LUCAS POV: Nang makaalis na si Ayvee ay saka naman ako mabilis na naglakad papunta sa mansyon. Nasa tapat na ako ng front door namin at nakahawak ang dalawang kamay ko sa seradura ng pintuan. Bago ko pa ito buksan ay napapikit pa ako at saka malakas na bumuga sa hangin. Inaasahan ko nang pupuntahan ako ni Don Manolo dahil sa ginawa kong pagpaslang sa kaniyang mga tauhan. Binuksan ko na ang pintuan at kaagad na bumungad sa’kin ang isang putok ng baril na dumaplis pa sa aking pisngi. Hindi man lang ako kumurap at nakatitig lang ako kay Don Manolo at binigay pa niya ang baril niya sa isa sa mga tauhan niya. “What do you want?” mahinahong saad ko kay Don Manolo. Nakatayo ako sa may pintuan pagkapasok ko ng bahay at nakaupo naman siya sa mahabang sofa namin. Ang dalawang kapatid ko naman na