LUCAS POV:
“Sir okay lang po ba kayo?” Napatingin ako kay Calixto na nasa aking tabi at kunot ang noo siyang nakatingin sa’kin.
Nasa meeting ako ngayon at iniwan ko munang natutulog si Ayvee. Hindi ko na siya ginising pa dahil alam kong napagod siya at sinamahan pa ng pagkalasing. Kanina pa ako naka-tanga sa cellphone ko at hinihintay naman ang text niya sa’kin kung sakaling magising na siya. Iniwan ko ang number ko sa center table at sa alam kong madali niyang makikita.
Napabuntong hininga na lang ako at sumandal sa aking upuan at hinilot ang aking sentido. Alas-onse na ng umaga at kanina pa ako nag-aabang ng text niya sa’kin. Hawak ko ang cellphone ko at pabagsak ko itong ipinatong sa lamesa. Napatingin sa akin ang lahat at tumikhim naman ako at napaayos sa aking pagkakaupo.
“Sir, hindi niyo po ba gusto ‘yong presentation?” tanong ng Marketing Supervisor habang nagdidiscuss siya sa harapan.
“How can you expand that building if we didn’t have much time to prepare?” Napayuko na lang siya at pinagkrus ko naman ang aking mga braso habang nakatitig sa kaniya. “I want you to revise that and I’ll give you 2 days for that.” Tumayo na ako at nagmamadali naman akong lumabas ng meeting room.
Nakasunod sa akin si Calixto at napahinto naman ako sa aking paglalakad. Pumihit ako paharap sa kaniya at pakurap-kurap siyang nakatingin sa’kin. Nagpakawala pa ako mahinang buntong-hininga at kumamot sa aking noo.
Ang totoo niyan ay napipikon na ako kay Ayvee at hindi ko alam kung bakit. Wala naman akong pakialam kung ano pa ang gawin niya o kahit na hindi pa siya magtext sa’kin dahil una sa lahat wala naman kaming relasyon at tanging s*x lang ang gusto ko sa kaniya. Naninibago lang siguro ako dahil hindi naman ako ‘yong tipo na naghahabol at sila pa nga ang lumalapit sa’kin.
“Calixto, can I ask you something?” Tumango lang siya. “Well, this is not much important pero kailangan kong malaman kung ano ang opinyon mo”
“Tungkol po ba sa babae ‘yan sir?” Natigilan akong bigla at napatulala sa kaniya. “I guess I’m right.” Ngumiti pa siya pagkasabi niyang iyon.
“H-how did you know?”
“Sir naman, matagal na po akong nagtatrabaho sa inyo kaya kabisado ko na po kayo.” Tumikhim pa ako at napaiwas sa kaniya nang tingin.
Maya-maya ay may bigla akong naalala at sumeryoso pa ang tingin ko kay Calixto. Magsasalita na sana ako nang tumunog ang telepono niya. Nagpaalam pa muna siya sa’kin na sasagutin muna niya ang tawag at saka siya tumalikod sa’kin.
“O A.C napatawag ka, may problema ba?” Napataas ang kilay ko nang marinig ko ang pangalan ni Ayvee. “Sige susunod ako mamaya sunduin na lang ba kita sa inyo?” Nakatingin lang ako kay Calixto at hindi ko na narinig pa ang sinabi niya.
Dinukot ko ang telepono ko sa bulsa ng pantalon ko pero kahit isang message ay wala akong natanggap galing sa kaniya. Gusto kong agawin kay Calixto ang telepono niya at kausapin si Ayvee. Pero ano naman ang sasabihin ko sa kaniya at higit sa lahat ano ang karapatan kong magalit dahil sa hindi niya pagtext sa’kin? She’s not my girlfriend and nothing special aside from being my s*x-mate.
Nang matapos na siyang makipag-usap kay A.C ay humarap na siya sa’kin at nakatitig lang ako sa kaniya. Sinusuri ko siya at pansin ko pa ang ngiting sumilay sa kaniyang mga labi. Kumunot ang noo ko at bahagya ko pang ipinilig ang aking ulo. Natatandaan ko na. Si Ayvee siguro ‘yong babaeng nakita ko malapit sa bahay nila na kausap naman niya.
“Pasensiya na po sir, tumawag po kasi ‘yong kaibigan ko. Puwede po bang dumaan muna ako sa burol ng isa naming kaibigan? Don’t worry sir babalik po ako kaagad,” pakiusap naman niya.
“I’ll go with you”
“P-po?” gulat na saad niya sa’kin.
