CHAPTER 20

3466 Words
AYVEE’S POV: Inihatid na muna ako ni Lucas sa bahay at saka naman siya nagmamadaling umalis. Hindi na ako nagtanong sa kaniya dahil una sa lahat ay ayoko rin namang manghimasok sa buhay niya. Ayokong pakialaman kung ano ang gusto niyang gawin at kung mambabae pa siya. Kasal lang naman kami sa isang kasunduan and no special feelings between us. Wala ang mama ni Lucas at tanging kasambahay lang ang sumalubong sa akin. Napaka laki ng bahay nila pero mama lang nila ang nakatira rito at ilang mga katulong. Ang ibang mga anak niya ay may sariling bahay at paminsan-minsan ay nagpupunta rin sila rito dahil magkakalapit lang din naman ang bahay nila. Paakyat na sana ako sa kuwarto nang may mapansin akong nag-iisang pintuan sa may dulo. Marahan akong naglakad papunta roon at huminto sa tapat ng isang malaking pintuan at gawa pa sa narra ito dahil sa kapal nito. Hinawakan ko ang seradura nito at napapitlag pa ako ng may isang babaeng nagsalita sa aking likuran. “Pasensiya na po kayo ma’am kung nagulat ko po kayo,” hinging paumanhin ng isa sa mga kasambahay nila. “N-no, it’s okay, saka ano itong pintuan na ito? Bodega ba ito?” May kuryosidad na tanong ko sa kaniya. “Ah, hindi po ma’am, ‘yong magkakapatid lang po ang puwedeng pumasok diyan sa kuwartong iyan. Kahit kami rin po hindi namin alam kung anong meron diyan.” Tumango lang ako sa kaniya at pagkuwan ay umalis na rin siya. Umalis na rin ako at nagtungo sa kuwarto para makapagpalit ng damit. Wala naman akong gagawin ngayong araw dahil wala si Lucas at ganoon din ang mama nila. Pagkatapos kong magpalit ay lumabas ako ng bahay at naisipan ko namang dalawin si mommy. Nahinto ako sa aking paglalakad at kinuha ko ang aking telepono at sinubukan ko namang tawagan si Lucas. Hindi niya sinagot ang tawag ko at wari ko’y abala ito sa taong kikitain niya. Nag-iwan na lang ako ng message sa kaniya kung sakali mang hanapin niya ako. Sumakay ako ng tricycle at nagpahatid papunta sa lugar namin. Ibinaba lang ako ng driver sa may tulay kung saan papunta na iyon sa amin dahil hindi na raw nila sakop iyon at baka mahuli raw sila nang namamahala roon. May mga bumabyahe rin namang mga tricycle dito papunta sa amin pero mas pinili ko na lang ang maglakad at para makalanghap din ng sariwang hangin. Dito ako lumaki sa probinsya at hindi ko naranasan ang sumakay sa tricycle o kaya ang maglakad ng ganito kalayo. Lagi akong hinahatid-sundo ng driver namin papunta sa school o ‘di kaya naman kapag may mga pupuntahan ako. Ngayon ko lang masasabi na masarap pala mamuhay ng ganito lang, simple at tahimik. Napahinto ako sa paglalakad ko ng bigla kong maalala ang kapatid ko. Matagal na panahon na simula nang mawala siya at hindi ko pa rin matanggap na iniwan niya ako ng ganoon na lang. Hindi kami magkasama sa iisang bahay at tumira siya sa bahay ng mga lolo at lola namin dahil tutol sila sa naging desisyon ni mommy na magpakasal kay daddy. Ang naaalala ko lang na ikinuwento sa akin ni mommy noong nagtatanong na ako sa kaniya kung bakit hindi sa amin nakatira ang kapatid ko ay dahil hindi siya anak ni daddy. Anak siya sa pagka dalaga ni mommy at inako naman ni daddy ang responsibilidad at naging ama siya rito. Kahit na hindi kami magkasama ng kapatid ko ay hindi iyon naging hadlang para hindi kami magkasundo. Ang hindi ko lang lubos maisip ay ayaw sa akin nina lolo at lola sa tuwing dadalaw kami ni mommy sa kanila. Oo, tutol sila kay daddy pero apo pa rin nila ako at kahit na anong paliwanag pa ni mommy sa kanila ay hindi pa rin nila matanggap si daddy at lalong-lalo na ako. Ngayon naiintindihan ko na at siguro nga ay iyon ang dahilan kung bakit iniwan na lang ni daddy si mommy pero hindi pa rin sapat na dahilan ‘yon para iwan niya si mommy gayong may dinaramdam ito. Papalubog na ang araw at marami na ring mga bata sa daan na nagtatakbuhan at ang iba naman ay umaakyat sa puno para manguha ng mangga. Ito ang hindi ko na-enjoy noong bata ako dahil nabuhay ako sa karangyaan at ang mga laruan ko ay hindi tulad ng mga nakikita kong nilalaro nila sa kalsada. Napangiti na lang ako nang makita ang mga batang tuwang-tuwa kahit na sa simpleng bagay lang na meron sila. Medyo malayo pa ang lalakarin ko papunta sa amin at nananakit na rin ang mga paa ko dahil sa mababato ang daan na nilalakaran ko. May humintong pulang kotse sa gilid ko at lumabas ang nagmamaneho noon. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at napatutop pa ako ng aking bibig nang mapagsino ko siya. Lumapit pa siya sa akin at hindi ako makapaniwala na nandito siya ngayon. “A.C, anong ginagawa mo rito? Saka kailan ka pa umuwi rito?” Hindi ako makapagsalita at hindi ko alam kung anong dahilan ang sasabihin ko sa kaniya. “Hoy bruha ka dito ka lang pala namin matatagpuan yawa ka!” Mas lalo kong ikinagulat nang bumaba si Badiday sa passenger seat at nakapamewang akong hinarap nito. “A-anong ginagawa niyo rito? Saka bakit kayo magkasama? Paano niyong nalaman na nandito ako?” Sunod-sunod na tanong ko sa kanila. Hindi naman siguro nila nabalitaan ang tungkol sa kasal. Natitiyak ko naman iyon dahil iilan lang ang nakakaalam noon bukod sa mga ibang tauhan nila Lucas. “Ano pa e ‘di hinahanap kang bruhilda ka! Bakit dili ka man lang nagtawag o nagpaalam na uuwi ka rito? Nakahilak pa gani ko kay basin gikidnap ka o baka tinanggalan ka ng imong balon-balonan at nibenta.” Suminghot-singhot pa siya at kunwa’y umiiyak. “Tumigil ka nga riyan Badiday kung anu-ano ‘yang pinag-iisip mo eh,” saway naman ni Calixto sa kaniya. Binalingan ako ni Calixto at hinawakan sa aking magkabilang balikat. “Ayos ka lang ba? Saka saan ka ba galing? Bakit naglalakad ka ang layo-layo pa ng sa inyo?” Tipid naman akong napangiti dahil sa pag-aalala niya. “Galing kasi ako sa bayan eh, saka mas feel ko maglakad-lakad hindi ko pa nagagawa ito simula noong bata pa ‘ko” “Ay siya, halika na E.C umuwi na tayo sa inyo at marami kang ikukuwento sa aming bruha ka.” Hinila na ako ni Badiday papasok sa loob ng kotse at siya naman ay umupo sa likuran. Trenta minutos din ang tinahak namin papunta sa bahay at kung tuluyan ko pang nilakad iyon ay baka abutin ako ng gabi sa daan. Medyo madilim pa naman ang daan papunta rito at hindi naman ito katulad sa Maynila na may mga street lights ang nadadaan mo. Solar lights ang karaniwang gamit nila rito at ang ibang bayan din naman ay may mga street light pero mangilan-ngilan lang din ito. “Anak, mabuti naman at umuwi ka na dahil nag-alala ako ng husto sa’yo.” Salubong sa’kin ni mommy pagkapasok namin sa loob ng bahay. “Ma, hindi ba’t sinabi ko naman po sa inyo na ayos lang ako” “Teka, hindi ka umuwi rito?” Binalingan ko si Calixto na nasa kabilang gilid ko at takang nakatingin sa’kin. “Ahhm, a-ano k-kasi eh.” Parang bigla akong nasamid at hindi malaman kung anong palusot pa ang gagawin ko. Nakatingin silang lahat sa akin at hinihintay naman ang sasabihin ko. Hindi puwedeng sabihin ko na nagpakasal ako sa isang lalaking hindi ko naman kilala para lang maisalba ko ang pamumuhay namin. At lalong hindi ko puwedeng sabihin na ibinenta ko ang katawan ko sa isang mayamang lalaki para lang mabuhay. Umiling-iling ako sa isipin kong iyon dahil in the first place ay hindi naman ako pumayag sa pagpapakasal na ‘yon at pinikot lang ako ng mama ni Lucas. Wala akong choice kun’di ang pumayag sa gusto niya dahil siya lang ang tanging makakatulong sa akin ngayon. “M-may nahanap na po kasi akong trabaho rito eh.” Kumunot ang noo ni mommy at napaharap pa sa akin si Badiday sa kaniyang narinig. “Talaga E.C? Anong trabaho nimo? Tindera?” Umirap pa ako sa kaniya at pagkuwan ay tinaasan siya ng kilay. “Ano ka ba! Hindi ‘no. S-sa ano k-kasi eh.” Napayuko ako at mariin ko pang naipikit ang aking mga mata. Mahirap na magsinungaling sa kanila at tiyak akong pupuntahan nila kung saan ako nagtatrabaho. Wala akong ibang maisip pa kung saan ako puwedeng magtrabaho at iyon ang idadahilan ko sa kanila tutal napag-usapan na rin naman namin ito. “Saan ka nga nagtatrabaho E.C? Huwag mong sabihing?” Napatutop pa siya sa kaniyang bibig at napamulagat ng mga mata. “Naging agugu dancer ka na nga?” Pinalo ko pa siya sa kaniyang braso at sinamaan nang tingin. “Ano namang akala mo sa’kin Badiday?! Kay Lucas ako nagtatrabaho,” walang preno kong sabi sa kaniya. Lalo siyang napamulagat sa’kin at lalo na si Calixto nang banggitin ko ang amo nila. Siya lang naman kasi ang puwede kong idahilan sa kanila at siguro naman ay maiintindihan ako ni Mrs. Montealegre kung sakaling sabihin ko sa kaniya ang bagay na ito. “Anong sabi nimo E.C kay Ser Locas ka kamo nagtatrabaho? Sa bahay ba mismo ng mga Montealegre? How ken des be?” Hindi makapaniwalang tanong ni Badiday. “Totoo ba A.C na kay Sir Lucas ka nagtatrabaho? Pero paano? At saka paano mo siya__” “I’m sorry Calixto mahirap kasing i-explain eh. Kailangan na kailangan ko lang talagang magtrabaho alam mo namang hindi ako natatanggap sa mga in-applyan ko eh. Kaya kinausap ko si Lucas, I mean si Sir Lucas kung puwede akong magtrabaho sa kaniya tapos pinapunta niya ako sa mansyon nila para maging trabahador nila.” Pinilit ko pang hindi mautal habang nagpapaliwanag sa kanila dahil ang lakas makaamoy ni Badiday kung nagsasabi ba ako ng totoo. Binalingan ko si mama nang tingin at gulat na gulat ang kaniyang itsura at bigla na lang tumulo ang kaniyang mga luha. Nag-alala ako kung kaya’t niyakap ko na lang siya at narinig ko pa ang mumunti niyang paghikbi. “Ma, huwag kang mag-alala ayos lang po ako at isa pa para rin naman po sa atin ‘to kaya ako magtatrabaho.” Kumalas ako nang pagkakayakap sa kaniya at tipid ko siyang nginitian. Sabay-sabay kaming naghapunan at hindi ko naman maiwasan ang mag-alala. Naging tahimik na si mommy simula nang sabihin ko sa kaniya na nagtatrabaho ako sa bahay ng mga Montealegere at siguro ay nahihiya rin siya dahil sa sinapit namin ngayon at alam kong iniisip niya na kilala ang pamilya namin sa may malaking pag-aari rito sa Quezon at bigla na lang papasok ang anak niya bilang isang trabahador nila. Gusto ko sanang sabihin kay mommy ang totoo pero pinaghihinaan kaagad ako ng loob dahil ayokong isipin niya na isa akong masamang babae. Kung hindi lang sana naging makasarili si daddy ay hindi kami aabot sa ganito. Pinuntahan ko si mommy sa kaniyang kuwarto at himbing na siya sa kaniyang pagtulog. Pagkatapos kasi naming kumain ay maaga ko na siyang pinaakyat sa kaniyang kuwarto at pinainom na rin siya ng gamot. Hindi na rin siya inaatake ng kaniyang sakit kaya hindi na rin ako masyadong nag-aalala pa. Pagkababa ko naman ay si Calixto na lang ang naabutan ko sa sala at nakatayo siya sa may pintuan. Nakasandal siya sa hamba nito at ang dalawang kamay ay nasa loob ng bulsa ng kaniyang pantalon. Unti-unti naman akong lumapit sa kaniya at at sumandal din sa hamba sa katapat niya. “Nasaan pala si Badiday?” Tanong ko ng hindi ko siya makita. “Naku, malamang nasa kuwarto mo na ‘yon at natutulog na kanina pa raw kasi siya inaantok eh,” natatawa nitong sagot sa’kin. Sandaling katahimikan at seryoso naman akong napatitig sa kaniya. He’s a good guy and most especially mabait sa lahat. What if kung malaman niya ang tungkol sa amin ni Lucas? Ano kaya ang magiging reaksyon niya kung sakaling malaman niya? Hindi ko alam kung paano ko ipapaintindi sa kaniya lalo na kay mommy. “Mabait si Sir Lucas at hindi ka magkakaproblema sa kaniya.” Simple na lang akong napangiti at pagkuwan ay humarap sa malaki naming bakuran. “Paano kung may malaman ka sa’kin na hindi mo inaasahan? Mag-iiba ba ang tingin mo sa’kin?” Nagsalubong ang kilay niya sa pagtataka dahil sa tanong ko. “Tulad ng ano?” Napatitig na lang ako sa kaniya at muli kong ibinaling ang tingin ko sa labas. “Na bigla mo na lang akong makita na nagtatanim ng kamote.” Natawa na lang ako at ganoon din siya. “Hindi pa rin magbabago ang tingin ko sa’yo kahit na anong mangyari A.C. lalo na ‘yong nararamdaman ko para sa’yo.” Natigilan akong bigla at hindi makatingin sa kaniya pero alam kong nasa akin ang kaniyang tingin. Pilit akong humarap sa kaniya at malapad na napangiti. Kaagad akong nagpaalam sa kaniya at mabilis siyang tinalikuran. Pagkarating ko sa aking kuwarto ay naabutan kong natutulog na nga si Badiday. Napasandal na lang ako sa likod ng pintuan at napapikit. Hindi ako ang babaeng nararapat para sa kaniya. Maaga akong nagising at nakita kong wala na sa higaan si Badiday. Bago ako bumaba ay naligo muna ako at saka nagbihis. Kinuha ko ang telepono ko at nagulat ako nang makitang lowbat na pala ito. Wala pa man din akong dalang charger kaya hindi ko ito maicharge. Bumaba na ako at nakita ko namang abala si mommy sa kaniyang pagluluto at katulong nito si Badiday. Hindi ko na rin nakita si Calixto at wari ko’y umuwi rin ito kagabi. Na-guilty akong bigla dahil basta ko na lang siyang iniwan mag-isa at hindi man lang nakapagpaalam ng maayos. “Sige na po mommy aalis na po ako at dadalawin ko na lang ulit kayo sa susunod,” paalam ko sa kaniya. Binalingan ko si Badiday at nagpresinta siya na dito muna kasama ni mommy. “Ikaw na muna ang bahala sa kaniya ha? Hindi kaya magalit si Sir Lucas kapag nalaman niyang nandito ka?” “Hay naku E.C! Ako nga ang dapat magalit sa kaniya. Dili man siya nagpaalam sa akon na matagalan pala siya. Pasalamat siya at guwapo siya at masarap humanda talaga siya sa akin at ako na mismo mangrep sa kaniya.” Napailing na lang ako dahil umiral na naman ang pagka-manyak niya sa amo niya. Umalis na rin ako at saktong pagkalabas ko ng bakuran namin ay nakita kong nakatayo si Calixto at nakasandal sa kaniyang sasakyan. Napahinto ako at wari ko’y kanina niya pa ako hinihintay. Nag-angat siya nang tingin at saka naman siya malapad na ngumiti sa’kin. Napako pa rin ako sa aking kinatatatyuan kaya siya na rin ang lumapit sa akin. “Halika na A.C ihahatid na kita sa mansyon, tiyak hinihintay ka na ni Sir Lucas.” Namilog ang mga mata ko sa gulat nang maalala siya. Tiningnan ko ang wrist watch ko at mag-aalas nueve na ng umaga. Sigurado akong kanina pa ako tinatawagan ni Lucas at magagalit na naman ‘yon dahil hindi ako umuwi. Sumakay na ako sa sasakyan niya at hindi na ako tumutol pa para ihatid niya ako. Pagkarating namin sa mansyon ay nabungaran ko kaagad ang sasakyan ni Lucas na nakaparada sa harap ng bahay. Kaagad akong bumaba at pareho pa kaming nagulat nang lumabas siya sa gate at papasok naman ako. “Where have you been? I’ve been calling you__” Natigilan siya at napatingin pa siya sa aking likuran. Napatingin naman ako sa aking likuran at nakatayo na roon si Calixto. Umawang pa ang aking mga labi nang tingnan ko si Lucas at nakakunot na ang kaniyang noong nakatitig kay Calixto. “Ahhhm, S-sir Lucas pasensya na po kayo na-late ako nang dating, hindi na po ako nakapagpaalam sa inyo na hindi makakauwi dahil dinalaw po kasi ako ni Badiday saka Calixto at gusto ko rin kasing kumustahin ang mommy ko.” Lalong nangunot ang noo niya at parang hindi maintindihan ang sinasabi ko. “Get inside, let’s talk.” Binalingan naman niya nang tingin si Calixto. “Sige na Calixto mamaya na tayo mag-usap puntahan mo na lang ako mamaya rito.” Sinenyasan naman niya ako para mauna nang pumasok at sumunod naman siya. Pagkapasok namin sa loob ng bahay ay binulungan niya pa akong sumunod sa kuwarto at mabilis siyang naglakad palayo. Napatutop na lang ako sa aking bibig at mukhang alam ko na naman kung ano ang binabalak niya. “s**t! Papaluhurin niya ba ako? No, no, no,” sabay iling ko pa. “Ang aga-aga pa Lucas para mangmanyak wala ka talaga pinipiling oras,” bulong ko pa sa aking sarili. Sumunod naman ako at pumunta sa kuwarto niya. Pagkabukas ko ng pintuan ay tumambad sa’kin ang malalaking paper bags na nasa sahig at wari ko’y nasa sampu ang mga ‘yon. “Para sa’yo lahat ‘yan. Kagabi pa nandiyan ‘yan at akala ko uuwi ka.” Napatingin ako sa kaniya habang tinatanggal naman niya ang sinturon niya. Nanlaki pa ang mga mata ko sa gulat at muntikan pa akong masamid. Tumalikod na lang ako sa kaniya at tiningnan ko na lang ang mga paper bags na iba-iba ang mga laman noon. “Teka nga muna, Ano ‘tong mga ito? Ito ba ‘yong sinasabi mong regalo mo? Paano ko magagamit ‘yang mga ‘yan kung nandito tayo sa bundok?” May halong inis kong turan sa kaniya. “Hindi ba ‘yan ‘yong hiniling mo? Binibigay ko lang sa’yo my binibini. Pinagkrus ko pa ang mga braso ko at umirap sa kaniya. “Sa tingin mo saan ko gagamitin ‘yan? Alangan naka DIOR ako habang nagtatanim ng kamote at putikan ang damit” “At sinong may sabi sa’yong pagtatrabahuhin kita?” And who told you na magtatanim ka ng kamote?” “E anong gagawin ko rito? Magmukmok maghapon?” Nakataas ang isang kilay kong wika sa kaniya. “E ‘di papaligayahin mo ‘ko tuwing gabi may trabaho ka na” “Tarantado ka talaga ‘no!” singhal ko pa sa kaniya. Lumapit pa siya sa’kin at ako nama’y napaatras at nakita kong nakabukas ang butones ng kaniyang pantalon at nakakalas na rin ang sinturon niya. Napalunok ako ng laway at napasandal na lang sa drawer at matamang nakatitig sa kaniya. “So, ang dinahilan mo pala ay nagtatrabaho ka rito sa mansyon?” Naitikom ko na lang ang aking bibig at doon nabaling ang kaniyang atensyon. “Paano kung sabihin ko kay Calixto na asawa kita?” Halos manlaki ang mata ko sa gulat nang sabihin niya ‘yon. “Tanga ka ba? I already told you that__” “I know.” Putol niya sa sasabihin ko. “Pinuntahan ka pa talaga niya huh, really Ayvee?” Umatras siya palayo sa’kin at saka huminga siya ng malalim. May kinuha siya sa drawer kung saan ako nakasandal at inabot nito sa’kin ang isang brown envelop. Taka ko iyong tinitigan at tiningnan ko naman si Lucas na may pagtataka. Muli niyang binutones ang kaniyang pantalon at tinanggal lang niya ang kaniyang sinturon. “Pasalamat ka wala pa ako sa mood patuwarin ka.” Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa inis sa kaniya. “I already told you that I have a gift for you after our wedding. And that is my gift for you and I hope you like it.” Pagkasabi niyang iyon ay tumalikod na siya at lumabas ng kuwarto. Muli kong tiningnan ang hawak kong envelop at pagkuwan ay binuksan na rin ito. Binasa ko ang nilalaman noon at mahigpit ko namang nahawakan ang envelop nang matukoy kung ano ang nakasaad doon. Tumulo ang mga luha ko habang nakatitig sa papel at hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa iyon o mahiya dahil sobra-sobra na ang binibigay sa’kin ni Lucas. Napansin ko naman ang isang maliit na papel na nakaipit doon at binasa ang nakasulat. “You don’t have to thank me my binibini. It’s my mom who bought your house. As I told you, kung ano ang sa akin ay sa’yo na rin.” Sunod-sunod na nagsibagsakan ang mga luha ko sa nabasa ko at hindi ko alam kung paano nalaman ng mama niya ang tungkol sa bahay namin. Pero masaya pa rin ako dahil hindi tuluyang nawala sa amin ang bahay na matagal naming iniingatan. Hindi ko pa rin maiwasang mangamba dahil kung sakaling magkahiwalay kami ay hindi ko alam kung mapapasa amin pa rin ang bahay na binili nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD