AYVEE’S POV: It’s been three months since my dad left us. I didn’t have a chance to say how much I love him. Kung alam ko lang sana na iiwan niya ulit kami ay pinaramdam ko pa sana sa kaniya na mahal na mahal ko siya. Hindi siya nagkulang sa amin bilang ama at minahal kami ni Ate Jea ng sobra-sobra kaya ganoon na lamang ang sakit na nararamdaman ko hanggang ngayon. Napag-alaman din namin na si Tita Jean ang nagpapatay sa kaniya dahil na rin sa tulong ni Lucas na paimbestigahan ito. Pinaghahanap na rin siya ngayon at hindi ako titigil hangga’t hindi ko nakikitang nabubulok sa kulungan ang babaeng iyon. Siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay sobrang sakit pa rin ang nararanasan ko dahil sa pagkawala ni daddy. Simula noon ay hindi na muna namin pinag-usapan ni Lucas ang tungkol sa k