CHAPTER 16

2899 Words
AYVEE’S POV: Ilang oras na akong nakahiga sa kama at nakatingin lang sa kisame ay hindi pa rin bumabalik si Lucas. Padabog akong bumangon at bumaba sa kama para hanapin siya. Ang manyakol na ‘yon ginawa akong preso rito sa kuwarto niya. Ano ‘yon babalikan niya lang ako kapag kailangan niya ang katawan ko? Inayos ko ang aking sarili at lumabas ng kuwarto. Sobrang tahimik habang binabaybay ko ang kahabaan ng corridor na ito kung nasaan ang kuwarto ni Lucas. Malaki ang bahay nila kumpara sa bahay namin pero parang nababalutan ito ng kalungkutan na hindi ko mawari. Ang mga ibang gamit nila ay gawa sa narra at ang iba ay mukhang antigo na. Halatang mayaman talaga sila at sigurado akong kilala ang pamilya nila rito sa kanilang bayan. Hindi ko naman nababalitaan ang tungkol sa pamilya nila dahil medyo malayo rin ang lugar namin at sa kabilang bayan pa kami. Huminto ako sa aking paglalakad nang makita ko ang isang malaking portrait na nakasabit sa dingding bago sumapit ang kanilang hagdanan. Napatitig ako roon at nasisiguro kong ama nila ang lalaking nasa picture. Ngayon alam ko na kung kanino sila nagmana at sadyang mga guwapo talaga ang mga Montealegre. Marahan akong bumaba ng hagdan at nagpalinga-linga pa ako at nagbabakasakali na may maabutan akong tao rito. Nakakabingi ang katahimikan dito at mukhang mababaliw yata ako rito kung dito ako titira. “Wala bang tao rito? Sobrang tahimik naman,” bulong ko sa aking sarili habang nakatayo ako sa gitna ng sala. Naisipan ko namang lumabas ng bahay nang makarinig ako ng tila may mga batang nagsisigawan. Hinanap ko pa kung saan nanggagaling iyon at napagtanto ko na sa likod lang ng bahay na ito ko sila naririnig. Nakita ko na may dalawang bata na para bang nag-aaway ang mga ito at ang isang lalaki na sa tantiya ko ay nasa limang taon pa lang at ang isang lalaki naman ay hindi nalalayo rin ang edad sa kaniya. “Why didn’t you fight back?” sabi ng isang lalaki na tila pinagagalitan nito ang kausap niya. “I can’t. I’m not like you,” sagot naman ng isa. “You can’t replace your dad someday if you’re being a coward, Joaquin. Paano ka hahawak ng mga baril kung ganiyan ka?” Namilog ang mga mata ko dahil sa aking narinig. Ano bang sinasabi ng batang ito at bakit paghawak kaagad ng baril ang nasa isip niya? Sino ba ang mga batang ito at tila pinabayaan yata ng mga magulang nila? Hindi na ako nakatiis at nilapitan ko na ang dalawang bata. Nagulat pa sila nang makita ako at pilit naman akong ngumiti sa kanila. Hindi ko maiwasang pakatitigan sila dahil sa ka-cutan ng dalawang ito. Ginulo ko pa ang buhok ng isang batang lalaki na para bang paiyak na dahil pinagagalitan siya ng kaniyang kuya. “Anong ginagawa niyo rito? At saka bakit kayo nag-aaway?” malumanay na tanong ko sa dalawang bata. “And who are you? What are you doing at my lola’s house?” Napatingin ako sa isang bata na nanenermon sa kasama niya. “Ah, ako nga pala si__” “You’re our new nanny?” Napakurap-kurap ako sa sinabi niya at hindi makapagsalita. Mukha ba akong mag-aapply na yaya? Tiningnan ko ang sarili ko at ang tanging suot ko lang ay simpleng pantalon at may kaluwagan na black t-shirt at tanging tsinelas lang na de-sipit ang aking suot. Malayong-malayo ang itsura ko kumpara noon at hindi ako lumalabas ng bahay ng hindi maayos ang aking sarili. Pinamey-awangan ko siya at pinanliitan ng mga mata. Tila walang takot ang batang ito at nakipagtitigan pa sa akin. Naku, kung hindi lang talaga bata itong kaharap ko baka pinatulan ko na siya at tiniris ng pino! “Why did you scold your little brother? And wait, did I hear something like guns? Did your parents know what you are talking about?” Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya. Imbes na sagutin niya ako ay hinila na lang niya ang kapatid niya at tumingin pa ito sa’kin na walang emosyon ang itsura. Napataas na lang ang isang kilay ko dahil parang hindi bata ang kausap ko ngayon. Naalala ko ang sinabi niya kanina at isa siya sa apo ni Mrs. Montealegre at anak ng isa sa mga kapatid ni Lucas. Bago pa sila makalayo ay huminto pa muna sila at nilingon ako. “By the way, he’s not my little brother. He’s my cousin and mine your own business.” Pagkasabi niyang iyon ay hinila niyang muli palayo ang kasama niya. Napabuntong hininga na lang ako at konti na lang ay papatulan ko na talaga ang batang iyon. Siguro ay kaugali rin niya ang tatay niya kaya gano’n kagaspang ang pag-uugali ng batang iyon. Muli akong pumasok sa loob ng bahay at sa pagkakataong iyon ay nakita ko na ang mama ni Lucas. Mabilis niya akong dinalohan at sinalubong nang mahigpit na yakap. Nahihiya naman akong gumanti sa kaniya ng yakap kaya hinayaan ko na lang siya. Niyaya niya ako sa garden at hinayinan naman kami ng kaniyang kasambahay ng meryenda. “Welcome to Isla Montealegre hija,” masayang wika niya sa’kin. “T-thank you po” “Sanayin mo nang tawagin akong mama at hindi magtatagal magiging manugang na rin kita. Sana naman ang una niyong maging anak ni Lucas babae naman puro kasi lalaki ang unang apo ko eh” “P-po?! Ayoko po!” Napatulala na lang siya sa sinabi ko at muntik ko nang makalimutan na mama pala ni Lucas ang kausap ko. “I mean, ayoko po muna sa ngayon” Parang napasubo tuloy akong bigla dahil sa pagpayag sa pagpapakasal at gusto pa ng mama niya na magkaroon kami ng anak. As if naman na magtatagal kami at ‘di kalauna’y maghihiwalay din kami at makakahanap siya ng babaeng mamahalin niya ‘yong tipong hindi sapilitan at talagang gusto niya. “Alam kong ikaw ang babaeng magpapabalik ng tunay na Lucas,” may himig na lungkot na wika niya sa’kin. “Ano po ba ang tunay na pagkatao ni Lucas? I mean, mukha naman po siyang normal at hindi naman baliw.” Napatawa siyang bigla at tipid na lang din akong napangiti. “He’s okay in the outside but he’s not normal in the inside. Kung ano man ang malaman mo tungkol sa kaniya, please understand him hija. Huwag mo sana siyang iwan sa pag-aakalang__” Hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin nang mapatingin siya sa ibang direksyon. Napalingon naman ako kung saan siya nakatingin. Nakatayo ang isang lalaki sa ‘di kalayuan sa amin at seryoso kaming pinagmamasdan. Lumapit siya sa kinaroroonan namin at tumabi pa ito kay Mrs. Montealegre. “You must be Ayvee?” Marahang tango ko sa kaniya. Ewan ko ba pero bigla akong kinabahan sa simpleng salita lang niyang iyon. Alam kong isa siya sa kapatid ni Lucas dahil hindi nalalayo ang itsura nito sa kaniya. Halos hindi naman ako makatingin sa kaniya ng deretso dahil tila ba’y sinusuri niya ang kabuuan ko. “Hija, mabuti pa at puntahan niyo si Lucas sa maisan para naman makapasyal ka rin doon. Gascon, ikaw na muna ang sumama kay Ayvee at magluluto ako ng masarap na hapunan para mamaya” Shit! Siya si Gascon? Kaya pala iba ang pakiramdam ko sa kaniya. Totoo kaya ang sinasabi ni Lucas na pumapatay siya ng tao? Pero ang sabi naman niya hindi siya basta-basta pumapatay. Anong klaseng tao ba siya at bakit pinapayagan ng mama nila ang ganoong gawain? O baka naman hindi alam ng mama nila ang masamang gawain ng anak niya? “Hija, ayos ka lang ba? Bakit parang pinagpapawisan ka? Masama ba ang pakiramdam mo?” Napabaling akong bigla sa mama nila at pagkuwan ay muli kong binalingan si Gascon na matamang nakatitig sa’kin. “H-ha? O-opo ayos lang ako. Saka okay lang naman kung dito na lang ako sa bahay puwede ko naman siyang hintayin dito” “Are you scared?” Napatingin ako kay Gascon na walang emosyon ang kaniyang itsura. “If you’re not you’ll come with me. Hindi ko alam kung anong sinabi sa’yo ng abnormal kong kapatid. Pero ang iba ro’n totoo at ten percent ang hindi.” Tumayo na siya sa kaniyang kinauupuan at hindi ko alam kung susunod ba ako sa kaniya. Pinanatili kong kalmado ang sarili ko at sumunod na rin sa kaniya ilang minuto ang lumipas. Malapit na ako sa gate nila nang mapansin ko ang ilang mga lalaki na mga nakasuot na kulay itim. Marami ring nakaparadang sasakyan doon at hindi ko mabilang kung ilan silang nandoon. Napaatras akong bigla nang makita kong isa-isa nilang inilalabas sa sasakyan ang iba’t-ibang uri ng mga baril. Naramdaman ko na lang sa aking likod ang isang palad at napatingala na lang ako. Muntikan pa akong mapamura nang makita siya at may hawak siyang shotgun sa kaliwang kamay niya. “Don’t be scared of them, they’re my men.” Nauna na siyang maglakad at nakasunod naman ako sa kaniya. Nakayuko lang ako habang sinusundan siya at hindi ko tinitingnan ang mga lalaking napapalibutan na halos kami. Inilagay niya ang shotgun na hawak niya sa compartment ng sasakyan at lumapit pa sa kaniya ang isang lalaki. “Clear na boss,” sabi nito sa kaniya. Tumango lang siya at tiningnan naman ako ng lalaking lumapit sa kaniya. Malapad siyang ngumiti sa’kin at lumabas sa magkabilang pisngi niya ang malalim na dimple nito. “Ikaw siguro si ma’am Ayvee ang mapapangasawa ni Sir Lucas?” “Ha?!” Gulat kong bulalas sa kaniya. “Stop smiling at her, Lucas will kill you.” Nanlaki ang mata kong napatitig kay Gascon at binuksan naman niya ang pintuan ng passenger seat. “Get in.” Tahimik akong pumasok sa loob at pinasadahan pa nang tingin ang tauhan niya na unti-unting pumapasok na sa kani-kanilang sasakyan. Halos panay lunok ang iginagawad ko habang papunta kami kung nasaan si Lucas. Nasa trenta minutos na yata ang binabyahe namin pero hindi pa rin kami nakakarating doon. Gusto ko na tuloy tumalon sa sasakyan dahil sa sobrang nerbyos sa kaniya. Maling galaw ko lang tiyak butas ang bunbunan ko nito o ‘di kaya ay itapon na lang niya ako sa liblib na lugar dito. Napadako bigla ang tingin ko sa isang maliit na picture na nakasabit sa may rearview mirror niya. Napagtanto ko na ito ‘yong batang nakita ko kanina na pinagagalitan ng pinsan niya. “He’s my son.” Napalingon ako sa kaniya nang mapansin niyang nakatitig ako roon at hindi ako makapaniwala na siya pala ang anak niya. Muli kong tinitigan ang picture ng anak niya at hindi nga mapagkakailang anak niya ito dahil sa pagkakahawig nilang dalawa. Pero mas maniniwala pa yata ako kung iyong isang batang lalaki ang naging anak niya dahil mukhang pareho sila ng pag-uugali. Siguro ay mas malala pa ‘yong tatay no’n kaysa rito kay Gascon. Parang gusto ko na tuloy bumaba dahil simula kanina pa lang ay hindi na nawawala ang pagtambol ng aking dibdib dahil sa nerbyos. Pumarada kami sa isang malawak kalsada at sa aming harapan ay ang maisan na nila. Bagsak ang panga kong nakatitig doon dahil hindi ko inaasahan na ganoon pala kalawak ang negosyo nilang iyon. Naunang bumaba si Gascon at sumunod naman ako. Nagmasid-masid pa ako sa malawak na lupa nila at may karamihan din ang mga tauhan nilang nagtatrabaho roon. “Magandang hapon po sa inyo ma’am.” Napahinto ako sa aking paglalakad ng may bumati sa aking isang may edad na lalaki. “H-hi,” tipid kong bati sa kaniya. “Totoo nga po pala ang kuwento ni Sir Lucas, napaka ganda niyo po talaga. Masuwerte po kayo kay Sir Lucas dahil bukod sa mabait na napaka guwapo rin po niya.” Napangiti na lang ako dahil hindi ko naman alam kung ano ang dapat kong isagot sa kaniya. Ang walang hiya ipinangalandakan na niya na ikakasal kami at tiyak kakalat ‘yon maging sa lugar namin. Hindi lang pala siya manyakis kun’di madaldal din at hindi puwedeng pagtaguan ng sikreto. Kapag nakita ko talaga ang manyakol na ‘yon tatanggalan ko siya ng poste ng meralco. “Gascon!” Napalingon ako sa aking likuran at nakita ko si Lucas na papalapit sa aming kinaroroonan. Nakahubad siya at puno ng pawis ang kaniyang katawan. Nakapantalon siya na may butas sa tuhod at nakasuot ng itim na bota. Iyong damit na hinubad niya naman ay nakasampay sa kaniyang balikat. Kakaibang Lucas ang nakikita ko ngayon at kung titingnan ko siya ay mukhang isang ordinaryong lalaki lang siya. Tumingin pa siya sa’kin nang makalapit na siya at napaiwas naman ako nang tingin sa kaniya. Nagulat pa ako nang akbayan niya ako kaya naman dumikit sa balat ko ang pawis niya. Gusto ko siyang itulak pero kaharap namin si Gascon at ang isa nilang trabahador. “What are you doing here my binibini? Did you miss me?” Ang sarap dagukan ng lalaking ito at kung wala lang ang kapatid niya ay binigwasan ko na siya. “Naku sir, mukhang ayaw yata ni ma’am na mawala ka sa paningin niya,” nangingiting sabi ng trabahador nila. “Bagay ba kami Manong Daryo?” Narinig ko pa ang pagpalatak ni Gascon at mukhang hindi siya sang-ayon sa sinabi ng kapatid niya. “You don’t have to answer him Manong Daryo. Sige na tapusin niyo na ang ginagawa niyo para makauwi na rin kayong lahat,” utos ni Gascon at nagpaalam na rin ang trabahador nila. Humarap siya sa’min at papalit-palit naman ang tingin niya sa aming dalawa. “Goodluck sa kasal niyo at goodluck din sa’yo Ayvee sana mapagtyagaan mo si Lucas” Lumapit pa nang bahagya sa’kin si Lucas at bumulong. “So, you already met my brother huh?” Hindi ko pinansin ang sinabi niya at sa ibang direksyon ako tumingin. Hinapit niya ako sa aking baywang at bumulong. “Siya ang dakilang berdugo ng mga Montealegre so don’t you dare cheat on me my binibini.” Sinamaan ko siya nang tingin at kita ko ang pagngisi niya sa kaniyang mga labi. Hayop ka talaga Lucas! Kanina pa ko kinakabahan pero ikaw yata ang unang papatay sa’kin. Sandali silang umalis sa aking harapan at pinuntahan ang iba nilang mga trabahador. Naglakad-lakad muna ako at lumanghap ng sariwang hangin. Namiss kong umuwi ng Quezon at naaalala ko pa noong dito pa kami naninirahan. Madalas ay pumupunta kami sa ibat-ibang parte rito at ‘di kaya’y nagjojoyride kami nila daddy. Isa ‘yon sa mga namimiss ko at alam kong kailanman ay hindi ko na mararanasan pa ‘yon. Kapag ikinasal na ‘ko ay doon na magsisimula ang kalbaryo ko bilang isang Montealegre at kailangan kong gampanan ang pagiging asawa ng isang Lucas Montealegre hindi bilang isang masayang mag-asawa kun’di isang parausan sa gabi o kahit na anong oras pa. Sa aking paglalakad ay hindi ko na namalayang napadpad na pala ako sa isang masukal na lugar. Medyo dumidilim na at mahihirapan akong makabalik pag nagkataon dahil nasa kalagitnaan kami ng bundok kung nasaan ang maisan ng mga Montealegre. Nang pabalik na ako ay napaatras ako nang makita ko ang dalawang malaking aso na nasa aking harapan. Ang isa ay parang handa ako nitong ambahan at nakalabas na ang matatalas nitong mga ngipin. Mukhang nakawala ang mga ito dahil nasa leeg pa ng mga ito ang tali nila. Hindi ko alam kung saan nagmula ang mga ‘yon dahil wala namang kabahayan malapit sa lugar na ito. Unti-unti akong umaatras palayo sa kanila at sila namang paglapit nito sa’kin sa bawat pag-atras ko palayo. Napatalon na lang ako sa gulat ng sabay pa silang tumahol kaya wala akong nagawa kun’di tumakbo. Habang tumatakbo ako ay panay naman ang lingon ko sa aking likuran at hindi pa rin sila tumitigil sa paghabol sa’kin. Napasigaw na lang ako nang malakas nang mahulog ako sa hindi kalalimang bangin at nagpagulong-gulong ako. Napadaing ako at nakaramdam ng kirot sa aking kaliwang paa. Nakadapa ako at halos hindi ko na maigalaw ang aking binti at para bang napilayan ako. Pinilit kong tumihaya at muli kong nakita ang dalawang aso na humahabol sa’kin. “M-mommy,” umiiyak kong sambit habang nakatingin ako sa dalawang aso at tumutulo pa ang laway ng mga ito. Nang tumatakbo sila palapit sa’kin ay naiharang ko na lang ang mga braso ko at kahit na magsisigaw pa ako ay walang makakarinig sa’kin. Nakarinig na lang ako ng dalawang magkasunod na putok ng baril at nakaramdam ako nang panginginig ng aking katawan. Nagsisigaw ako nang tanggalin niya ang mga braso ko sa aking mukha at nang titigan ko siya ay bumungad ang mukha ni Lucas. Mas lalo akong napaiyak dahil hindi ko inaasahan na matatagpuan niya pa ako rito. Kaagad akong yumakap sa kaniya dahil sa labis na takot ko at akala ko ay katapusan ko na. Nakita ko na nakahandusay na ang walang buhay na mga aso at napatingin ako sa lalaking may hawak na baril. Si Gascon ang bumaril sa kanila at iyon din ang baril na dala-dala niya kanina. “You’ll safe now, Ayvee. I want you to call my name whenever you’re in danger. Pupuntahan kita kahit na anong mangyari.” Humigpit ang pagkakayakap niya sa’kin na para bang totoo ang kaniyang sinasabi at hindi lang ito basta palabas lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD