AYVEE’S POV: Bumaba ako at hinanap ko naman si Lucas. Maaga akong nagising at wala na siya sa tabi ko. Nakatulog ako kagabi kakahintay sa kaniya at naramdaman ko na lang na niyakap niya ako at hindi ko na siya namulatan pa dahil na rin siguro sa pagod at puyat ko. Naabutan ko si mama sa kusina at mukhang magluluto siya ng almusal. Bigla kong naalala ang naging pag-uusap namin at alam kong naging bastos ako sa kaniya. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kaniya at hindi niya ako napansin dahil abala siya sa kaniyang ginagawa. Tumikhim ako at doon lang niya ako nilingon. Naguilty akong bigla dahil parang wala lang sa kaniya ang naging pag-uusap namin. Expected ko na magagalit siya o ‘di kaya ay tatalikuran na lang niya ako. Masaya siyang lumapit sa akin at hinila niya pa ako. “Halika hi