LUCAS POV:
Nakatayo lang ako sa harapan ng pintuan ko habang nakatitig doon at iniisip kung pupuntahan ko ba si Ayvee sa kaniyang kuwarto para kausapin. Ayaw niyang magpakasal at ganoon din naman ako pero kailangan kong sundin si mama dahil sabi ng personal doctor niya ay unti-unti raw nanghihina si mama kapag dinadialysis ito. May kidney failure si mama at marami na rin ang bawal sa kaniya. Kaya hangga’t maaari ay ayoko na siyang bigyan pa ng sama ng loob at sundin na lang kung ano ang gusto niya kahit na labag pa ito sa aking kalooban.
Simula kasi nang mawala si Jea ay hindi na ako sumubok pang magmahal muli bagkus ay ginugol ko ang atensyon ko sa trabaho at lalo na sa ibang babae. Dahil sa kanila ay hindi ko naiisip si Jea at kung ano ang nagawa ko sa kaniya. And then Ayvee came accidentally in my life. I know it’s just a lust and I’m f*****g thirsty whenever she’s around. Hindi siya ang tipo ng babae na karapat-dapat lokohin at hindi ko lubos maisip kung bakit nagawa sa kaniya ng baliw niyang ex ang lokohin siya. She has a pure heart that a man should love. At kahit na sandali ko pa lamang siyang nakikilala ay alam kong mabuti siyang tao.
Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kaniyang kuwarto dahil magkatapat lang ang kuwarto niya at kuwarto ko. Hindi ako lumabas at tanging pinakikiramdaman ko lang siya. Maya-maya pa’y iyong front door naman ang narinig kong sumara at tiyak akong umalis na siya. Doon lamang ako lumabas ng kuwarto ko at nagtungo naman sa mismong kuwarto niya. Dahan-dahan kong pinihit ang seradura at tumambad sa’kin ang malinis na kuwarto niya. Lalabas na sana ako nang mapansin ang ilang pera na nakapatong sa kama. Lumapit ako roon at kinuha ang ilang lilibuhin doon. Binuksan ko ang cabinet niya at wala na roon ang mga damit niya. Mabilis akong lumabas ng kuwarto niya at nagmamadali naman akong umalis ng Penthouse ko. Pagkarating ko sa elevator ay paakyat pa lang ito galing sa ground floor at nasa 15th floor naman ang Penthouse ko. Gumamit na lang ako ng hagdan at halos talunin ko na ito pababa para maabutan ko si Ayvee.
Nang makarating na ako sa parking lot ay kaagad akong sumakay ng sasakyan ko at pinaharurot ito papunta sa harapan ng building. Mabilis ko namang nakita si Ayvee na pasakay sa taxi at sinundan ko naman ito. Huminto ako sa isang tabi nang bumaba siya ng taxi at hinintay ko na lang siyang makalabas ng building na pinasukan niya. Wari ko’y naghahanap siya ng bagong matutuluyan dahil bawat lugar na pinupuntahan niya ay panay apartment ang mga ito. Maggagabi na at hindi pa rin siya tumitigil sa kakahanap ng matitirhan niya. Lalabas na sana ako nang sasakyan ko nang makita ko naman siyang nakatingin sa isang malaking building sa ‘di kalayuan. Nakamasid lang ako sa kaniya at halata ang lungkot sa kaniyang mukha. Nakaramdam ako bigla ng awa sa kaniya na para bang gusto ko siyang tulungan sa kung anong pinagdadaanan niya ngayon. Ilang sandali pa ay may lumapit sa kaniyang isang mestisong lalaki na sa tantiya ko ay hindi rin nalalayo ang edad sa kaniya. Ewan ko ba pero bigla na lang akong napatulala sa kanila nang makita kong niyakap niya si Ayvee habang tinatanaw ko naman sila mula rito sa aking sasakyan. Siya siguro ang ex niya na hindi niya makalimutan at siya rin siguro ang dahilan kung bakit siya nagdurusa ngayon.
