CHAPTER 13

3064 Words
AYVEE’S POV: Antok na antok pa ako nang magising ako at pagkuwan ay dumapa ako. Ipinantakip ko sa aking ulo ang unan para hindi ko marinig ang sunud-sunod na ring ng aking telepono. Masakit ang ulo ko dahil napuyat ako kagabi. Nagkaroon kasi ako ng buwanang dalaw at hindi ako masyadong nakatulog dahil sa tuloy-tuloy na pagsakit ng aking puson. Wala pa akong damit at tanging damit pa rin ng manyakol na ‘yon ang pinagtyatyagaan kong isuot. Tumawag na lang din ako sa information para makisuyo na ibili ako ng napkin at panty sa store. Kinapalan ko na ang mukha ko dahil wala naman akong magagawa imbes na lumabas ako na ganito ang itsura ko. Buwisit na lalaki ‘yon! Hindi man lang niya ako nagawang ibili ng damit mukha tuloy akong bilasang isda sa itsura kong ito. Padabog akong tumayo sa kama at kinuha ang telepono ko na nakapatong sa side table. Nakita kong siya ang tumatawag kaya malakas na lang akong napabuga sa hangin. Ang walang-hiyang lalaki na ‘yon si-nave niya talaga ang number niya sa telepono ko at ang nakakainis pa nito ay kung ano ang nakalagay na pangalan niya sa phone book ko. “Mr. Pogi? Adik ba ‘tong lalaking ito? O dating adik ito?” Inis kong sinagot ang tawag niya at umikot pa ang aking mata sa ere. “What?” “I’m glad you answer my call. Anyway, pauwi na ‘ko riyan and prepare yourself.” Pagkasabi niyang iyon ay binaba na niya kaagad ang tawag. Napatingin na lang ako sa telepono ko at pabagsak itong inilapag sa kama. Malakas pa akong bumuga sa hangin at maya-maya pa’y nakaramdam ako ng sakit sa aking puson at ramdam ko rin ang paglabas ng aking dugo. “f**k! Gagamitin niya ‘ko e may red tide ako. Manyakis talaga!” Wika ko sa aking sarili. Naligo na muna ako dahil medyo umaalingasaw na rin ang lansa ng dugo ko at baka mapagkamalan niya pa akong isda. Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko naman ang kulay itim niyang long sleeve polo. Pag-uwi talaga niya ay tatalakan ko siya dahil hindi man lang niya ako maibili ng damit. Hindi na ako komportable sa damit na isinusuot ko at kung hindi niya ako ibibili ay aalis na lang ako rito at maghahanap na lang ako ng puwede kong matirhan. Iniisip ko rin na baka malaman pa ni Calixto na nakatira ako sa bahay ng boss niya at ayoko ring mag-isip sila ng kung anu-ano tungkol sa’kin. Ginagawa ko lang din naman ang lahat ng ito dahil sa mommy ko. Nang gabing may nangyari ulit sa’min noong malasing ako ay nakita ko na lang na nag-iwan siya ng tseke at masyadong malaki ang nakalagay doon. Wala na rin akong pagkakaiba sa ibang bayarang babae na isinugal ang katawan nila para sa pera. Saktong paglabas ko ng kuwarto ay halos kararating lang din niya at titig na titig ito sa’kin. Bumaba pa ang tingin niya at muli niya akong binalingan. Hindi ko maipagkakailang guwapo siya at malakas ang appeal sa mga babae. Lahat yata ng makakita sa kaniyang babae ay tiyak na mapapalingon sa kaniya. Pero hindi ang isang katulad ko. Tanga na ‘ko kung tanga pero aminin ko man sa hindi ay nasasaktan pa rin ako dahil kay Rupert. May mga tanong pa rin na gumugulo sa isipan ko kung paano niya nagawa sa’kin ang mga bagay na ‘yon. “Wow, you’re so hot!” Tumaas ang kilay ko at inirapan siya. “Hindi puwede” “Anong hindi puwede?” Takang tanong niya. “Naka-stop signal ako and you know what I mean.” Sandali siyang nag-isip at maya-maya’y tumawa. Napatulala na lang ako sa kaniya nang makita ko ang ngiting iyon at saka naman umiwas ako sa kaniya nang tingin. “Ah, I get it. I’ll touch myself na lang” “What?” “I’ll wait for you to finish and unli bombayah after that.” Nanlaki pa ang mga mata ko pagkasabi niyang iyon at kinindatan niya pa ako sa kalokohan niya. “Oo nga pala dala ko na itong damit mo na pinalabhan ko at ito muna ang isusuot mo papunta sa mall” “Nangunot ang noo ko sa pagtataka. “Bakit?” “Bibili tayo ng damit mo alangang laging damit ko na lang ang isusuot mo. Pero kung okay naman sa’yo ‘yan kahit hindi na kita ibili I found you sexy and hot on my long sleeve.” May nakakalokong ngiti pa siyang tumingin sa’kin. Hinablot ko ang paper bag na hawak niya at tiningnan ang laman noon. Kaagad akong nagbihis at paglabas ko sa kuwarto ay nakita kong may kausap siya sa telepono. Nakatalikod siya sa’kin at mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila ng kausap niya sa kabilang linya. Naghintay pa ako ng ilang minuto hanggang sa matapos ang usapan nila at narinig ko na lang ang malakas na mura niya. Nagulat pa siya nang pumihit siya paharap sa’kin at iniisip niya siguro na nakikinig ako sa usapan nila. “I didn’t hear anything,” depensa ko pa. “Let’s go.” Nasabi na lang niya at nauna na siyang lumabas. Nakakabingi ang katahimikan habang nasa biyahe kami. Palihim naman akong sumusulyap sa kaniya pero seryoso pa rin ang kaniyang itsura. Peke akong umubo at umayos pa ako sa aking pagkakaupo. Ewan ko ba pero bigla akong nakaramdam ng kaba sa hindi ko malamang dahilan. Mas nakakatakot pala siya kapag ganitong tahimik kaysa sa kinukulit niya ako ng dahil sa kamanyakan niya. Nakarating na rin kami sa mall at tulad kanina ay tahimik pa rin kami habang naglalakad. Nagpunta kami sa isang boutique at pinapili niya ako ng mga damit. Sinamantala ko naman ang pagkakataong ito at kung ano ang magustuhan ko ay siya ko namang inilalagay sa basket. Napukaw ang atensyon ko sa isang dress na simple lang pero eleganteng tingnan. Ganitong style ang napili kong damit para sana sa kasal namin ni Rupert. Tila nagbalik na naman ang sakit sa tuwing maaalala ko ‘yon at ang hindi ko matanggap ay sa anak pa ng kabit ni daddy ako niya pinagpalit. “Okay na siguro ito,” wika ko nang mapatingin ako sa basket na bitbit ko. Nagpalinga-linga pa ako para hanapin siya at nakita ko naman siya na nakaupo sa couch at tila hinihintay akong matapos. Lalapitan ko sana siya nang mapansin ko ang isang babaeng tumabi pa sa kaniya. Halos isang dangkal lang ang layo nila at halata naman doon sa babae na nagpapapansin siya sa lalaking iyon. Napangiwi na lang ako habang pinagmamasdan siya pero ang manyakol na lalaking iyon ay tahimik lang at naka-krus ang mga binti at prenteng nakasandal. “Tingnan niyo ang pogi no’n ‘di ba?” Napalingon pa ako sa aking likuran at tila hindi magkamayaw ang mga sales lady na nakatingin sa kaniya. “Jowa niya ba ‘yong katabi niya? Ayos na rin maganda rin naman hindi na masama” “Hindi sila bagay ‘no! Mas bagay kaya kami” Napailing na lang ako sa naririnig kong usapan nila at malalaki ang hakbang kong lumapit sa kaniya. Nagulat pa siya nang ipatong ko ang basket sa kaniyang mga hita at itinuro ko naman iyon sa pamamagitan nang pagtitig ko roon. Sinulyapan ko ang babaeng katabi niya na tila nagulat din at nginisian siya nang nakakaloko. Tumalikod na ako at nagtungo sa cashier para bayaran na niya ang mga pinamili ko. Hindi rin nakaligtas ang malagkit na tingin ng kahera sa kaniya at natatawa na lang din ako sa aking sarili. Kung boyfriend ko lang siya at ganito makatingin ang mga babae sa paligid namin ay baka hinablot ko na ang buhok niya hanggang sa makalbo sila. Tahimik pa rin kami hanggang sa pabalik na kami sa Penthouse. Panaka-naka ko na naman siyang tinitingnan pero abala pa rin siya sa kaniyang pagmamaneho. Nagkaganito na lang siya matapos niyang makipag-usap kanina sa telepono niya. Malakas akong nagpakawala ng buntong hininga at tumingin na lang sa labas ng bintana. “May problema ba?” Napabaling ako nang tingin sa kaniya pagkasabi niyang iyon at ang atensyon niya ay nasa daan pa rin. “Ikaw? May problema ba?” Sandali niya akong sinulyapan at muling tumingin sa daan. Tipid lang siyang napangiti at hinihintay ko naman ang sagot niya. Halata sa itsura niya ang pag-aalinlangan at mukhang mabigat ang kaniyang problema. “Dadating si mama,” saad niya. Tumagilid pa ako nang pagkakaupo ko at tinitigan siya. “E anong problema do’n?” Bigla akong napaisip na baka kaya nagkakaganito siya ay ayaw ng mama niya na may ibang babae sa bahay niya at hindi lang niya ito masabi sa’kin. Iniisip ko pa lang ‘yon ay ako mismo ang kinakabahan para sa kaniya. Masungit siguro ang mama niya at baka pag nakita niya ako ay bigla na lang niya akong palayasin. “Dito na lang siguro ako, ibaba mo na lang ako riyan.” Turo ko sa gilid ng kalsada. Taka niya akong sinulyapan at inihinto niya sa gilid ang sasakyan. Bubuksan ko na sana ang pintuan nang hawakan niya ako sa aking braso. Kunot ang kaniyang noo at tila ba’y gusto niyang magtanong. “Wait, where are you going?” “Hindi ba sabi mo dadating ang mama mo?” Tango naman niya. “Kaya ka rin namomroblema dahil sa kaniya ‘di ba?” “Yeah, that’s right” “E ‘di aalis na lang ako tutal may sapat na naman akong pera para makahanap nang matitirhan ko eh” “What? At sino ang nagpapaalis sa’yo? I never told you to leave my house. Dadating si mama and I want you to be there.” Umawang ang mga labi ko sa narinig ko mula sa kaniya. Ano raw? Gusto niyang nandoon ako pag dumating ang mama niya? Pero bakit? Sasabihin niya ba ang dahilan kung bakit ako nakikitira sa bahay niya? Diyos ko, anong utak meron ang lalaking ito?! Sikreto nga ‘yon pero ginusto niya pang ibunyag iyon sa mismong nanay niya pa. Sira talaga ang ulo nitong manyakis na ‘to eh! “Ayoko nga! At saka__” Nagulat ako nang paandarin niyang bigla ang sasakyan kaya napahawak na lang ako sa aking kinauupuan. Nanlaki ang mata kong tinitigan siya at pagkuwa’y inis kong kinagat ang ibabang labi ko. “Bakit ba kasi kailangan pang nandoon ako pagdating ng mama mo? Hindi mo naman kasi kailangang sabihin sa kaniya ang totoo eh” “H-ha anong totoo?” Pabagsak akong sumandal at pinagkrus ko pa ang aking mga braso dahil sa inis. “Whatever my mom says to you, I want you to say yes to her.” Sinulyapan ko siya at nanatili naman siyang nakatingin sa daan at seryoso ang mukha. Pagkarating namin sa building kung nasaan ang Penthouse niya ay nanatili kaming tahimik at hindi na nag-usap pa simula noong sabihin niya sa’kin ang bagay na ‘yon. Bitbit niya ang mga pinamili ko at hindi naman siya nagreklamo kahit na marami ‘yon. Hindi ko siya boyfriend pero parang espesyal ang trato niya sa’kin. Wala talaga sa itsura niya ang magseryoso at hindi ko rin naman siya gugustuhin lalo na’t sobrang babaero niya. Hindi ko na ulit isusugal ang puso ko sa ganiyang klaseng lalaki dahil naging masamang karanasan ko kay Rupert. Takot na akong maloko sa pangalawang pagkakataon at hindi ko na hahayaan pang mangyari iyon. Saktong pagbukas niya ng pintuan ay kaagad naming nabungan ang isang may edad na babae na wari ko’y ito na ang kaniyang ina. Tumayo pa siya sa kaniyang pagkakaupo at matamis na ngumiti. Napalunok na lang ako at bigla na lang akong nakaramdam nang matinding panlalamig ng kamay. May isa pa siyang kasama at tumingin pa ito sa’kin at pagkuwan ay malapad na ngumiti. Natatandaan ko na, siya ang kapatid nitong manyakis na ito dahil nakita ko ‘yon sa picture na magkakasama sila. “Hi hijo, saan kayo galing?” tanong ng mama niya. “May binili lang po kami ma.” Tumingin pa sa’kin ang mama niya kaya mas lalo akong kinabahan. Lumapit siya sa akin at hindi ko naman alam kung babatiin ko siya dahil sa abot-abot na kabang nararamdaman ko ngayon. Nagulat na lang ako nang yakapin niya ako at hindi naman ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Nang kumalas na siya sa’kin nang pagkakayakap ay matamis siyang ngumiti sa’kin at hinila naman niya ako para makaupo. “You must be Ayvee, hija?” “O-opo,” nahihiya kong sagot sa kaniya. “Kay gandang bata. Kailan ka pa rito sa Penthouse ni Lucas?” “P-po?!” Gulat kong saad sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya at ‘yong kabang nararamdaman ko kanina ay mas lalo pang tumindi. Ano ba kasing balak ng manyakol na ito at gusto niyang harapin ko ang mama niya? Sinabi niya na kaya ang totoo? Gosh! Mapapatay ko talaga siya! “Alam mo bang ikaw lang ang kauna-unahang babaeng dinala ni Lucas dito?” “Ma.” Sumenyas pa ang mama niya sa kaniya para patahimikin ito sa susunod niyang sasabihin. Muli akong binalingan ng mama niya at hinawakan ang aking dalawang kamay. Nakangiting-nakangiti ito sa’kin at malayo sa iniisip ko kanina kung ano siya. “Lumabas na muna kayong dalawa ni Trevor at mag-uusap muna kami ni Ayvee.” Tumayo na ang dalawa at lumapit naman sa’kin ang kapatid niya. “Ako nga pala si Trevor, bunsong kapatid ni Lucas at magiging brother-in-law mo,” kindat pa nito sa’kin. Naguluhan akong bigla at tumingin ako kay Lucas na nasa ibang direksyon ang tingin. Hindi siya nagsalita at nauna nang lumabas at kasunod ang kapatid niya. Taka akong napatingin sa mama nila at titig na titig pa ito sa’kin. “Ayvee, hija. May gusto sana akong ipakiusap sa’yo,” malumanay niyang wika sa’kin. Kung titingnan ko siya ay para siyang si mommy. Ganoon din kasi siyang magsalita at ganoon na ganoon kung tingnan ako. Pareho silang maganda kahit na may edad na rin at nakikita ko sa mama nila na mabuti siyang ina. “A-ano p-po ‘yon?” nauutal kong tanong sa kaniya. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at tinapik pa nito ang likod ng aking palad. “Gusto ko sanang maging asawa ka ng anak kong si Lucas” “P-po?!” gulat kong turan sa kaniya. “Ayoko po! Hindi ko naman po siya boyfriend eh” “I know hija, pero ikaw ang gusto kong maging asawa niya at alam kong ikaw ang makakapagpabago sa kaniya” “P-pero Mrs. Montealegre___” “Mama na ang itatawag mo sa’kin simula ngayon at aasikasuhin ko na ang magiging kasal ninyo sa Quezon.” Napatulala na lang ako sa kaniyang sinabi at halos walang anumang salita ang lumabas sa aking bibig. Gusto kong umalma at magprotesta pero hindi ko magawa na para bang nahipnotismo niya ako. Ilang sandali pa ay nagpaalam na rin siya at nagtungo na ako sa aking kuwarto. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi niya kung bakit gusto niya akong ipakasal sa anak niya. Nadagdagan pa lalo ang problema ko at ito siguro ang sinasabi ni Lucas na pumayag na lang ako sa anumang sasabihin ng kaniyang ina. “Lintek ka talagang lalaki ka, binigyan mo pa ako ng problema.” Nagpapadyak pa ako sa sobrang inis at napasalampak na lang ako sa sahig. “Anong gagawin ko? Umalis na lang kaya ako rito? Tama, aalis na lang ako tutal may pera naman ako at wala na siyang magagawa pa.” Tumayo na ako at akmang lalabas na ako ng kuwarto nang bumukas ito. Gulat akong napatitig sa kaniya at walang emosyon naman ang mukha niyang nakatingin lang sa’kin. Ang dalawang kamay niya ay nasa kaniyang bulsa habang papalapit siya sa’kin. “Did you agree?” Umarko ang kilay ko at pinamey-awangan siya. “Hoy lalaki! Wala sa usapan natin ang kasal ah! At bakit ako magpapakasal sa’yo? May nangyari lang sa atin pero hindi ibig sabihin no’n kailangan ko nang magpakasal sa’yo” “I know, hindi ko rin naman gustong maikasal eh. “Iyon naman pala eh, e bakit nagpupumilit ang mama mong magpakasal tayo? Look, sabihin mo sa kaniya na hindi naman talaga tayo magboyfriend. Sabihin mo na lang sa kaniya na___” “It won’t work.” Natigilan ako at nakita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata habang nakatitig sa’kin. Bagsak ang balikat kong nakatingin lang din sa kaniya at hinihintay ang muli niyang sasabihin. Isinara niya muna ang pintuan at sumandal sa likod noon. Yumuko siya at narinig ko ang mahina niyang pagbuntong hininga. “My mom is sick Ayvee. Ang tanging magagawa ko lang sa kaniya ay sundin ang gusto niya. If you want after two years or maybe one year pakakawalan na kita. Puwede kong idahilan sa kaniya na hindi tayo magkasundo bilang mag-asawa kaya tayo naghiwalay. Gusto ko lang maging masaya siya kahit na labag pa sa’kin ang bagay na ‘yon. Mas mahalaga siya kaysa sa kasiyahan ko, please marry me Ayvee. “At sa tingin mo rin ba na magiging masaya siya kapag sinabi mong maghihiwalay tayo?” Hindi siya nagsalita at tumingin lang sa ibang direksyon. Hindi ko maintindihan pero bigla na lang pumatak ang mga luha ko. Pareho kami na gagawin ang lahat alang-ala sa aming ina. Nagawa kong isugal ang katawan ko sa lalaking hindi ko naman kilala para sa pera dahil kay mommy. Ngayon naman kailangan niyang magpakasal sa kagustuhan ng ina niya dahil hindi niya alam kung hanggang saan pa tatagal ang buhay nito. Ayokong magpakasal. Hindi ko pinangarap magpakasal sa isang lalaking hindi ko naman mahal. My greatest dream is to marry a man who will love me for the rest of our lives and have a happy family. Kung tutuusin ay puwede naman akong tumanggi pero kapag naiisip ko ang kalagayan ng mama niya ay parang binalewala ko na rin si mommy. “What should I do? Ayoko talagang magpakasal,” umiiyak kong turan sa kaniya Nakatitig lang siya sa’kin at walang imik at alam kong hindi rin niya gusto ang ideyang iyon. “I don’t want it either, but I have to.” Pagkasabi niyang iyon ay tuluyan na siyang lumabas ng kuwarto at naiwan naman akong patuloy na umiiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD