nakonsensiya sa kagaspa