CHAPTER 19
LUCAS POV:
Marahan kong iminulat ang mga mata ko at kinapa-kapa ang kama. Wala na sa tabi ko si Ayvee at medyo mataas na rin ang araw dahil pumapasok ang sinag nito sa aming kuwarto. Tumayo ako sa kama at napagtanto kong wala akong anumang suot dahil nakatulugan ko na rin at hindi na ako nag-abala pang magsuot ng damit. Kumuha ako ng boxer shorts sa drawer at iyon lang ang siyang sinuot ko bago ako lumabas ng kuwarto. Hinagilap ko ang asawa ko at wala rin siya sa kusina at maging sa pool ay hindi ko siya makita. Ididial ko na sana ang number niya nang may tumawag naman sa’kin sa ‘di kalayuan kaya hinanap ko kung sino iyon. Nanliit ang mga mata ko nang makita sila at masaya pang kumaway ang dalawa sa’kin. Napabuntong hininga na lang ako at nakapamewang habang nakatitig sa kanila. Nasa tabing dagat ang mga asawa ng kapatid ko at nakasuot ng two piece at maging ang dalawang kapatid ko na si Roco at Gascon at naroon din pero hindi ko nakita si Ayvee.
“Gising ka na pala.” Napatingin ako sa aking likuran at kahit na aantok-antok pa ako ay bigla akong nagising dahil sa nakita kong suot ng asawa ko.
“Ahhm, hinanap kasi kita dahil bigla kang nawala sa tabi ko.” Pansin ko ang pagtaas ng kilay niya at hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniyang dibdib.
“Nagugutom ka na ba? Teka, ipaghahanda muna kita ng almusal mo.” Tatalikod na sana siya nang pigilan ko naman siya.
Hinila ko siya palapit sa’kin na siya namang ikinagulat niya. Kung wala lang ‘yong mga panggulo rito sa Villa ay kanina ko pa binuhat si Ayvee papunta sa kuwarto o kaya naman kahit dito na lang ay puwede rin naman tutal ay kami lang naman ang tao rito. Bakit kasi pumunta-punta pa rito ang mga asungot na ito? Hindi ba sila marunong makiramdam?
“Ano bang ginagawa mo?” bulong niya pa.
“Paalisin mo na sila”
“Ha? Bakit? Kakarating lang nila rito eh. Saka isa pa kanina ka pa hinihintay ng mga kapatid mo lalo na si Gascon dahil may importante raw siyang sasabihin sa’yo.” Nangunot ang noo ko at binitawan na siya.
Pumihit ako kung nasaan sila at nakita ko si Gascon na papalapit sa aming kinaroroonan. Mukhang importante ang kaniyang sasabihin base na rin sa kaniyang itsura.
“Can we talk for a minute?” bungad niyang kaagad at binalingan si Ayvee na nasa aking tabi.
“Sige maiwan ko na muna kayo pupuntahan ko muna sila.” Paalam niya at muli akong hinarap ni Gascon.
Umupo kami sa couch kung saan natatanaw namin sila mula sa malayo. Nakasuot si Ayvee na pulang two piece na mas lalong bumagay sa kaniya at lalong nangibabaw ang makinis niyang balat. Ever since ay hindi ako naattract sa kahit na sinong babae kahit na maganda pa siya o kaya maganda ang pangangatawan. Sa kaniya lang talaga napukaw ang atensyon ko at hindi ko naman alam sa sarili ko kung bakit.
“Mahal mo na ba siya?” Mabilis akong napatingin kay Gascon at hindi ko alam kung iyong asawa niya ba o si Ayvee ang kaniyang pinagmamasdan.
“Anong sinasabi mo riyan?”
“Kaya mong itago sa sarili mo ‘yan pero hindi sa ibang tao.” Doon lang niya ako binalingan nang tingin at muli kong sinulyapan si Ayvee na masayang naliligo sa dagat kasama sina Avi at Trinity.
May nararamdaman na nga ba ako sa kaniya? Pero napaka-imposible. Wala pa akong masyadong alam tungkol sa kaniya at hindi naman din mahalaga sa’kin iyon at hindi rin naman magtatagal ang pagiging mag-asawa namin kung sakaling sabihin ko sa kaniya na tapusin na namin ang pagiging mag-asawa. It was my mom’s idea at masyado yata ako naging masunuring anak nang tanggapin ko ang pagpapakasal sa isang babaeng naka-s*x ko lang din.
“Iiwan ko rin naman siya.” Wala siyang reaksyon nang sabihin ko ‘yon at mukhang alam na rin naman niya ang balak ko. “Ano nga pala ang sadya mo sa’kin at gusto mo akong makausap?”
“Don Manolo is looking for you.” Walang ligoy niyang sagot.
Gulat akong napatitig sa kaniya at nilingon naman niya ako. Pabagsak akong napasandal sa couch at pinapanuod naman si Ayvee. Hindi maalis sa isipan ko ang nangyari sa kaibigan ni Ayvee at hindi ko masabi sa kaniya kung sino ang pumaslang sa kaibigan niya. Makapangyarihang tao si Don Manolo at ayokong pati si Ayvee ay mapahamak. Kailangan ko muna ang lubos na tiwala niya at ang mga balak niya at kailangan ko ring sumabay sa agos kung gusto kong mapatumba siya.
“Kailangan pa ba kitang balaan Lucas?” Umiling ako sa kaniya at tumayo.
Nakatanaw pa rin ako sa asawa ko at kahit sa malayo ay alam kong nakangiti ito. Hindi dapat malaman ng matandang iyon na nag-asawa na ako at si Ayvee ‘yon at lalong-lalo na hindi niya puwedeng malaman na kaibigan niya ang pinatay nito.
“No need Gascon. Ako na ang bahala sa kaniya. Ako mismo ang magpapatumba sa kaniya sa tamang pagkakataon”
“How can you do that if you’re still afraid to hold a gun?” Lumapit sa akin si Gascon at tumayo sa aking harapan. “Paano mo poprotektahan ang asawa mo kung hanggang ngayon nakakulong ka pa rin sa nakaraan?”
“Kaya ba pilit akong ipinakasal ni mama kay Ayvee para makalimutan ko na si Jea at ‘yong nangyari?” Hindi siya nakaimik at umikot ang mata ko sa ere. “Alam ko naman ‘yon pero mahirap Gascon”
“Ang alin ang mahirap? Iyong kalimutang binaboy ka ng mga hayop na ‘yon o ‘yong ginawa mo kay Jea na hindi mo naman sinasadya?” Ako naman ang hindi nakaimik at bigla ko na lang naramdaman ang panunubig ng aking mga mata.
Nakaalis na si Gascon at bigla namang bumigat ang pakiramdam ko. Lahat nang sinabi niya ay may katotohanan. At paano ko poprotektahan ang asawa ko kung magpasa hanggang ngayon ay umiikot pa rin ang mundo ko sa nakaraan.
Hindi ko na sila pinuntahan sa tabing dagat at pumasok na lang ako sa loob. Kumuha ako ng alak at pinuno ko naman ang baso at saka ito deretsong ininom. Parang hindi ko malasahan ang pait noon at ang tanging nararamdaman ko ay sakit na unting-unting gumuguhit sa aking puso. Paano ko makakalimutan ang nangyaring iyon kung ako mismo ang dahilan kung bakit namatay si Jea?
Hindi ko namalayan ang oras at hindi pa rin umaahon sila Ayvee. Naisipan ko namang umakyat na muna para maligo at yayain na silang umuwi. Habang nasa banyo naman ako at naliligo ay naririnig ko ang tunog ng aking telepono at tiyak akong tawag iyon sa opisina. Simula kasi nang dumating ako rito ay hindi ko pa ulit natatawagann si Calixto dahil naging abala ako rito at dahil na rin sa pagpapakasal ko na si mama na ang nag-asikaso.
Natigil na rin ang pagtunog ng telepono ko hanggang sa makalabas ako ng banyo ay hindi na ito tumunog pa. Kinuha ko ito sa ibabaw ng kama at hindi nga ako nagkamali, si Calixto ang tumatawag. Mamaya ko na lamang siya tatawagan pag-uwi ko sa bahay at kung kailangan naman ako sa opisina ay luluwas na muna ako at iiwan ko muna rito si Ayvee kasama si mama.
Napatingin naman ako sa may balkonahe at nakita kong nakatayo roon si Ayvee na tila may tinatanaw. Lumapit ako sa kaniya at tiningnan din kung ano ang tinitingnan niya. Nang maramdaman niya ako ay kaagad siyang humarap sa’kin at hinila niya pa ako palayo roon at tila gulat na gulat naman siya.
“Ano bang tinitingnan mo ro’n?” Titingnan ko sana ‘yon ulit pero humarang na naman siya sa harap ko. “Ano ba kasi ‘yon?”
“N-nagugutom na ‘ko halika kumain na muna tayo,” yaya niya pa sa’kin.
Mataman ko siyang tiningnan at sabay ngisi sa kaniya dahil sa nakikita kong reaksyon niya. Mukhang alam ko na kung ano ang nakita niya kaya ganoon na lang ang kaniyang reaksyon. Humakbang ako palapit sa kaniya kaya naman napaatras siya at napasandal sa bakal at itinukod ko ang dalawang kamay ko sa magkabilang gilid niya.
“Did you see them?” mahinang sabi ko sa kaniya.
“H-ha? Ang alin?” Pagmamaang-maangan niya pa.
“Gascon and Trinity having__” Mabilis niyang tinakpan ang bibig ko at nanlaki pa ang kaniyang mga mata.
Mabuti na lang at napigilan kong matawa at kapag nalaman ng kapatid ko na nakita sila ni Ayvee baka ako pa ang bigwasan no’n. Tinanggal ko ang kamay niya na nakatakip sa aking bibig at ipinulupot ang braso niya sa aking baywang. Sinimulan ko namang tanggalin ang pagkakatali ng suot niyang bra sa likod at sinubukan niya pang pigilan ako pero natanggal ko na siya sa pagkakatali.
“Lucas naman!” Kaagad siyang napayakap sa’kin nang mahulog ang suot niyang bra. “Ano ba! Dito pa talaga? Paano kung may makakita sa atin?!” singhal niya pa.
“Look at them,” turo ko pa kina Gascon. “Wala naman silang pakialam kung makita mo pa sila. At isa pa sino ba ang magtatangkang manuod sa ginagawa natin kung tayo lang naman ang tao rito?” Napamulagat pa siya sa sinabi ko at walang sabi-sabi ko namang tinanggal ang pagkakabuhol ng panty niya at nalaglag ito sa sahig.
“Baliw ka talagang lalaki ka,” may diin nitong saad sa’kin.
“Exactly,” pang-aasar ko pa sa kaniya.
Muli ko siyang isinandal sa bakal na hanggang bewang niya ang taas at hinawakan ko siya sa may leeg. Pinatakan ko siya nang halik doon at bumaba pa ‘yon papunta sa kaniyang dalawang dibdib. Napaliyad pa siya kaya naman maagap kong nahawakan ang kaniyang likod. Dumako pa ang mga labi ko pababa sa kaniyang puson at narating ko na ang nais kong matikmang muli. Isinampay ko ang hita niya sa kaliwang balikat ko at inilapat ko na ang labi ko sa kaniyang kuweba. Mariin pa siyang napasabunot sa aking buhok at ramdam ko ang paninigas ng kaniyang mga hita habang nakahawak ako roon.
Sige naman ang pagtaas-baba ng aking dila sa kaniyang hiwa at impit ang kaniyang ungol na para bang natatakot na may makarinig sa amin. Sinipsip ko pang maigi ang kaniyang kuntil kaya hindi na rin niya napigilang mapaungol nang malakas. Tumayo na ako at para namang nanalalambot na ang kaniyang itsura nang titigan ko. Pinatalikod ko pa siya sa’kin at bahagyang pinatuwad. Tinanggal ko ang tuwalyang nakatapis sa aking baywang at pagkuwan ay hinimas pa ang aking sandata bago ko ikiskis sa matambong niyang puwet. Itinutok ko na ito sa kaniyang butas at dahan-dahan naman umulos.
“Wait, where did they go?” Huminto ako at napatingin kung saan nakapuwesto ang mag-asawa kanina lang.
“Tapos na siguro sila kaya ako naman ang patapusin mo.” Mariin ko pang ipinasok ang kahabaan ko sa kaniya kaya naman napahiyaw siya at sinamaan ko nang tingin.
Bago pa siya makapagsalita ay umulos na ako at nakahawak ako sa magkabilang baywang niya. Dumako pa ang mga palad ko sa kaniyang likod at masuyo itong hinimas habang mariin ang pag-ulos ko sa kaniya. Hindi pa ako nakuntento nang iharap ko naman siya sa’kin at ilagay sa bewang ko ang isa niyang hita. Pinasok kong muli ang kahabaan ko at muling gumalaw habang nakatitig ako sa maganda niyang mukha. Awang ang mga labi niya at ramdam ko ang pagbaon ng mga kuko niya sa magkabilang braso ko.
“Oooh, Lucas!” ungol niya at sinibasib ko naman siya nang halik sa kaniyang mga labi.
This is my very first breakfast of the day at masasabi kong mas masarap pa siyang almusalin kaysa sa totoong pagkain. I want to do this every morning hangga’t wala pang expiration ang kasal namin at hindi siya puwedeng makipaghiwalay dahil ako lang ang may karapatang gawin iyon.
Binilisan ko pa ang aking paggalaw at humigpit naman lalo ang pagkakahawak niya sa aking mga braso. Binuhat ko siya at dinala naman sa kama at pumatong ako sa kaniyang ibabaw. Mabilis at may diin kong isinagad ang sandata ko kaya naman walang humpay ang pagtawag niya sa pangalan ko. Nang maramdaman kong malapit na ako ay saka ko naman ito hinugot at tinapon sa kaniyang puson. Nang titigan ko siya ay nakapikit siya at habol ang kaniyang paghinga. Hinagkan ko siya sa kaniyang noo bago ako tumayo sa pagkakadagan sa kaniya.
“Take a shower my binibini hihintayin na lang kita sa labas para makauwi na tayo.” Tumayo na siya sa kama at nagsalubong ang kilay ko nang makita siyang paika-ika ang lakad papunta sa banyo.
“Are you okay?” tanong ko pa sa kaniya bago niya isarado ang pintuan ng banyo.
“Nagtanong ka pang manyakol ka! Malamang hindi! Ang sakit kaya ng hita ko dahil sa pagkakabuka mo tapos sabayan mo pa nang pagsagad niyang poste mo na akala mo naman stick lang ng barbeque pero kawayan pala sa taba!” Binagsakan niya pa ako ng pintuan pagkasabi niyang iyon kaya napakamot na lang ako sa aking ulo.
Nagbihis na ako at sa kotse ko na lang din hihintayin si Ayvee. Nauna nang umalis sila Gascon at Roco at bago pa sila umalis ay nagtanong pa si Gascon kung nakita raw ba sila ng asawa ko dahil nagpaalam lang siya na hahanapin ako. Nagsinungaling na lang ako na may round two kami kaya hindi na siya nakabalik. Naisipan ko namang tawagan si Calixto habang hinihintay ko si Ayvee.
“Yes sir? Pasensya na po kanina kung naistorbo ko kayo magpapaalam po sana ako sa inyo,” kaagad na sagot niya sa tawag ko.
“It’s okay, naliligo lang kasi ako kanina kaya hindi ko nasagot ang tawag mo. Mag-oout of town ka ba? You can ask Morgan para siya na muna ang magmanage sa company habang wala ako.
“Oo nga po pala sir nasabi po pala nila tatay na umuwi raw po kayo riyan sa atin.” Napaayos akong bigla sa aking pagkakaupo nang marinig iyon kay Calixto. “Nakita po kasi kayo ni tatay sa may maisan kasama si Sir Gascon akala nga niya po na dadaan kayo sa bahay eh”
“D-did they tell you something?”
“Tungkol po saan?” Bago pa ako makasagot sa kaniya ay nakita ko namang papalapit na si Ayvee kaya kaagad ko nang pinutol ang tawag.
Habang pauwi kami ay iniisip ko pa rin kung may alam ba ang mga magulang ni Calixto sa pagpapakasal ko sa kaibigan ng kanilang anak. Imposible namang hindi nila malaman iyon dahil ultimong ibang trabahador namin ay nakita na si Ayvee at alam nila na siya ang mapapangasawa ko. Kailangan ko sigurong kausapin ang mga magulang niya kung alam nga nila ang tungkol sa amin at huwag ipaalam ito sa kanilang anak.
“May problema ba?” Sandali kong sinulyapan si Ayvee sa aking tabi at muling itinuon ang atensyon ko sa daan.
Kinuha ko ang kaliwang kamay niya at pinagsiklop ang aming mga kamay. Dinala ko ito sa aking mga labi habang abala ako sa pagmamaneho ko. Hindi naman siya tumutol kaya lihim na rin akong napangiti. Nagring ang telepono ko kaya naman binitawan ko ang kamay niya at kinuha ito sa dashboard. Nakita kong si Gascon ang tumatawag kaya naman kaagad ko itong sinagot.
“Gascon,” sagot ko sa kaniyang tawag.
“Sinabihan ka na ba ng isa sa nga tauhan ni Don Manolo?”
“About what?” takang tanong ko.
“Kailangan mong tumawid ngayon din dahil nasa Lucena na si Don Manolo at gusto ka niyang makita.” Mariin kong naapakan ang preno at gulat pang napatingin sa’kin si Ayvee.
“Wait, how did you know about that?”
“May pinapunta rito si Don Manolo na isa sa mga tauhan niya at pinapapunta ka niya kung nasaan siya. Matalino ang matandang iyon para masiguro niya na nandito ka nga.” Napapikit na lang ako at napamura sa aking isipan.
Pagkatapos naming mag-usap ay binaba ko na ang tawag at inihatid ko muna si Ayvee sa mansyon. Alam kong gusto niyang magtanong base na rin sa kaniyang kilos pero hindi niya magawang tanungin ako. Iniisip niya siguro na mag-asawa lang kami sa papel pero hindi puwedeng pakialaman ang buhay ko. Well, I don’t like it. I am f*****g hate it whenever she ignore me.
Hapon na rin nang makarating ako kung saang hotel naka check-in si Don Manolo. Kalahati yata ng mga tauhan niya ay naririto at kung alam ko lang na mag-isa lang pala akong pupunta at ganito karami ang nakapalibot sa kaniya e ‘di sana nagsama rin ako ng ilang tauhan ni Gascon. Dinala ako ng dalawang tauhan niya sa kuwarto ni Don Manolo kung saan niya ako hinihintay. Pagkapasok ko sa loob ay nakatayo siya sa malaking bintana at ang dalawang kamay ay nasa kaniyang likod. Naglakad ako palapit sa kaniya at huminto sa kaniyang likuran nang marinig kong tumunog muli ang telepono ko hudyat na may nagtext sa akin. Binasa ko ‘yon at napangisi na lang ako dahil mali pala ang akala ko. Nagpadala na pala si Gascon ng mga tauhan niya bago pa ako makarating dito.
“Kumusta ka na Lucas?” Marahan siyang humarap sa’kin at unti-unting sumilay ang kaniyang mga ngiti.
“I’m okay Don Manolo. I’m sorry if I didn’t tell you that I was here”
“No, no, it’s okay. Karapatang mong magbakasyon syempre. At kaya rin ako nandito ngayon para pormal na batiin ka.” Nangunot ang noo ko at bahagya pa siyang lumapit sa akin. “Balita ko nagpakasal ka na raw at hindi mo man lang ako sinabihan”
Ito ang pinaka kinatatakutan ko ang malaman niya ang tungkol kay Ayvee. Pero sisiguraduhin kong hindi niya malalaman ang tungkol sa kaniya at lalo na ang koneksyon niya sa babaeng pinatay niya.
“Kanino niyo naman nabalitaan ‘yan? Wala akong balak na magpakasal sa kahit na sinong babae”
“Really huh? Mali pala ang binalita sa’kin. Kung ganoon ako naman ang mag-iimbita sa’yo sa nalalapit na pagdiriwang na ika-25 anibersaryo ng Construction Company ko at tiyak akong magugustuhan mo ang mga babaeng ihahain ko sa’yo”
“Pasensya na pero baka___”
“Hindi ka pa tumatanggi sa alok ko Lucas lalo na pagdating sa babae.” Napalunok ako ng laway at parang bigla akong pinagpawisan.
Umupo siya sa mahabang couch at nilagok ang alak na nasa kopita. Nakatingala siya sa’kin at tila hinihintay ang aking isasagot.
“Ang totoo po niyan may sakit po kasi ako ngayon kaya umiiwas muna ako sa babae.” Siya naman ang nagulat at sumandal pa siya sa couch.
“Anong sakit naman ‘yan?”
“May tulo ako ngayon at nagpapagaling pa muna ako.” Pagak pa siyang natawa at hawak naman nito ang kaniyang noo at umiiling-iling.
Tumayo siya sa kaniyang pagkakaupo at hinarap ako. Walang rason para matakot ako sa kaniya at kahit na anong mangyari ay itatago ko si Ayvee sa kaniya.
“Nakuha mo ba ‘yan doon sa babaeng huli mong nakatalik?” Hindi ako kaagad na nakapagsalita at parang umurong bigla ang aking dila. “Hindi bale ipapahanap ko siya para sa’yo”
“You don’t have to Don Manolo dahil hindi naman nakakamatay ang pagkakaroon ng tulo kung gagamutin naman”
“Well, kailangan niyang panagutan ang nangyari sa’yo dahil ako ang nagbigay sa’yo sa kaniya. You don’t have to worry Lucas dahil madali lang naman mahanap ang isang bayaran na katulad niya.” Tinapik niya pa ako sa aking balikat at bumalik sa kaniyang kinauupuan.
Halos hindi ako mapakali habang nag-uusap kami ni Don Manolo tungkol sa negosyo. Wala na rin ako halos maintindihan sa mga sinasabi niya at ang gusto ko na lang ay makaalis sa lugar na ito.
Nagmamadali naman akong pumasok sa loob ng aking sasakyan at nahampas ko pa ang manibela dahil sa labis na pagkainis. Binuksan ko ang drawer ko at kinuha ang isang de-kalibre na baril. Matagal nang nawala ang takot ko at handa akong mamatay at pumatay hangga’t ako pa ang asawa ni Ayvee.