LUCAS POV: “We’re here,” wika ko nang makababa na kami sa bangka. Awang ang mga labi ni Ayvee habang pinagmamasdan niya ang kapaligiran at kita ko ang ningning sa kaniyang mga mata. Alam kong nagustuhan niya ang lugar at masaya ako na nakikita siyang masaya. Hinawakan ko siya sa kaniyang kamay at iginiya ko na siya papunta sa rest house. Enjoy na enjoy pa rin siya sa mga nakikita niya at para siyang bata na nagpapalinga-linga. Humarap ako sa kaniya at doon lamang siya napatingin sa’kin. “Sana ganiyan mo rin ako tingnan tulad nang pagtingin-tingin mo sa paligid,” kunwa’y tampo ko. “Ano bang tingin ang gusto mo? ‘Yong malaswa ba? Ganito ba?” Kinagat niya pa ang ibabang labi niya at tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa. Hinapit ko siya sa kaniyang baywang at inilapit ko pa ang mukha