CHAPTER 14

3078 Words
AYVEE’S POV: Ramdam ko ang bigat ng mga mata ko nang magising ako. Hindi ako gaanong nakatulog dahil iniisip ko ang sinabi sa’kin ni Lucas at ng kaniyang ina. Paano naman ako magpapakasal sa isang lalaking hindi ko naman mahal at tanging mahalaga lang din sa kaniya ay ang katawan ko. Pera lang din niya ang mahalaga sa’kin sa tuwing may mangyayari sa amin dahil kailangan ko ‘yon para kay mommy. Nawala na ang buhay prinsesa ko simula nang maghiwalay ang mga magulang ko. My luxury life already gone at kailangan ko namang buhayin ang sarili ko at mabigyan din ng magandang buhay si mommy. Lahat ng ari-arian namin sa Quezon ay binenta na ni daddy at bumili ng shares sa Manila. Wala nang natira kay mommy kun’di ang nag-iisang bahay namin sa Quezon kung saan siya nakatira ngayon. Tumayo ako sa kama ng mabigat ang aking pakiramdam at dumeretso sa banyo. Naghilamos ako ng maigi ng aking mukha at pagkuwa’y tumingin sa salamin. Nawala bigla ang tila talukap ng aking mga mata dahil sa paniningkit nito. Napabuga na lang ako sa hangin at pinunasan ko ng tuwalya ang basa kong mukha. Para naman akong latang-lata nang lumabas ako ng kuwarto. Nakasuot lang ako ng maikling short at puting sando at karaniwan ay hindi ako nagsusuot ng bra kapag matutulog sa gabi. Hindi na rin ako nag-abala pang suotin iyon dahil tiyak nakaalis na rin ang manyakol na ‘yon dahil magtatanghali na rin at may trabaho rin naman siya. Paglabas ko ng kuwarto ay kaagad akong dumeretso sa kusina para magtimpla ng kape. Napahinto ako sa paghakbang nang makita ko si Lucas na nakatalikod at pakiwari ko’y nagtitimpla din ng kaniyang kape. Naka-topless ito at nakasuot ng kulay grey na jogger pants at naka-rubber shoes at hula ko katatapos lang nitong magjogging sa labas. Nangunot ang noo ko dahil ngayon ko lang napansin kung gaano kalapad ang kaniyang likod. Humarap siya sa’kin kaya mabilis napaiwas ang tingin ko sa kaniya. Ayokong isipin niya na may interes ako sa kaniya at minamanyak siya. Nagtaka ako dahil hindi man lang siya gumagalaw sa kaniyang kinatatayuan kaya muli ko siyang binalingan nang tingin. Ang manyakol na ito kaya pala hindi gumagalaw dahil kanina pa pala siya nakatingin sa dibdib ko. Pinagkrus ko ang mga braso ko at doon lang niya ako tiningnan. “Are you seducing me?” Tumaas ang isang kilay ko dahil sa inis sa kaniya. “As if. Hindi ko alam na nandito ka pa e ‘di sana nagduster ako” “Are you made up your mind?” Wari ko’y tungkol sa kasal ang ibig niyang sabihin. Pinaalala na naman sa’kin ng gunggong na ito ang tungkol sa kasal. Wala naman siyang magagawa kung ayoko talagang magpakasal eh. Aalis na lang ako rito tutal wala naman kaming kontrata kung hanggang kailan ako rito at kung hanggang kailan ako magpapagamit sa kaniya kaysa naman magpakasal ako sa hindi ko naman gusto. “Teka nga muna, wala naman sa usapan natin ang kasal ah! Isinugal ko na ang dignidad at katawan ko pati ba naman kaligayahan ko?” sagot ko sa kaniya. “Kung ako ang tatanungin ayoko rin naman. And I have to do that for the sake of my mom. I’ll give you anything you want basta pumayag ka lang” “Anything? Puwes bigyan mo ‘ko ng mansyon, kotse, alahas at pera. Anything pala ah!” “Okay, I’ll give you all of that.” Nanlaki bigla ang mga mata ko dahil sa kaniyang sinabi. Hindi man lang siya nag-alinlangan na ibigay sa’kin ang lahat ng iyon. Ganoon ba kahalaga sa kaniya ang kasal para lang pumayag ako? Kung ayaw naman pala niya puwede naman siyang tumutol sa mama niya at sabihin na hindi pa siya handang magpakasal. O ‘di kaya kumuha na lang siya ng ibang babae na puwede niyang bayaran para lang pakasalan siya tutal guwapo naman siya at mayaman walang babaeng hindi tatanggi sa kaniya pwera lang ako. Lumapit pa siya sa’kin at hindi naman ako nagpatinag sa kaniya. Napasinghap pa ako nang hawakan niya ako sa aking baywang at ipasok pa nito ang kamay niya sa loob ng sando ko. Umakyat ang palad niya at tumigil ito sa ilalim ng kaliwang dibdib ko at nakatitig sa’kin. “Kapag kasal na tayo kahit matulog ka pa ng hubo’t-hubad ayos lang sa’kin. Sa ngayon tatanggi muna ako sa’yo dahil may red tide ka ngayon at mabibitin lang ako sa’yo.” Tinanggal na niya ang kamay niya at tinalikuran ako. Pumihit ako sa kaniya at sinamaan siya nang tingin. “Anong kasal ang pinagsasabi mo? Hindi naman ako pumayag ah.” Humarap naman siya sa’kin at muling natuon ang tingin niya sa aking mga dibdib. “Alam kong papayag ka at nararamdaman ko ‘yon. Pack your things dahil aalis tayo mamayang madaling araw para pumunta ng Quezon.” Tumalikod na ulit siya at napatulala na lang ako sa aking narinig mula sa kaniya. Hindi na tama ito. Aalis na lang ako kaysa naman pagsisihan ko sa bandang huli kung sakaling pumayag akong magpakasal sa kaniya. Hindi ko rin gugustuhing magpakasal sa isang katulad niya na babaero at manyakol. Ano ako magiging sunud-sunuran niya kapag ikinasal na kami? No way! Hindi ako susunod sa gusto niya. Mabilis akong pumasok sa kuwarto ko at hinagilap ko kaagad ang maleta ko. Pinagkukuha ko ang mga damit ko sa cabinet at inilagay ito sa maleta. Natigilan ako at pinagmasdan ang mga damit na nandoon. Si Lucas ang bumili noon dahil kahit isang damit ay wala akong bitbit. Kinuha ko naman ang wallet ko at kumuha roon ng pera at ipinatong ko ‘yon sa kama at iyon ang bayad ko sa mga damit na binili niya para sa’kin. Nang matapos na akong mag-empake ay nagbihis naman ako at hinila ko na ang maleta ko palabas ng kuwarto. Mukhang wala na siya dahil hindi ko na siya nakita at tahimik na ang buong bahay. Dahan-dahan naman ako naglakad palabas at doon lang ako nakahinga nang maluwag nang makalabas na ako ng Penthouse niya. Nagmamadali naman akong sumakay ng elevator dahil baka mamaya ay bigla na lang siyang sumulpot. Wala akong kotse ngayon kaya magtyatyaga na lang muna akong magtaxi. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon dahil wala na si Marita na siyang palagi kong kasa-kasama. Nangungupahan lang din si Badiday at nakakahiya naman sa kaniya kung makikitira pa ako dahil kasama rin niya ang mga kapatid niya doon at ayoko ng makisiksik pa sa kanila at dumagdag pa sa problema niya. Naghanap-hanap ako ng murang mauupahan at may nahahanap naman ako pero hindi ko naman gusto ang lugar at lalo na ‘yong uupahan ko. Aaminin ko hindi ako lumaki sa simpleng buhay lang at lumaki ako na nakukuha ko ang gusto ko. Bags, clothes, cars and everything that I want. Pero nagbago ang lahat sa isang iglap lang. Ngayon ako nagsisisi kung bakit pa ako sumama kay daddy at iwan si mommy na nag-iisa sa Quezon dahil kung hindi ko naman gagawin iyon ay pati nag-iisa naming bahay ay kunin ni daddy sa kaniya at baka sa kalsada na kami pulutin. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang galit ni daddy kay mommy at nagawa niya ito sa kaniya. Lumabas ako sa isang building kung saan ako tumingin ng mauupahan. Masyado namang mahal at hindi ko kaya ang buwanang upa dahil wala pa naman akong trabaho ngayon at baka ang perang ibinayad sa’kin ni Lucas ay maubos lang sa kakabayad ng upa. Hindi rin naman puwedeng hindi ako bibili ng gamit para sa bahay. Napatingin ako sa bandang kaliwa ko at ngayon ko lang napagtanto ang isang malaking building kung saan pagmamay-ari ito ng aking ama. Matagal akong nakatitig doon at hindi ko namalayan ang pagpatak ng luha ko sa aking pisngi. Pinunasan ko ito at saktong paglingon ko ay nakita ko naman si Rupert na nakatayo sa aking harapan. Bumaba pa ang tingin niya sa hawak kong maleta at muli akong pinagmasdan. Alam kong naaawa siya sa’kin dahil sa mga tingin niyang iyon. Humigpit ang hawak ko sa maleta ko nang papalapit siya sa kinaroroonan ko at huminto sa aking harapan. “Let’s go home hinahanap ka na ng daddy mo,” aniya habang nakatitig sa’kin. Pagak pa akong natawa at ngumisi sa kaniya. “Ah, talaga? Naging asong sunud-sunuran ka na rin pala nila. Pakisabi na lang na hindi mo ‘ko nakita or tell them that I’m dead baka nga matuwa pa sila kapag nalaman nilang patay na ‘ko eh” “Ayvee please” “Stop pretending that you care Rupert. Ikaw na rin ang nagsabi na forget about us right? O baka ikaw ang nakalimot nang sabihin mo ‘yon sa’kin? I never thought that you would do that f*****g thing Rupert tapos nandito ka ngayon na parang walang nangyari?” Hindi siya umimik at nakatitig lang sa’kin. Pinipigilan kong pumatak ang mga luha ko at ayokong isipin niya na hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako sa ginawa niyang panloloko sa’kin. Pero ang totoo niyan ay masakit pa rin at hindi ko itatangging may nararamdaman pa rin ako sa kaniya. Kung puwede nga lang ay hilingin ko sa kaniya na bumalik siya sa’kin o kaya ay hilingin niya sa’kin na kami na lang ulit ay hindi ako magdadalawang isip na tanggapin siya. Pero malabo nang mangyari ‘yon at ayokong mawalan ng ama ang magiging anak niya dahil sa kagagahan ko. “Yes I told you that pero kailangan kong tuparin ang sinabi ko sa daddy mo na hahanapin kita.” Kukunin sana niya ang maleta ko nang iiwas ko ito sa kaniya. Masama ang titig ko sa kaniya at ramdam ko ang pangingilid ng aking mga luha. Hangga’t nakikita ko siya ay mas lalo lang akong nasasaktan kaya mas maigi pang lumayo na lang ako at hindi na ako babalik pa sa impiyernong bahay na ‘yon. Gusto ko nang kalimutan si Rupert dahil hangga’t nasa paligid siya ay nasasaktan lang ako lalo’t magkasama pa kami sa iisang bahay ng asawa niya Hahawakan niya pa sana ako pero iwinaksi ko ang kamay niya at sinamaan siya nang tingin. Tatalikuran ko na sana siya nang magring ang aking telepono. Kinuha ko ito sa bag ko at nakita kong si mommy ang tumatawag. “Hello mommy?” sagot ko sa kaniyang tawag. “A-anak.” Nag-alala akong bigla nang marinig ko ang paggaralgal ng boses niya at napatingin na lang ako kay Rupert. “Mommy, anong nangyari? May masakit ba sa’yo? Inaatake ka na naman ba ng hika mo?” Sunud-sunod kong tanong sa kaniya. Hindi siya nagsalita kaya mas lalo akong nag-alala. “Mommy, hintayin mo ‘ko riyan at luluwas ako” “Binebenta na ng daddy mo itong bahay anak.” Para akong tuod na hindi makagalaw sa kinatatayuan ko nang marinig ko sa aking ina ang sinabi niya. “Anak, mahalaga sa’kin ang bahay na ito alam mo ‘yan.” Doon na tumulo ang mga luha ko at nanginginig ang mga kamay ko habang nakahawak sa aking telepono. Wala ako sa aking sarili nang ibaba ko ang tawag niya at tumalikod na kay Rupert at naglakad palayo. Hinawakan niya ako sa aking palapulsuhan pero hindi ko siya nilingon dahil kapag tiningnan ko siya ay baka hindi ko mapigilan ang sarili kong mapaiyak na lang. Humarap siya sa’kin pero nanatili akong nakayuko. Naramdaman ko na lang ang paghawak niya sa dalawang balikat ko at walang sabi-sabi niya akong niyakap. Hindi ko na napigilan pang mapahagulgol dahil tanging siya ang naging sandalan ko sa tuwing nalulungkot ako at may iniindang problema. Alam niya kung paano ako patahanin sa tuwing umiiyak ako at kapag nagagalit naman ako ay alam niya kung paano rin niya ako paamuhin. For that ten years we’ve been together ay halos kabisado na namin ang isa’t-isa pero iyon lang pala ang akala ko. Napasigaw na lang ako ng may humila sa aking buhok at sampalin ako nito. Paglingon ko ay namilog ang mga mata ko nang masilayan ang galit na galit na si Suzette. Susugurin pa sana niya ako pero pinigilan siya ni Rupert. Sapo ko ang pisngi ko habang nakatingin sa kanila at pilit na inilalayo ni Rupert ang asawa niya. “Malandi kang babae ka! Alam mong may asawa na nilalandi mo pa!” sigaw niya pa habang pinapasakay na siya ni Rupert sa kaniyang sasakyan. Napatingin na lang ako sa paligid at kita ko ang bulungan ng mga tao at ang iba naman ay masama ang tingin sa akin. Binalewala ko na lang iyon at naglakad na ako palayo habang hila-hila ang malaking maleta ko. Matagal akong naglakad-lakad na para bang nawala ako sa aking sarili pagkatapos ng insidenteng iyon. Huminto ako sa aking paglalakad at naupo sa gilid malapit sa kalsada. Tiningnan ko ang mga paa ko at tanging tsinelas lang ang suot ko. Madumi na rin ang daliri ko sa paa dahil sa mahabang paglalakad ko at inabot na rin ako ng gabi sa kalsada. Habang pinagmamasdan ko ang mga paa ko ay sunud-sunod na tumulo ang mga luha ko. Napatingala na lang ako ng may humila sa maleta ko at nagulat ako nang makilala siya. Inilagay niya ito sa likod ng kotse niya at pagkuwan ay binuksan naman niya ang passenger seat. “Get in,” tipid niyang sabi. Pinunasan ko ang mga luha ko at matagal ko siyang pinagmasdan. Noong una ay dumating din siya noong panahong umalis ako sa bahay at nasiraan ng sasakyan. Ngayon naman ay dumating ulit siya na para bang naulit muli ang nangyari sa’kin noon. “How did you know where I was?” “Is that important to you?” Masungit niyang saad. Hindi ko maintindihan sa ekspresyon ng kaniyang mukha kung galit ba siya o ano. Lumapit pa siya sa’kin at hinila niya pa ako papasok sa loob ng kaniyang sasakyan. Mariin niya itong isinara at umikot naman siya papunta sa driver seat. Wala kaming imik at hindi na ako nagtanong pa ng kung anu-ano sa kaniya dahil alam kong galit siya base na lang sa pinakita niya sa’kin kanina. Pinikit ko na lang ang mga mata ko dahil nakaramdam ako nang antok at pagod dahil sa maghapong paghahanap ko ng matutuluyan kanina. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog at pagmulat ko ay nagulantang na lang ako sa aking nakikita. Wala si Lucas sa loob ng sasakyan at alam ko kung saang lugar kami naroroon. Lumabas ako ng kotse at kaagad kong nalanghap ang singaw ng dagat. Nandito na kami ngayon sa Atimonan at nag-isip ako kung tama bang pumayag na akong magpakasal sa kaniya. “You’re awake.” Napalingon ako at may hawak naman siyang dalawang kape at binigay sa’kin ang isa. Humarap siya sa malawak na karagatan at ininom ang kaniyang kape. Seryoso lang siyang nakamasid doon at napatingin na lang din ako sa malawak na dagat. Kitang-kita ang kinang noon habang nasisinagan ito ng araw. Namiss ko na rin umuwi rito at una kong pupuntahan ay si mommy. Nag-aalala ako sa kaniya at isa pa may sakit siya at ayokong may mangyari sa kaniyang masama. “Bibigyan kita ng oras para makapag-isip at__” “Payag na ‘ko sa gusto,” putol ko sa kaniyang sasabihin. Binalingan niya ako nang tingin pero nanatili akong nakaharap sa dagat. Mahigpit kong nahawakan ang kape ko at mariing napalunok. Wala akong ibang masasandalan ngayon at mahihingian nang tulong kun’di siya lang at kailangan ko siya ngayon. Unti-unti akong humarap sa kaniya at tiningala siya. Mataman siyang nakatitig sa’kin at wari ko’y wala na ang galit niya tulad kagabi. Bahagya pa akong lumapit sa kaniya at huminga ng malalim para maibsan ang kaba na bumabalot sa aking dibdib. “Payag na ‘ko magpakasal sa’yo pero ayoko sanang malaman na kahit na sino na mag-asawa tayo at lalong-lalo na ang mga kaibigan ko.” Kumunot ang noo niya at ipinilig pa nito ang kaniyang ulo. “Kung sa mga kaibigan mo walang problema pero kung nasa Quezon ka imposible ‘yang sinasabi mo.” Napapikit na lang ako at umiwas sa kaniya nang tingin. “But if that’s what you want I’m fine with it at ako na ang bahala doon at hindi ko maipapangako na itago ‘yon sa mga tauhan namin” “Sa bayan kami nakatira at ayokong malaman ng mommy ko ang tungkol sa atin.” Nilingon ko siya at tanging tango lang ang isinagot niya. “Don’t fall ‘cause I won’t fall either” “I can’t promise you that.” Bumaba pa siya para pagpantay kami. “Siya ba ang dahilan kung bakit ayaw mong magpakasal sa’kin?” Napalunok ako ng laway at nginisian naman niya ako na halatang inaasar ako. Mabilis niyang hinapit ang baywang ko at inilapit niya pa ang bibig niya sa aking tainga. “When we are married I don’t want you to cheat on me. My brother is a Mafia boss and your life depends on what you do.” Lumayo na siya sa’kin at bigla na lang akong nakaramdam ng matinding kaba sa sinabi niyang iyon. Shit! Ano ba itong pinasok kong ito? May kapatid siyang mamamatay tao? Hindi kaya siya ang pumatay__ Napatutop na lang ako sa aking bibig na ikinataka naman niya. Mali siguro ang iniisip ko at bakit naman niya gagawin ‘yon? Kailangan kong malaman kung sino ang pumatay kay Marita at sa ngayon si Lucas ang kailangan ko para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kaibigan ko. “I know what you’re thinking my binibini. Hindi basta-basta pumapatay ang kapatid ko. Be my wife, act like my wife at huwag ka lang gagawa ng labag sa usapan natin. Don’t cheat and your life is safe.” Malakas akong napabuga sa hangin at tinaasan siya ng kilay. “So, ako pa ngayon ang magche-cheat?! Kapal mo ha! Kurutin ko ‘yang itlog mo eh!” “Just do it kapag kasal na tayo.” Ngumisi pa siya sa’kin nang nakakaloko na mas lalo kong ikinainis. Nilayasan ko na lang siya at pumasok sa loob ng sasakyan. Tinanaw ko naman siya mula rito at nakatayo siya sa harapan ng dagat habang umiinom ng kape. I will be Mrs. Montealegre in a few days? Weeks? Months? Akala ko noon ay mapapalitan ang apelyido ko ng isang Sebastian pero isang Montealegre pala ang magiging apelyido ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD