CHAPTER 17

3325 Words
AYVEE’S POV: “M-mommy, mommy, mom!” sigaw ko at napamulat ako at tumayo sa aking pagkakahiga. Nakita ko sa aking harapan si Lucas at Gascon at pati na rin ang mama nila. Kaagad naman akong nilapitan ng kanilang ina at saka niyakap. Napahikbi na lang ako dahil hanggang ngayon ay takot na takot pa rin ako dahil sa nangyari sa akin. Kung hindi lang siguro dumating si Lucas at Gascon ay baka naging isang hapunan na ako ng mabangis na aso kanina. “Tahan na hija, huwag ka nang umiyak ligtas ka na,” pag-aalo sa’kin ni Mrs. Montealegre. “M-mama.” Hindi ko alam pero iyon ang tanging nasabi ko sa kaniya. Ang totoo niyan ay biglang gumaan ang pakiramdam ko nang yakapin niya ako sa unang pagkakataon. Nakikita ko kasi si mommy sa kaniya at kapag may dinaramdam ako ay wala siyang ibang gagawin kun’di ang yakapin ako dahil noong bata pa lang ako ay mabilis nawawala ang sakit ko sa tuwing yayakapin niya ako. Kumalas si Mrs. Montealegre sa’kin nang pagkakayakap at hinaplos ang aking mukha. Tipid pa siyang ngumiti sa’kin at hinawakan naman ang aking dalawang kamay. “Ako ang magiging pangalawang ina mo kapag naikasal na kayo ni Lucas. At huwag kang mag-alala dahil hindi ka namin pababayaan dito” Napakabait ng mama nila. Mas lalo ko tuloy namiss si mommy at hindi ko masabi-sabi sa kaniya na ikakasal na ako sa isang lalaking hindi ko naman lubos na kilala. Tiyak akong kapag nalaman niya ay hindi siya papayag at tututol siya sa kagustuhan kong magpakasal. Kaya ko rin naman ito gagawin ay para mabawi ko ang bahay na binenta ni daddy. Si Lucas lang ang makakatulong sa’kin at sa ganitong sitwasyon ko ngayon siya kailangan. “Maayos na ba ang pakiramdam mo? Gusto mo bang magpatawag pa kami ng doctor para matingnan ka?” Tiningala ko si Lucas ng nasa gilid ko na siya at kita ko sa mga mata niya ang labis na pag-aalala. Pagkatapos ng nangyaring iyon ay bigla na lang akong nawalan ng malay siguro ay dahil sa labis na takot. Umupo siya sa tabi ko at hinawi ang buhok ko sa aking balikat. Nakatingin siya sa aking leeg at kinapa ko naman ito. May maliit na bandage na nakatakip doon at tinanggal naman niya ang kamay ko. “H’wag mong galawin. Nagkaroon ka ng sugat sa may leeg dahil sa pagkakahulog mo,” mahinang wika ni Lucas. “P-paano niyo nalaman kung nasaan ako?” “Hinahanap kasi kita dahil bigla kang nawala. Mabuti na lang at nakita ka ng isa sa mga tauhan namin na papunta sa isang masukal na lugar. Ano ba kasing ginagawa mo ro’n bakit nagpunta ka do’n?” Hindi ko siya sinagot at napayuko na lang ako. “Huwag mong isipin Ayvee na pinagagalitan kita. Concern lang kami sa’yo dahil baka may masamang mangyari sa’yo. Mabuti na lang at dumating kami ni Gascon. “I’m sorry,” hinging paumanhin ko sa kaniya at nanatiling nakayuko pa rin ako. Totoo ang sinabi niya. Mabuti na lang talaga at dumating sila at isa ‘yon sa ipagpapasalamat ko sa kanila. Sa tuwing nalalagay ako sa alanganin ay laging dumadating si Lucas. Para na tuloy siyang isang anino ko na parating nakasunod sa’kin. “Sige na hija magpahinga ka na muna. Bukas na sana ang kasal niyo pero ipagpaliban na muna natin ng isang araw para makapagpahinga ka pa ng maigi.” Taka akong napatingin kay Mrs. Montealegre at hindi ko akalain na bukas na pala kaagad ang aming kasal. Lumabas na si Mrs. Montealegre at kasama naman niya si Gascon. Nagpaiwan naman si Lucas at umusog pa ito palapit sa’kin. “Huwag na huwag kang mawawala sa paningin ko ng hindi nagsasabi sa’kin kung saan ka pupunta, naiintindihan mo ba Ayvee?” Tumango lang ako sa kaniya pero nasa ibaba ang tingin ko. “Will you please look at me Ayvee?” Napapikit pa ako at marahang tumingin sa kaniya. Hindi ko mawari kung anong klaseng tingin iyon. Napalunok ako at pagkuwan ay umiwas sa kaniya nang tingin. “S-sige na lumabas ka na muna ng kuwarto dahil kailangan ko na munang maligo,” pagtataboy ko sa kaniya. “Tutulungan na kita.” Mabilis akong napatingin sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. “Hoy lalaki, hindi porke___” Hindi ko na naituloy ang susunod kong sasabihin nang buhatin niya ako at dalhin sa banyo. Iniupo niya ako sa sink at itinukod naman niya ang kaniyang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko. Nagkatitigan kami at doon ko naramdaman ang pagbilis nang t***k ng puso ko. Shit! Hindi puwede ‘to. Hindi ko puwedeng maramdaman sa kaniya ang hindi ko dapat maramdaman. Isa o dalawang taon lang ang kailangan kong tiisin at magiging malaya na ulit ako. “Hindi mo ba alam na nasprain ‘yang paa mo? At may konting galos ka rin sa likod mo?” Napakurap-kurap ako sa kaniya at hindi ko alam na nagkaroon din pala ako ng sugat sa aking likod. Napabuntong hininga siya at mas lalo pa siyang lumapit sa’kin. “Ako na ang magpapaligo sa’yo” “What? Sira-ulo ka ba?” May diing saad ko sa kaniya. “Hindi mo naman kailangang mahiya dahil nakita ko na ‘yan at ilang beses ko na rin nahawakan ‘yan.” Mariin akong napapikit at sinamaan siya nang tingin. Magsasalita pa sana ako nang talikuran na niya ako at sinimulan na niyang buksan ang gripo sa bath tub. Nilagyan niya ito kaagad ng bubble bath at ako nama’y pinagmamasdan lang siya. Sandali siyang lumabas ng banyo at pagbalik niya ay may dala na siyang malinis na tuwalya. “Should I undress you?” seryoso niya pang tanong sa’kin. Lord naman, bakit sa isang manyakol niyo pa ako napiling ipakasal? Bulong ko na lang sa aking isipan. “Kaya ko naman maghubad ng sarili ko” “Okay, go on” “Ano, papanuorin mo ‘ko?” masungit kong sambit sa kaniya. “I told you that I saw it already and I tasted your whole body. At kapag mag-asawa na tayo ayoko ng ganiyang nag-iinarte ka. Did you forget what I told you before we got here?” Naitikom ko ang aking bibig at unti-unti naman siyang lumalapit sa’kin. “Nakalimutan mo na ba kaagad o gusto mong ipaalala ko ulit sa’yo?” “No need.” Lumayo na siya sa’kin at sinenyasan ako na alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin. Sinimulan ko nang hubarin ang damit ko at tinanggal ko ang hook ng bra ko. Nahihiya pa akong tanggalin ito dahil nakatingin sa’kin si Lucas. Umiwas na lang ako sa kaniya nang tingin at mahinang bumuntong hininga naramdaman ko na lang ang paglapit niya sa’kin at nagulat ako nang ibaba niya ako sa sink. Napatingin na lang ako sa aking pantalon nang tanggalin niya ang butones noon at ibaba ang zipper ko. Mabilis niya itong ibinaba at pagkuwan ay muling tumayo. “Ako na rin ba ang magtatanggal ng underwear mo?” Peke akong napaubo at ako na mismo ang naghubad ng panty ko. Nang wala na ako ni isang suot ay muli niya akong binuhat at inilagay sa bath tub. Maligamgam ang tubig at ang sarap sa pakiramdam. Binalingan ko si Lucas at umupo naman siya sa gilid ng bath tub. “Let me scrub your back,” malumanay sa sabi nito. “Pero kaya__” “Please.” Wala na akong nagawa kun’di sundin ang nais niya. Tahimik lang kami pareho at lagaslas ng tubig lang ang nananatiling naririnig namin. Napasinghap pa ako nang dumako ang haplos niya sa bandang hita ko at mariin ko na lang nakagat ang ibabang labi ko. Halos pigil ang aking paghinga dahil hindi ko alam kung sinasadya ba niyang hawakan ang ibang parte ng katawan ko. Nang matapos na akong maligo ay nilinisan naman niya ang sugat ko sa aking leeg at pati na rin sa aking likod hindi ko na hinayaang asikasuhin niya pa ako at ako na rin ang siyang nagbihis sa sarili ko. Medyo paika-ika naman akong naglakad palabas ng banyo at naabutan ko siyang nakatanaw sa labas ng bintana. Mukhang malalim ang iniisip niya at siguro ay tungkol ito sa aming kasal. Narinig kong tumunog ang telepono niya at hinugot naman niya ito sa bulsa ng kaniyang pantalon. “Hindi pa ako makakabalik diyan at may inaasikaso lang ako dito sa Quezon. Kilala mo na ba kung sino ang gumawa no’n?” Kumunot ang noo ko sa pabulong niyang wika sa kaniyang kausap na wari ko’y ayaw niyang marinig ko. “f**k. Sige tatawagan na lang ulit kita.” Kaagad niyang ibinaba ang tawag at pareho pa kaming nagulat nang pumihit siya paharap sa’kin. “Aaahm, s-sige magpapahinga na ‘ko.” Nasabi ko na lang sa kaniya. “Hindi ka ba nagugutom? Gusto mo bang magpaakyat na lang ako ng pagkain mo rito?” “Hindi na, gusto ko lang magpahinga.” Tumango lang siya at lumabas na ng kuwarto. Humiga ako sa kama at naisipan ko munang magscroll sa aking telepono. Nagulat ako dahil ilang text messages at tawag ang nakita ko roon. Si Badiday at Calixto ay tinadtad ako ng text at tawag dahil hindi ako nakapagpaalam sa kanila na aalis ako. At ano naman ang sasabihin ko? Na sinama ako ng amo nila rito sa mansyon nila para magpakasal? Pero ang siyang pumukaw ng atensyon ko ay ang mga text ni mommy sa’kin. Alam kong nag-aalala na siya dahil basta na lang akong umalis ng hindi nagpapaalam sa kaniya. “Mommy I’m sorry, I’m sorry kung magsisinungaling ulit ako sa’yo. Mas mahalaga ka sa’kin kaysa sa sariling kaligayahan ko.” Napaiyak na lang ako at naitakip ko na lang ang dalawang palad ko sa aking mukha. Magsinungaling man ako sa kaniya pero alam kong makakabuti sa kaniya ang gagawin kong iyon. Hindi ko malaman sa sarili ko kung nakatulog ba ako o sadyang ipinikit ko lang ang aking mga mata. Matamlay naman akong tumayo sa higaan ko at napalingon ako sa bukas na bintana sa harapan ng aking kama. Nilanghap ko ang simoy ng hangin na nagmumula roon at unti-unting sumilay ang aking mga ngiti. Mas masarap talagang mamuhay dito sa Quezon at pakiramdam ko ay nawawala ang mga alalahanin ko kapag nandito ako. Tiningnan ko ang paa ko at medyo nawala na ang pamamaga noon. Inayos ko muna ang higaan ko at pagkatapos ay itinali ko naman pataas ang aking buhok. Nagtungo ako sa banyo para maghilamos at nagtootbrush na rin ako. Nagulat pa ako nang paglabas ko ng banyo ay naabutan ko si Lucas na may dala ng pagkain at nakapatong ito sa center table. Nakatitig siya sa’kin at sinenyasan naman niya akong umupo. “Sige na kumain ka na para lumakas ka kahapon ka pa kasi hindi kumakain baka magkasakit ka.” Sandali ko siyang sinulyapan at pagkuwa’y tiningnan ang pagkaing dala niya. Masasarap naman ang mga hinanda niya pero wala akong gana kumain. Dahil din siguro ito sa traumang inabot ko kahapon kaya pati ang pagkain ko ay naapektuhan na rin. “Wala akong gana,” tipid kong sambit. “Alam ko na ang gagawin sa’yo para magkaroon ka ng gana kumain.” Tumaas ang isang kilay ko nang tumayo siya at ikinagulat ko ang sunod niyang ginawa. Hinubad niya ang T-shirt niya at sunod naman niyang kinalas ang kaniyang sinturon. Lalong nanlaki ang mga mata ko nang tanggalin naman niya ang butones at zipper ng kaniyang pantalon at mabilis niya itong ibinaba. “Hoy manyak ka talaga! Stop what you are doing!” Awat ko sa susunod niya pang gagawin. Pero bago pa siya makapagsalita ay biglang bumukas ang pintuan at tumambad ang mama niya na gulat na gulat din nang makita ang ayos ni Lucas. “Diyos ko Lord Lucas! Tayong-tayo na naman ‘yang tete mo! Puwede bang pagpahingahin mo muna si Ayvee at saka mo na manyakin. Hindi ka ba makapaghintay