Nagulat na lang ako ng biglang may humablot sa kaniyang buhok at sinampal siya. Mabilis akong lumabas ng aking sasakyan at akmang lalapitan siya pero natigilan ako. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ko ginagawa ang bagay na ito at kung bakit ko pa siya sinusundan kung puwede ko namang sabihin sa mama ko na nilayasan ako ng babaeng ipapakasal niya sa’kin. Nakayuko naman siyang naglakad palayo hila-hila ang dala niyang maleta. Para tuloy siyang wala sa kaniyang sarili habang sinusundan ko naman siya at mabagal lang ang patakbo ko ng aking sasakyan. Naupo siya sa isang tabi at pansin ko naman ang kaniyang paghikbi. Hindi na ako nagdalawang isip pa at bumaba na ako ng aking sasakyan at kinuha ko ang bitbit niyang maleta at inilagay ito sa likod ng aking sasakyan.
Nakarating kami sa Atimonan ng hindi man lang nag-uusap at himbing na himbing naman siya sa kaniyang pagtulog. Nakasandal ako sa aking upuan habang pinagmamasdan siya sa kaniyang pagtulog at bahagya pa siyang humarap sa’kin kaya mas lalo kong nasilayan ang maganda niyang mukha. Hinawi ko naman ang takas niyang buhok na bahagyang tumakip sa kaniyang mukha at masuyo siyang pinagmasdan.
“You are no longer Constantino anymore. You will be Mrs. Lucas Montealegre soon at kung ano man ang hilingin mo sa’kin ibibigay ko sa’yo at kahit pa sabihin mong ipapatay ko ang mga taong nanakit sa’yo gagawin ko,” bulong ko pa na para bang naririnig niya ang mga sinasabi ko. “Kung isang araw ay hilingin mo ang makipaghiwalay sa’kin, hindi ko ibibigay ‘yon dahil ako lang ang may karapatang magsabi no’n dahil ako ang nagdala sa’yo sa isang bagay na hindi mo naman gusto.”
Pagkababa namin ng roro ay binuksan ni Ayvee ang bintana at inilabas pa nito ang kaniyang kamay. Sandali ko siyang sinulyapan at lihim naman akong napangiti dahil alam kong masaya siya at muli siyang nakabalik dito.
“Lucas,” tawag niya sa’kin.
“Mabuti naman at hindi na lalaki ang pangalan ko.” Tiningnan ko siya at umiwas naman siya sa’kin nang tingin. “Nagugutom ka na ba?”
“Puwede bang ihatid mo muna ako sa amin? Gusto ko munang dalawin si mommy.” Halata sa boses niya ang lungkot at pagkasabik sa kaniyang ina.
Itinuro naman niya sa’kin ang daan papunta sa kanila at medyo malayo-layo rin ito papunta sa lugar namin. Huminto kami sa isang malawak at maaliwalas na lugar na nababalutan ng mga puno ng buko at sa paligid naman noon ay mga naggagandahang mga halaman. Malapit rin sila sa dagat kaya amoy na amoy ang singaw noon mula rito sa aming kinatatayuan.
Bumaba na kami ng sasakyan at namangha ako nang ituro niya ang bahay nila. Malawak ang bakuran nila at halatang mahilig ang mommy niya sa mga halaman. Maganda rin ang bahay nila kahit na hindi ito gaano kalakihan tulad ng sa mansyon namin.
“Salamat sa paghatid mo. Tatawagan na lang kita__”
“Susunduin kita bukas ng umaga,” putol ko sa kaniyang sasabihin. “Sinabi ko kay mama na kasama kita at hinihintay ka niya. Sige na pumasok ka na sa loob at tiyak hinihintay ka na ng mommy mo.” Tumango lang siya sa’kin at tumalikod.
Hinintay ko naman siyang makapasok sa loob ng kanilang bahay bago ako pumasok sa aking sasakyan. Habang tinatahak ko naman ang daan papunta sa bahay ay hindi maalis sa isip ko ang nakita kong insidente nang sampalin siya ng babaeng ipinalit sa kaniya ng dati niyang kasintahan. Inihinto ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada at sumandal sa aking upuan at mariing pumikit. Nagkaroon na tuloy ako ng dahilan para protektahan si Ayvee at hindi ko hahayaang apihin siya ng sinuman. Naaawa ako sa kaniya dahil alam kong hindi siya sanay sa kung anong buhay meron siya ngayon kaysa noon. Siya na lang din ang inaasahan ng mommy niya dahil may iba ng priority ang kaniyang ama.