“Sasamahan na kita at gusto ko ring makiramay sa inyo.” Ngumiti lang siya bilang pagpayag sa sinabi ko. “Iyong kausap mo pala kanina, siya ba ‘yong kaibigan mo na nakita ko malapit sa inyo?”
“Opo sir. Dinalaw niya po ‘yong mommy niya ro’n. Umalis din po siyang kaagad dahil hindi po kasi alam ng daddy niya na umuwi siya ng Quezon eh.” Magtatanong pa sana ako at ‘yong telepono ko naman ang tumunog.
Kaagad ko naman itong kinuha sa bulsa ng pantalon ko sa pag-aakalang si Ayvee ang tumatawag. Nadismaya akong bigla nang makita kung sino ang tumatawag. Naalala ko naman na may pinapaimbestigahan nga pala ako sa kaniya kaya kaagad ko rin itong sinagot. Natigagal ako nang marinig ang bawat salitang sinasabi niya at mariin pa akong napalunok. Sa ‘di kalayuan ay nakilala ko naman ang isa sa mga tauhan ni Don Manolo na papalapit sa amin habang kausap ko pa rin si Gascon sa telepono.
“Prepare yourself Lucas. This is not time to take any actions. Stay calm and I’ll take care of the rest.” Hindi na ako nakapagsalita pa ng nasa aking harapan na ang tauhan ni Don Manolo.
Kaagad ko namang ibinaba ang tawag at sinabi naman niya na naghihintay sa lobby si Don Manolo. Kasabay na rin namin siya bumaba at nakita namin na masaya niyang kinakausap ang mga empleyado ko. Tumatawa pa siya na para bang isang ordinaryong tao lang at walang halong kademonyohan.
Napatingin siya sa amin habang papalapit kami sa kanilang kinaroroonan. Binati ko pa siya at kinamayan naman niya ako. Iginiya ko siya sa malapit na coffee shop dito at kasama ko naman si Calixto at ang isa namang tauhan ni Don Manolo at naka puwesto naman sila sa kabilang mesa.
“Magkakaroon nga pala ako ng thanks giving party sa mansyon and I want you to be there at dahil sa’yo mas lalong lumago ang business ko. Tiyak na mag-eenjoy ka dahil maraming mga babae ang pupunta roon and I want you to taste all of them as long as you want,” sabay higop niya ng kaniyang kape pagkasabi niyang iyon.
“I’ll try Don Manolo. Dahil sa ngayon marami pa po akong trabahong kailangan tapusin,” tanggi ko naman sa kaniya.
Ngumiti pa siya at ibinaba ang kaniyang tasa. Pinagkrus niya ang kaniyang mga binti at ganoon din ang kaniyang mga kamay at inilagay ito sa ibabaw ng kaniyang hita.
“Iyan ang gusto ko sa’yo Mr. Montealegre masipag ka pagdating sa trabaho. Maswerte ang mapapangasawa mo kung sakali”
“I don’t plan to get married,” mabilis kong sagot sa kaniya.
Pagak pa siyang natawa at samantalang seryoso lang akong nakatingin sa kaniya. Totoong wala akong balak na mag-asawa kung hindi lang din si Jea ang pakakasalan ko. Wala na sigurong babaeng mas hihigit pa sa kaniya at hihigit sa pagmamahal ko sa kaniya.
“Sigurado ka ba sa sinasabi mo Mr. Montealegre? Your eyes are lying and that’s what I see.” Hindi na ako nagreact pa at humigop na lang ako ng kape.
Gustuhin ko mang bumuo ng sarili kong pamilya ay hindi ko magagawa. Jea is still in my heart at wala na sigurong babae ang papalit sa kaniya. Matagal na panahon na rin ang lumipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat ng sakit na naranasan ko.
“Sa tingin mo ba lahat ng babae kaya mong paglaruan?” Kumunot ang noo ko at ngumisi naman siya sa’kin.
May ibig sabihin ang tanong niyang iyon at hindi ko alam kung anong gusto niyang ipahiwatig. Matagal kaming nagkatitigan at mahina na lang akong natawa. Pareho lang naman kami. Kaya naming kumuha kahit na ilan pang babae pero hindi niya ako katulad na halos harapan na ang pambabastos niya sa mga ito.
“Hindi paglalaro ang tawag do’n Don Manolo. Inilalabas ko lang ang init ng katawan ko sa kanila and no special relationship involve,” sagot ko sa kaniya.
“Well, kung ganoon hindi mo dapat ako tanggihan sa pangalawang pagkakataon.” Taka akong nakatitig sa kaniya at maya-maya pa ay tumayo na rin siya. “Sasabihin ko sa’yo kung saan at kailan gaganapin ang party.” Mabilis siyang tumalikod at ako naman ay mataman siyang pinagmamasdan palayo.
How can I get rid of that old man kung binalaan ako ni Gascon na huwag muna gagawa ng anumang hakbang laban sa kaniya. He’s dangerous at maraming koneksyon at hindi siya basta-basta lang. Nagkamali ako na papasukin siya sa larangan ng negosyo ko dahil sa kagustuhan kong malaman kung sino ang taong iyon.
Umalis na rin kami at sinamahan ko si Calixto kung saan ike-cremate ang kaibigan nila. Pupunta roon si Ayvee at sigurado akong magugulat siya kapag nakita niyang magkasama kami ni Calixto. Si Calixto na ang nagmaneho at ako naman ay nasa unahan at nakapikit. Hindi ko na lang pinahalata na naiinis ako sa kaibigan niya at mukhang binalewala niya ang number ko para tawagan ako kung sakaling magising na siya. Humanda talaga siya sa’kin mamaya hindi ko siya titigilang pahirapan sa kama hangga’t hindi siya nagmamakaawa.
“Sir, nandito na po tayo.” Dumilat ako at napatingin sa paligid.
Tahimik ang lugar at mukhang kami lang ang nandirito ngayon. Nauna nang bumaba si Calixto at sumunod naman ako. Pumasok na kami sa loob at siya kaagad ang una kong napansin kahit nakatalikod pa siya. Humarap sa amin si Badiday at nagulat pa siya nang makita niya ako.
“S-ser Locas? Ano pong ginagawa niyo rito?” tanong ni Badiday sa’kin pero kay Ayvee ako nakatingin at tama nga ako, umawang pa ang mga labi niya nang makita niya ako.
“Sinamahan ko na rin si Calixto para rin makiramay sa pagkawala ng kaibigan niyo.” Muli kong binalingan si Ayvee na hindi maalis ang tingin sa’kin.
Lumapit ako sa kabaong para tingnan ang kaibigan nilang namatay at laking gulat ko nang mapagtanto kung sino siya. Siya iyong nakita ko sa bar noong hinahanap ko pa si Ayvee. Pero bakit hindi nila sinabi kung nasaan siya at kilala niya pala ang hinahanap ko? At ang ipinagtataka ko kung bakit wala siyang awang pinaslang.
“Pinatay daw siya ng dating customer niya.” Napalingon ako kay Ayvee habang nakatitig siya sa kaibigan niya na nasa loob ng kabaong.
Pinipigilan niya ang mga luha niyang pumatak sa kaniyang pisngi at sa halip ay huminga na lang ito ng malalim. Lumapit naman sa kaniya si Calixto at inakbayan ito. Tumaas ang isang kilay ko habang nakatingin ako sa braso niyang nasa balikat ni Ayvee. Ikinagulat ko pa nang yakapin siya ni Ayvee at doon ay bumuhos na ang kaniyang mga luha.
Ilang sandali pa ay sinimulan na ring icremate ang kaibigan nila ay hinintay naman namin itong matapos. Nasa kabilang upuan sila at katabi naman niya si Calixto. Nagngingitngit naman ako sa inis at hindi ko siya puwedeng lapitan dahil hindi nila alam ang tungkol sa kasunduan namin ni Ayvee. Maya-maya pa ay narinig kong nagpaalam siya kay Calixto na magpupunta sa banyo. Nagkaroon ako bigla ng pagkakataon at pinauna ko na muna siya at saka ako tumayo para sundan naman siya. Hinintay ko na lang siya sa labas at sumandal ako sa pader. Ilang minuto pa ang lumipas ay lumabas na rin siya at hinila ko namn siya papasok muli sa loob ng banyo. Isinara ko ang pinto at mabilis itong nilock at mariin ko siyang sinandal sa pintuan. Gulat na gulat siyang nakatitig sa’kin at bumaba pa ako ng bahagya para magpantay kami.
“Ganoon ba talaga kayo ka-close?” mahinang wika ko sa kaniya.
“Anong sinasabi mo?
“Alam mo kung ano ang sinasabi ko.” Umirap pa siya at itutulak niya pa sana ako palayo nang padabog kong itukod ang mga palad ko sa kaniyang gilid.
Namilog ang mga mata niya sa gulat at nagpakurap-kurap pa ito. Matagal kaming nagkatitigan at siya ang unang umiwas sa’kin nang tingin.
“We’re friends since high school,” malungkot na saad nito at nanatili pa rin ako sa ganoong ayos. “I promise to myself na magsasama kami sa iisang bahay kapag nakaipon na ako ng malaki para kahit papaano matulungan ko siya.” Umigting ang panga ko at mabilis na lumayo sa kaniya.
“Ikaw pa talaga ang gagawa no’n?” inis kong turan sa kaniya.
Binalingan niya ako at nakita kong tumulo ang luha niya. The f**k! Akala ko hindi pa siya naka-move on sa ex niya pero bakit gusto niya si Calixto at siya pa talaga ang gagawa na ibahay siya? Ganoon na ba siya kadesperada?
“So you like him that much?” Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi kong iyon.
“Ha? Sino?”
“Mas kaya niya bang ibigay sa’yo lahat?” Kita ko sa mukha niya ang pagkalito at pinagkrus niya pa ang mga braso niya.
“Ano bang pinagsasabi mo lalaki? Kaibigan ko si Marita at gusto ko siyang tulungan at ipinangako ko sa sarili ko na iaalis siya sa lugar na ‘yon at maghahanap kami ng bagong matitirhan. Kaso huli na ang lahat hindi ko na magagawa pa ang ipinangako ko.” Doon lang ako natauhan at napayuko na lang ako.
Lumapit ako sa kaniya at hindi ako nagdalawang isip na yakapin siya. Hinaplos ko ang buhok niya at naramdaman ko na lang ang mga palad niya sa aking baywang. Tipid akong napangiti at pagkuwan ay humiwalay na ako sa kaniya. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at tinitigan siya sa mata. Napalunok ako nang dumako ang tingin ko sa kaniyang mga labi at mabuti na lang ay napigilan ko ang aking sarili.
“Don’t worry I’ll help you. Just tell me and I’m gonna help you wathever it is.” Hindi ako nakarinig ng sagot sa kaniya at basta lang siyang nakatingin sa’kin.
Pareho pa kaming napatalon sa gulat nang makarinig kami ng mahinang katok. Nagkatinginan pa kami nang magsalita si Calixto.
“A.C are you okay?”
“O-oo, l-lalabas na rin ako,” nauutal na sagot naman ni A.C sa kaniya.
Nagmamadali naman siyang lumabas ng banyo at pigil naman ang pagngiti ko nang makita ang itsura niya. Sumunod na rin ako sa kaniya at pagbalik namin ay tapos na ring icremate ang kaibigan niya. Hindi ko sinabi sa kaniya na mali ang dahilan nang pagkamatay ng kaibigan nila dahil maging kami ay hindi rin namin alam kung bakit siya pinapatay ni Don Manolo.
“Uuwi ka na ba A.C? Ihahatid na kita sa inyo,” presinta ni Calixto habang papunta kami sa parking lot.
“Hindi na Calixto kaya ko naman at isa pa gusto kong mapag-isa.” Napatingin ako kay Ayvee at ikinainis ko na matamis pa siyang ngumiti kay Calixto.
Tumalikod na siya at ng may dumaan na taxi ay kaagad niya itong pinara. Nakamasid ako sa kaniya habang papalayo siya sa kinaroroonan namin at hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala si Badiday.
“Naku ser huwag mo nang tangkain pa kung ano ‘yang nasa isip mo dili ka uubra kay E.C namin, loyal ‘yon sa ex niyang chitir.” Binalingan ko si Badiday at napailing na lang ako sa kaniya.
“Sige mauna na ‘ko sa inyo may kukunin lang ako sa bahay. Calixto dumaan ka sa opisina at kunin mo ang ibang mga dokumento ko roon na kailangan kong pirmahan.” Sasakay na sana ako sa kotse nang hawakan ako mi Badiday sa aking braso.
“Ser sabay na ako sa imo. Maglaba pala ako ng imong damit”
“Saka na at wala ka pa rin naman masyadong gagawin sa bahay”
“Piro ser dami ko kayang trabahong naiwan. Siguro may nakuha ka ng bagong katulong na mas siksi sa akon ano?” Napabuga na lang ako sa sobrang kakulitan niya.
Dumukot ako ng pera sa aking wallet at binigyan siya ng limang libo. Hindi dapat nila malaman kung saan nakatira si Ayvee at pupuntahan ko muna siya para kausapin. Tatalikod na sana ako para sundan si Ayvee nang ngumawa naman si Badiday at halos paiyak na ang itsura niya.
“Ano na naman Badiday?”
“Ito na po ba ang huling sahod ko ser?” malungkot nitong tanong.
“Pang grocery mo ‘yan bumili ka ng stock sa bahay”
“Piro ser ang dami pang stock sa imong ref”
“Expired na ‘yon!
“Ha? Tatlong araw pa lang ang nakakaraan expired na? Bulok ba ‘yong nabili ko?” Hindi ko na siya sinagot at nagmamadali naman akong sumakay sa sasakyan ko.
Sana lang ay sa Penthouse siya pumunta at alam ko naman na wala siyang ibang pupuntahan. Puwera na lang kung magpasya siyang pumunta sa bahay nila para kunin ang mga gamit niya. Naisip kong bigla ang sinabi ni Badiday na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya maka move-on sa ex niya. Ramdam ko naman sa kaniya na hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya at tulad ko rin ay hindi ko makalimutan si Jea.
Pagkarating ko sa building ay kaagad akong pumasok sa loob at nakita ko si Ayvee na nag-aabang sa pagbukas ng elevator. Nakayuko siya at yakap niya ang kaniyang sarili. At ngayon ko lang din napansin na iyon pa rin ang suot niya noong magpunta siya sa bahay. Marahan akong naglakad papunta sa kinaroroonan niya at kasabay naman noon ang pagbukas ng elevator. Tila wala naman siya sa kaniyang sarili at hindi pa rin siya gumagalaw sa kaniyang kinatatayuan. Hinawakan ko ang kamay niya at pinagsiklop ito at hinila ko na siya papasok sa loob ng elevator. Pinindot ko ito papunta sa Penthouse ko at kahit hindi ko siya tingnan ay alam kong nasa akin ang tingin niya. Humigpit ang pagkakahawak ko sa kaniyang kamay at hanggang sa makarating kami kung nasaan ang Penthouse ko ay hindi ko siya binitawan.
Nang makapasok na kami sa loob ay kaagad kong hinapit ang kaniyang baywang at isinandal siya sa pader. I kissed her torridly and I squeeze her waist. I put my tongue inside her mouth and she moan quietly. Bumaba pa ang halik ko sa kaniyang leeg at dumako ang isang palad ko sa isa niyang dibdib. Tumigil ako sa ginagawa ko at hinarap naman siya. I kissed her once again at siya lang ang tanging babaeng hinalikan ko ng ganito.
Hindi ko namalayang kanina pa pala may tumatawag sa telepono ko at sandali akong napahiwalay kay Ayvee. Pareho naman naming habol ang aming paghinga at wala pa ring tigil sa pagtunog ang telepono ko. Kaagad ko itong kinuha sa bulsa ng pantalon ko at napahilot pa ako sa aking batok ng si mama pala ang tumatawag. Lumayo pa ako kay Ayvee para sagutin ang tawag ni mama at inilagay ko ang isang kamay ko sa aking bulsa.
“Bakit ka napatawag ma?”
“Lucas, sino na naman ba ‘yang bago mong nilalandi?!” sigaw nito sa’kin.
Napapikit ako at mahinang napabuntong hininga. “Wala po ma”
“Anong wala? E sino ‘yang dinala mong babae sa Penthouse mo?!” Napanganga na lang akong bigla dahil alam ni mama na may dinala ako rito. “Hoy Lucas, hindi ka nagdadala ng babae basta-basta riyan sa Penthouse mo at ni isa wala ka pa talagang dinala riyan. And who’s that girl Lucas?”
“M-ma wait, let me explain”
“I want you to marry her Lucas”
“What?!” Napasigaw akong bigla sa sinabi ni mama at pumihit naman ako paharap kay Ayvee na ngayon ay nagtataka habang nakamasid sa akin. “Ma, mali ang__”
“Luluwas ako riyan bukas na bukas para makilala siya at huwag na huwag mo akong tataguan kun’di babarilin kitang hinayupak ka!” Hindi na niya ako hinayaang makapagsalita pa nang ibaba na niya ang tawag.
Mahina na lang akong napamura sa aking isipan at mariin kong naisuklay ang daliri ko sa aking buhok. Nakalapit na sa’kin si Ayvee at takang nakatitig ito sa’kin.
“May problema ba? Mama mo ba ‘yong tumawag?” Tango lang ang naging sagot ko sa kaniya.
Tang-ina naloko na! What should I do? Mukhang bibigyan ko pa yata ng problema si Ayvee at hindi ko rin gustong maikasal dahil wala sa plano ko ‘yon.