ng honeymoon niyo?” “Ma naman! Ano bang ginagawa niyo rito? Hindi ka man lang marunog kumatok!” Mabilis na sinuot ni Lucas ang patalon niya at lumapit pa ang mama niya sa kaniya at pinalo siya na parang bata. “Aba malay ko ba na minamanyak mo na pala itong si Ayvee.” Binalingan ako ng mama niya at tumabi pa siya sa’kin na parang walang nangyari. “Halika sa baba Ayvee at ipapakilala kita sa mga manugang ko” “P-po?” “Huwag kang mag-alala mababait sila hindi tulad ng mga asawa nila at itong si Lucas.” Turo niya pa kay Lucas na isinusuot na ang kaniyang sinturon. “Ma naman!” “Tumahimik ka Lucas. Pumunta ka na sa maisan at puntahan mo na rin ang koprahan pati na rin ang ilang planta sa kabilang bayan,” utos nito sa kaniya at muli akong hinarap ng mama niya at malapad pa siyang ngumiti sa’kin. “Halika na Ayvee at hinihintay ka na nila. Kaya mo na bang maglakad?” Tumango lang ako sa kaniya. Habang pababa kami ay nakaalalay pa rin sa’kin si Mrs. Montealegre at nahihiya naman akong tumanggi sa kaniya kahit na kaya ko na namang maglakad. Nakarinig na ako nang mumunting ingay habang papalapit kami sa sala. Nakita kong nakatalikod ang dalawang babae at wari ko’y may pinapanuod sila sa kanilang telepono. “Mga hija, nandito na siya.” Tumayo pa ang dalawa nang magsalita si Mrs. Montealegre. Napatulala ako sa kanila at hindi ko mapigilang humanga dahil sa angking ganda nila. “Hi Ayvee! Ako nga pala si Savianna but you can call me Avi for short.” Inilahad niya pa ang palad niya sa’kin at hindi ako nag-atubiling tanggapin iyon. Mukha siyang mabait at higit sa lahat napaka ganda rin niya. Simple lang ang kaniyang suot at hindi mapaghahalataang mayaman ito at isang asawa ng Montealegre. “Ako naman si Trinity. Nice meeting you Ayvee at sana maging mabuting magkaibigan tayo.” Napangiti na lang ako at mukha siyang manika at ang bata niya pang tingnan. Iniisip ko kung sino sa kanilang dalawa ang asawa ni Gascon. Hindi naman siguro si Trinity dahil mukha siyang bata para maging asawa ni Gascon. Napabaling ang tingin ko kay Avi at siguro ay siya ang asawa nito pero masyadong maamo ang mukha niya para maging asawa ang isang Gascon Montealegre. “Sige maiwan ko muna kayo at asikasuhin niyo muna itong si Ayvee at bibisitahin ko muna iyong palayan natin.” Paalam ni Mrs. Montealegre at naiwan na lang kaming tatlo. “Ang galing namang pumili ni Lucaret nang mapapangasawa!” masayang wika ni Avi sa’kin. “Welcome to the club Ayvee.” Nagtaka ako dahil sa sinabing iyon ni Trinity. “Anong ibig mong sabihin?” “Ang ibig sabihin ni Trining humanda ka sa pagiging wild ng mapapangasawa mo panigurado ako kung saan-saang lupalop ka niya lalandiin.” Bagsak ang panga kong napatitig sa kaniya at hindi alam kung ano ang aking isasagot. “Gusto mo bang maglibot-libot dito Ayvee? Halika ipapasyal ka namin ni Trinity,” yaya na lang niya sa’kin. Pumayag naman ako dahil gusto ko rin silang mas makilala pa dahil magiging isang ganap na Montealegre na rin ako at bukas na ang araw na ‘yon. Nagtungo kami sa isang malawak na palayan kung saan malapit din sa mansyon. Ganito kayaman ang mga Montealegre at halos lahat yata nang puntahan namin ay pagmamay-ari nila. “Alam mo Ayvee masaya kami nang makilala ka namin at sana magbago kung ano man ang tingin mo kay Lucas ngayon.” Napatingin ako kay Trinity na matamang nakatitig sa akin. Nakaupo kami sa ilalim ng puno habang pinapanuod naman ang mga magsasaka na nagtatanim ng palay. Marami akong bagay na pinagsisisihan at higit sa lahat ay marami rin akong narealize simula nang mawala sa’kin ang lahat ng meron ako. “Mabait si Lucas. Ganoon lang talaga silang lahat. Akala mo laro lang sa kanila ang ginagawa nila pero ang totoo ay handa silang ibuwis ang buhay nila para sa taong mahal nila. At isang mahalagang paalala lang Ayvee. Kapag nagmahal ang isang Montealegre handa ka rin dapat sa pagiging possessive ni Lucas dahil handa silang pumatay huwag lang makuha ang pag-aari nila,” saad naman ni Avi. Nahintakutan ako sa sinabi niya at para bang tumaas ang mga balahibo kong bigla. “Pero magkaiba naman ang sitwasyon namin ni Lucas hindi tulad nang iniisip niyo at saka napikot lang naman ako ni Mrs. Montealegre.” Nagkatinginan pa ang dalawa at ngumisi pa ang mga ito. “That’s not what I see in him.” Taka akong napatitig sa kaniya at seryoso naman ang kaniyang itsura. “Subukan mong kilalanin siya at malalaman mo ang ibig kong sabihin.” Tumayo na siya at ganoon din kami ni Trinity. Habang naglalakad kami pabalik ng mansyon ay napahinto ako at nilingon naman ako ng dalawa na takang nakatitig sa’kin. Sa huling pagkakataon gusto ko munang makasama ang mommy ko at humingi ng tawad sa kaniya na sabihin ang desisyon ko. Sana mapatawad niya ako balang araw at para din naman sa kabutihan niya ang gagawin kong ito. Nagpaalam ako sa kanila at kaagad din naman silang pumayag at sila na raw ang bahalangg magpaliwanag sa kanilang byenan at lalo na kay Lucas. Nakarating na ako sa aming bahay at marahan naman akong naglakad hanggang sa makarating ako sa pintuan. Hindi na ako kumatok at binuksan ko na lang ito at tumambad sa’kin si mommy na umiiyak. Nang makita niya ako ay mabilis niya akong dinalohan at mahigpit na niyakap. Alam kong nag-alala siya dahil basta na lang akong nawala at wala man lang pasabi. “Anak, saan ka ba nagpunta? Alam mo bang halos hindi na ako makakain at hindi rin ako nakatulog ng maayos dahil sa pag-aalala sa’yo?” garalgal ang boses niya at medyo namamaga na rin ang mga mata niya at parang buong gabi siyang umiyak. “Akala ko tuloy sinama ka ni Suzette at ng mama niya” “Mommy, huwag kang mag-alala hindi na po ako babalik do’n. Pero hindi rin ako mananatili dito sa bahay.” Kumunot ang noo niya sa pagtataka ay bahagyang lumayo sa’kin. “Mommy, I want you to trust me okay? You know how much I love you right?” “Anak, ano bang nangyayari?” “I’m sorry mom and I love you.” Niyakap ko na lang siya para hindi na siya magtanong pa dahil hindi ko pa kayang sabihin sa kaniya ang totoo. Ayoko siyang bigyan ng problema dahil wala na kaming ibang aasahan ngayon. Kinuha na sa amin ang lahat at kahit isa sa pag-aari namin noon ay ibinenta na ng sarili kong ama. Kinabukasan ay maaga akong nagising at himbing pa rin si mommy sa kaniyang pagtulog. Nag-iwan ako sa kaniya ng sulat at ipinatong ito kung saan ay kaagad niya itong makikita. Hinagkan ko siya sa kaniyang noo at tuluyan na akong lumabas ng kuwarto. Pagkalabas ko naman sa aming bakuran ay nakita ko ang isang pamilyar na sasakyan na nakaparada sa ‘di kalayuan at bumusina pa ito kaya naman napatalon ako sa gulat dahil sa lakas ng tunog nito. Alam kong si Lucas iyon kaya naman malalaki ang hakbang kong lumapit doon at binuksan ko ang pintuan ng passenger seat. Nakasuot siya ng sunglasses at long sleeve polo at kulay itim na pantalon. “Let’s go baka malate pa tayo sa ceremony” Seryoso? Ngayon na talaga ang kasal namin? Sumakay na agad ako at pinaandar na niya ang sasakyan. Nanlalamig ako at namamawis ang mga kamay ko na hindi ko maintindihan. “Are you ready to be a Mrs. Montealegre my binibini?” Nilingon ko siya pero sa daan pa rin nakatutok ang atensyon niya. Napahinga na lang ako ng malalim at inalis ko muna ang kaba sa aking dibdib. “Ready to be your wife and my husband”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD