LUCAS POV: Napalingon ako sa aking gilid at wala na sa tabi ko ang asawa ko. Nagtangka akong tumayo pero biglang kumirot ang tagiliran ko. Kinapa ko ang aking noo at may gasa ng nakalagay doon. Naalala ko ang nangyari kahapon at sinabi sa’kin ng isa sa tauhan namin na nawalan daw ng malay si Ayvee noong narinig niya ang putok ng baril dahil alam niyang nasa kapahamakan ako. Ang kailangan ko lang gawin ngayon ay planohin ang pagpapabagsak kay Don Manolo. Kinuha ko ang telepono ko sa side table at akmang tatawagan ko na sana si Morgan ng siya na mismo ang tumawag sa akin. Napangisi na lang ako at kaagad ko rin namang sinagot ang tawag niya. “I’m about to call you Morgan naunahan mo lang ako,” bungad kong kaagad sa kaniya. “Wala ka pa bang balak umuwi? Si Don Manolo___” “Pinuntahan niy