Pagkarating ko sa mansyon ay masaya naman akong sinalubong ni mama at tumingin pa siya sa aking likuran at alam ko kung sino ang hinahanap niya. Inakbayan ko siya papasok sa loob at nakita ko naman ang dalawang kapatid ko sa sala na si Gascon at Roco at kasama pa ang kani-kanilang asawa.
“Where’s your fianceé Lucs?” Nagpalinga-linga pa si Avi at umupo naman ako sa pang-isahang upuan.
“Umuwi muna sa kanila, bukas ng umaga ko siya susunduin,” pagod na sagot ko sa kaniya.
“Balita ko ang ganda raw nang napikot ni mama para sa’yo ah.” Alam ko namang inaasar lang niya ako kaya nginisian ko na lang si Avi.
“Alright girls, bukas na lang kayo bumalik ulit wala pa pala ‘yong kakaliskisan niyo.” Tumayo si Gascon at nauna na siyang lumabas.
Napailing na lang ako at tinapik naman ako ni Roco sa aking balikat. Kumindat naman sa’kin si Trinity at tipid lang akong ngumiti. Nang wala na silang lahat ay binalingan naman ako ni mama na may tila gustong itanong.
“What’s that look ‘ma?”
“Hindi mo ba talaga gusto si Ayvee, anak?” Napabuntong hininga ako at itinukod ko ang siko ko sa arm rest ng upuan at sapo ko naman ang aking noo.
“Hindi naman sa gano’n ‘ma. Nabigla lang ako dahil sa desisyon mong iyon hindi mo man lang ako tinanong muna. At isa pa hindi mo pa naman kilala si Ayvee.” Naramdaman ko ang paglapit ni mama at umupo sa katabing upuan ko.
“She is the daughter of Jed Constantino and Amalia Constantino. Sila ang may-ari ng malaking lupain sa Quezon-Quezon at ilang mga beach resorts sa Norte. May mga babuyan rin sila at palayan at ilang mga resto rin dito.” Mabilis akong napatingin kay mama at seryoso lang siyang nakatitig sa’kin.
How did she knows all of that? At bakit hindi ko alam ang iba tungkol sa kaniya? Matagal na rin ako rito pero hindi ko naririnig ang pangalan nila.
“Pinaimbestigahan mo ba siya?” Tanging tanong na lumabas sa aking bibig.
“Noong unang dinala mo siya sa Penthouse mo.” Nanlaki bigla ang mga mata ko sa gulat. “Sinabi iyon sa’kin ng isa sa mga empleyado roon. At iyon ang unang beses din na nagdala ka ng babae sa mismong Penthouse mo kaya pina background check ko kaagad siya.”
Tumayo si mama at may kinuha sa drawer at inabot sa’kin ang isang brown folder na ikinataka ko. Binuksan ko ito at binasa naman ang nilalaman noon. Halos hindi ko maintindihan kung bakit nagawa ni mama iyon at mabilis ko namang tiningnan si mama para hingin ang paliwanag niya.
“That is your gift to her.” Kumunot ang noo ko at hindi ko mawari ang ibig niyang sabihin. “Malalaman mo rin sa kaniya ‘yon anak.” Iniwan na niya ako at muli kong binalingan ang folder na hawak ko.
Alas-nueve na ng umaga nang makaalis ako ng mansyon. Inasikaso ko kasi muna ang iba naming negosyo at nagtungo pa ako sa Perez para bisitahin ang ilang mga negosyo namin doon. Nang malapit na ako sa bahay nila Ayvee ay namataan ko ang isang magarang sasakyan sa tapat ng bahay nila. Pumarada ako sa likod noon at bumaba ng aking sasakyan at pinakatitigan pa iyon. May bisita siguro sila at nalaman na nandito si Ayvee. Aalis na sana ako at babalik na lang mamaya nang makarinig ako ng boses ng isang babae. Lumabas ito mula sa bakuran ng bahay nila Ayvee at nagulat ako nang makilala ko siya. Kasunod naman niya si Ayvee na para bang nakikiusap siya rito. May kasama rin siyang may edad na babae at nakangiti pa ito habang nakikiusap si Ayvee sa kanila.
“Gusto kong makausap ang daddy ko. Alam kong pakikinggan niya ‘ko. Hindi puwedeng basta na lang niya ibenta ang bahay namin. Saan titira ang mommy ko? Okay lang kahit saan ako tumira pero ang mommy ko alam niyang may sakit siya,” garalgal na ang boses niya at anumang oras ay tutulo na ang kaniyang mga luha.
“Wala kaming pakialam kung saan kayong lupalop pa tumira. Iyan ang napapala ng suwail na anak. Binalaan ka na ni daddy hindi ba? Pero anong ginawa mo, pati asawa ko nilalandi mo pa!” sigaw niya pa rito.
“Ikaw ang lumandi kay Rupert at hindi ako!” Naikuyom kong bigla ang palad ko nang sampalin siya ng kasama noong babaeng ngayon ay asawa na ng dating kasintahan ni Ayvee.
Pakiwari ko ay iyon ang kaniyang ina. Itinulak pa siya nito at napasalampak naman sa lupa si Ayvee. Hindi na ako nagdalawang isip pa at dali-dali ko siyang nilapitan. Nagulat pa siya nang makita niya ako at inalalayan ko naman siyang makatayo. Binalingan ko ang dalawang babaeng kausap niya at gulat na gulat din ang kanilang itsura nang makita nila ako.
“Why did you do that to her? Hindi ba puwedeng kausapin niyo siya ng maayos?” Nagtitimpi lang ako pero ang totoo niyan ay gusto ko ring gawin sa kanila kung ano ang ginawa nila kay Ayvee kanina.
“At sino ka naman? Ah, alam ko na! Customer ka niya sa bar na pinagtatrabahuhan niya ‘no? Kita mo nga naman mukha kang mayaman at kapit sa patalim talaga ang half sister ko”
“Suzette, nakikiusap ako ng maayos sa inyo. Huwag niyong gawin sa mommy ko ito kahit para sa kaniya lang.” Muling pakikiusap pa niya sa mga ito.
Napapikit na lang ako at mariing kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa sobrang inis. Wala akong choice kun’di gawin ang bagay na ayaw niyang mangyari. Huminga muna ako nang malalim at pagkuwan ay seryoso akong tumingin sa kanila.
“You don’t have to beg to them my binibini,” saad ko pero sa dalawang babae ako nakatingin. “Wala kayong karapatang saktan ang magiging asawa ko. And for your information, hindi niya ako customer. She’s the woman that I adore. At kung gusto niyong makaalis dito sa lugar na ito ng ligtas at buhay, umalis kayo ng tahimik ngayon din at wala akong maririnig na anumang sasabihin niyo pa laban sa magiging asawa ko.” Ramdam ko ang pagtitig sa’kin ni Ayvee at alam kong nagulat siya sa mga sinabi ko.
“A-ano? Tama ba ang narinig ko?” Takang tanong ng babaeng sumampal kay Ayvee.
“I’m warning you, just leave this place quietly.” Kita ko ang galit sa kanilang itsura at bago pa sila tumalikod ay binalingan pa nila si Ayvee ng masamang titig.
Nagmamadali naman silang umalis at pagkuwan ay ako naman ang hinarap ni Ayvee at galit ang kaniyang itsura. Nangingilid ang kaniyang mga luha at hindi ko alam kung dahil ba sa sinabi ko sa kanila ang tungkol sa pagpapakasal o dahil sa hinayaan kong umalis ang mga ‘yon ng hindi niya napapayag ang mga ito.
“Bakit mo ginawa ‘yon?! Anong karapatan mong sabihin sa kanila ang mga ‘yon?! Pumayag na ‘ko sa gusto mo ‘di ba? Hindi porke pumayag na akong magpakasal sa’yo manghihimasok ka na rin sa buhay ko.” Tumulo ang mga luha niya sa kaniyang pisngi at umiwas naman ako sa kaniya na g tingin.
Tinalikuran niya ako at babalik na sana siya sa loob ng kanilang bahay nang hablutin ko ang kaniyang palapulsuhan at hinila siya patungo sa aking sasakyan. Nagpupumiglas siya pero isinandal ko siya sa pintuan ng passenger seat at padabog kong itinukod ang dalawang kamay ko sa magkabilang gilid niya. Namilog ang mga mata niyang nakatitig sa’kin at maya-maya pa ay unti-unti rin -akong lumayo sa kaniya.
“Get in, when I’m being nice to you,” mariing utos ko sa kaniya.
Siya na ang nagbukas ng pintuan at pabagsak naman niya itong isinara nang makasakay na siya. Napakamot na lang ako sa aking kilay at sumakay na rin ako.
“Masaya ka ba sa ginawa mo?” Sandali ko siyang sinulyapan pero siya ay nakatingin lang sa labas ng bintana.
“Ikaw, masaya ka ba sa ginawa nila sa’yo?”
“Wala kang alam sa nangyayari sa buhay ko at wala kang karapatang pakialaman ang buhay ko naiintindihan mo?”
Mariin kong inapakan ang preno at hinarap siya. “Makikialam na ‘ko ngayon dahil magiging asawa na kita. Huwag kang tanga Ayvee! Ganiyang buhay ba ang gusto mong mangyari ang magmakaawa na lang?” Hindi ko na napigilan ang sarili kong sabihin ang bagay na ‘yon.
“Anong sabi mo?” Huminga ako ng malalim at sumandal sa aking upuan.
It’s kinda weird pero ayokong nakikita siyang pinapahirapan ng kung sino lang. I know it’s not love at sadyang naaawa lang ako sa kaniya. Nakikita ko kasi si Jea sa kaniya dahil halos magkapareho sila ng pag-uugali. Matapang siya kung titingnan mo pero ang totoo ay mahina siya at hindi niya kayang dalhin ang problema na mag-isa.
“I told you that I give you everything you want. Kapag kasal na tayo kung ano ang meron ako ay sa’yo na rin. Pero kung ano ang gusto ko kailangan mo ring sumunod.” Nakatingin lang siya sa’kin at hindi ko na siya narinig na magsalita
Muli kong pinaandar ang sasakyan ko at tahimik naming tinatahak papunta sa lugar namin. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na rin kami sa mansyon. Nakatayo si Ayvee sa harapan ng bahay at manghang-manghang nakatitig doon. Niyaya ko na siyang pumasok sa loob at hindi ko naman nakita si mama na karaniwan ay nasa kusina at nagluluto na ng pananghalian. Sinabi ng isa sa mga katiwala namin na lumabas lang sandali si mama at may pinuntahan.
Dinala ko naman muna siya sa aking kuwarto at binuksan ko ang mga kurtina roon. Sumandal ako sa may bintana at naupo naman siya sa gilid ng kama. Tahimik lang siya at nakayuko at bigla akong nakaramdam ng guilt dahil sa sinabi ko sa kaniya kanina.
“About what I said earlier__”
“Promise me that you will give what I want,” putol niya sa aking sasabihin.
“I promise,” walang pag-aalinlangan ko namang sagot sa kaniya. Lumapit pa ako sa kaniya at tumayo sa kaniyang harapan at tiningala ako. “But I want you to promise me one thing”
“Say it”
“I want to do weird things with you.” Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi kong iyon. “When I say strip, you strip. When I say moan, you moan. When I say suck, you suck it. You have to do that when I said so.” Pansin ko ang mariin niyang paglunok. Akmang lalabas na ako ng kuwarto ng muli ko siyang harapin. “I have a gift for you at ibibigay ko lang ‘yon after our wedding and I think two days from now”
“What?!” sigaw pa nito sa’kin at tuluyan na akong lumabas ng kuwarto.
Pinipigilan ko naman ang sarili kong matawa dahil sa naging reaksyon niya. In two days magbabago ang lahat. In a year or maybe after two years baka isa sa’min ay bumitaw at alam kong siya ‘yon.