AYVEE’S POV:
“Oh hija, saan ka pupunta?” Salubong sa’kin ng mama ni Lucas pagkalabas ko ng bahay.
Naka sumbrero siya at may hawak na pangbungkal ng lupa at nakasuot ng gloves. Mahilig din sa mga halaman ang mama nila at katulad din siya mi mommy. Iyon ang naging libangan niya dahil hindi naman siya puwede sa pabrika namin at magtagal sa labas dahil sa hika niya. Nakikita ko si mommy sa kaniya at masuwerte pa rin naman ako kahit papaano ay naging mabait sa’kin si Mrs. Montealegre.
“Ahhm, gusto ko po sanang magtrabaho sa bukid niyo. At isa pa medyo naiinip din po kasi ako kapag walang ginagawa eh,” nahihiya ko pang turan sa kaniya.
Ngumiti siya sa’kin at inilapag niya ang hawak niya at tinanggal ang gloves. Iginiya niya muna ako sa garden at umupo sa upuang bato. Pinagmasdan ko ang mga halamang nakapalibot sa amin at namangha ako dahil sa ganda ng mga ito.
“Mahilig ka rin ba sa mga halaman hija?”
“Medyo po. Actually, iyong mommy ko po ang mahilig sa mga halaman. Sa katunayan nga po tinuturing niyang mga anak ang mga ‘yon,” masiglang saad ko sa kaniya.
“Gusto ko sanang ikaw rin ang mag-alaga sa mga ito. Ituring mo rin silang parang matalik mong kaibigan. Alam mo ba noong mamatay ang asawa ko akala ko katapusan ko na rin. Nasaktan ako ng sobra pero ginugol ko ang oras at panahon ko sa pagtatanim nitong mga halaman. Kinakausap ko sila sa tuwing nalulungkot ako at gumagaan din naman ang pakiramdam ko.” Tumingin pa siya sa’kin ng may mga ngiti sa labi pagkasabi niyang iyon.
“Paano po bang namatay ang asawa niyo?”
“Pinatay siya,” deretsong sagot nito sa akin.
Gulat akong napatitig sa kaniya at pilit lang siyang napangiti. Hindi na rin ako nagtanong pa dahil nakikita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata noong banggitin niya ang kaniyang asawa. Hindi ko alam pero parang may gumuhit sa aking puso na hindi ko maintindihan. Siguro ay nararamdaman din niya na parang hindi ako masaya at may kulang sa buhay ko. Hindi man ako masaya sa naging pagpapakasal ko pero alam kong mabubuting tao naman ang napuntahan ko.
“S-sorry po Mrs., I mean mama.” Napayuko ako at nakagat ko ang ibabang labi ko sa hiya.
Narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya at hinawakan ang isang kamay ko na nakapatong sa aking hita. Napatingala ako at tinitigan siya. Naalala ko ang sinabi ni Lucas na ang mama niya ang bumili ng bahay namin pero ang ipinagtataka ko ay paano niyang nalaman na ibinebenta ni daddy ‘yon?
“Alam kong darating ang araw hija na mas pipiliin mo si Lucas”
“P-po? Ano pong ibig niyong sabihin?” Naguguluhan kong tanong sa kaniya.
“Lucas is such a stuborn, but yet he’s a loving son. At alam kong magiging mabuting asawa rin siya sa’yo.” Hindi ako nakapagsalita at hinayaan ko lang siya. “Sana hija, makilala ko ang mommy mo at alam kong maiintindihan niya rin ang lahat,” tipid lang akong napangiti sa kaniya.
Pagkatapos naming mag-usap ay sinalubong naman ako ng isa sa mga kasambahay nila at inabot sa’kin ang susi ng sasakyan. Pinabibigay daw ‘yon ni Lucas at gamitin ko raw kapag aalis ako. Nagtungo naman ako sa garahe at nakita ko ang isang Rover na kulay puti. May pulang ribbon pa ito sa gitna at napaawang na lang ang aking mga labi.
“Hindi talaga nag-iisip ang lalaking ‘yon. Paano ko gagamitin ito kung pupunta ako sa bukid? Mamaya makita pa ‘ko ni Calixto tapos naka sasakyan pa ‘ko e trabahador lang naman nila ako.” Umikot pa ang mata ko sa ere dahil sa buwisit sa kaniya.
Tumawag na lang ako ng tricycle na maghahatid sa’kin papunta sa bukid nila. Kilalang-kilala sila rito kaya noong sabihin ko sa driver na doon ako ihatid ay hindi na ito nagtanong pa. Pagkarating ko doon ay nagtatanim na sila ng palay at iginala ko ang mga mata ko sa paligid na bakasakaling makita ko si Lucas. Maya-maya pa ay may lumapit sa aking isang trabahador nila at binati naman ako.
“Si sir Lucas po ba ang hinahanap niyo ma’am?” Tumango lang ako sa kaniya at tatalikod na sana siya para tawagin ito nang hawakan ko siya sa kaniyang braso para pigilan.
“Sandali lang po manong. Nabanggit niya po ba sa inyo na ako ang…Ahhm, ano po kasi manong eh.” Nahihiya pa akong sabihin sa kaniya at napakamot na lang ako sa aking noo.
“Na kayo po ang asawa niya?” Marahan akong tumango sa kaniya at mahinang bumuntong hininga.
“Huwag po kayong mag-alala sinabihan niya po kaming huwag ipagsabi kahit na kanino. Sa katunayan mga po kasama niya ngayon si Calixto nasa kubo lang po sila”
“What did you say?!” Napamulagat ako dahil sa kaniyang sinabi. “I mean, si Calixto po na secretary niya ang kasama niya ngayon?” Gulat ko pang tanong sa kaniya.
Sunod-sunod naman siyang napatango at magtatanong pa sana ako sa kaniya nang makita kong papalapit na sa kinaroroonan namin si Lucas at kasama nga nito si Calixto. Lalong nanlaki ang mga mata ko nang dumako ang tingin ni Lucas sa’kin at salubong ang mga kilay nito.
“Why are you late?” Mahinahon naman ang pagkakasabi niyang iyon pero parang galit ang tono nito.
Nagulat ako sa kaniyang tinuran at napakurap-kurap na lang ako sa kaniya.
“Naghintay pa kasi ako ng tricycle eh, bihira lang kasi ang dumadaang tricycle rito”
“Alam mong may trabaho ka dapat maaga pa lang nag-abang ka na. Gusto mo bang magtrabaho o hindi?” Mas lalo akong nagulat dahil galit ang itsura nito.
“Pasensya na po kayo hindi na po mauulit”
“I’m asking you gusto mo bang magtrabaho rito o hindi?” Napatigagal ako sa kaniyang sinabi at ngayon ko lang siyang nakitang ganito kaseryoso ang itsura.
Kung sabagay naalala ko nga pala kahapon na kasama ko si Calixto at nagpanggap ako na isang trabahador nila. Alam ko na ang ibig niyang sabihin kaya siya ganito ngayon.
“Gusto po sir,” sagot ko sa kaniya.
“Pakituruan mo siya ng kailangan niyang matutunan ngayon.” Utos niya pa sa trabahador niya na kanina’y kausap ko.
Tumalikod na siya pagkasabi niyang iyon at bago pa sumunod si Calixto sa kaniya at tinapik niya pa ako sa aking balikat at binulungan niya ako na mag-usap na lang kami mamaya. Napanguso na lang ako dahil masyado yatang sumobra ang pagpapanggap niya at nagawa niya pa akong pagalitan sa harap ni Calixto at ng isang trabahador nila.
Tinuruan naman ako kung paano magtanim ng palay at mabuti na lamang naka pantalon at itim na t-shirt na may kaluwagan ang aking suot. Pinagsuot din niya ako ng bota at pagkuwan ay lumusong na kami sa palayan. Halos mangalay na ang binti ko sa kakaangat nito at konti pa lang ang naitatanim ko ay sumasakit na ang aking likod. Tagaktak na rin ang pawis ko dahil sa mataas na sikat ng araw at mabuti na lang ay may suot akong salakot kung tawagin nila ito.
“Ma’am, magpahinga po muna kayo at isa pa wala naman si Sir Lucas at iyong sekretarya niya.” Sigaw sa’kin noong kausap ko kanina at nagturo sa’kin magtanim ng palay.
Nasa may likuran niya ako at mabibilang kung ilang palay pa lang ang naitatanim ko. Napabuga ako sa hangin at wala rin sa ayos ang pagkakalagay ko noon.
“Okay lang po ako manong saka baka pag nakita niya ako pagalitan ulit niya ako”
“Tawagin mo na lang akong Mang Igme, ma’am. Saka bakit nagtyatyaga ka pang magtrabaho rito sa initan kung puwede ka namang sumama-sama kay Sir Lucas sayang ang ganda mo rito ma’am.” Nagpalinga-linga pa ako dahil baka may makarinig sa kaniya sa tawag niya sa’kin. “Huwag po kayong mag-alala ma’am dahil hindi po nila alam ang tungkol sa inyo. Sadyang kami lang ng mga pinagkakatiwalaan ng mga Montealegre ang nakakaalam ng tungkol sa inyo.” Parang nabunutan naman ako ng tinik sa dibdib nang marinig iyon kay Mang Igme.
Nagpatuloy na lang ako sa ginagawa ko at siguro ay ito na ang huling araw ko sa palayan. Mas gugustuhin ko pang magtanim na lang ng mais at kamote kaysa magtanim ng palay dahil maling hakbang ko lang tiyak susubsob ang mukha ko sa putikan.
Tinulungan naman ako ni Mang Igme na makaahon nang matapos na namin ang aming ginagawa. Napatingin ako sa ‘di kalayuan sa amin sa may kubo at ang ilang mga lalaking trabahador doon ay nagkumpulan. Parang may kung ano silang pinanunuod sa isang telepono at bigla pang napatingin sa akin ang isang medyo bata pang trabahador. Ngumisi pa siya sa’kin at tiningnan niya pa ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko na lang siya pinansin at tinalikuran ko na lang din siya.
Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na rin si Lucas at kasama niya pa rin si Calixto. May dala silang basket na may lamang pagkain at ipinamahagi nila ito sa mga trabahador nila. Naupo ako sa isang tabi at napatingala ako ng may nag-abot sa’kin ng sandwich at juice. Napangiti ako sa kaniya at tumabi naman siya sa’kin.
“Kumusta ang trabaho mo? Gusto mo bang sabihin ko kay Sir Lucas na ilipat ka na lang sa may maisan? Mas madali ang trabaho roon mag-aani ka lang ng mga mais”
“Actually, last day ko na rito,” nakangusong turan ko kay Calixto.
“Ha? Pero bakit? Tinanggal ka ba ni Sir?” Umiling ako at kumagat sa sandwich.
“Dahil sa mansyon na ‘ko magtatrabaho simula bukas. Tinawagan ako ni ma__ ay ni Mrs. Montealegre kung puwede raw bang ako ang mag-alaga ng mga halaman niya sa bahay kaya pumayag na rin ako para hindi ako mahirapan,” pagsisinungaling ko na lang sa kaniya.
Ang totoo ay masakit na talaga ang katawan ko. Hindi ako sanay sa mga ganitong trabaho. Ewan ko ba kung bakit nagpupumilit pa kasi akong magtrabaho. Kaysa naman kausapin ko ang bawat sulok ng bahay at baka isang araw ay bigla na lang akong mabaliw.
“Mabuti naman kung ganoon. Siyanga pala pauwi ka na ba? Ihahatid na kita,” presinta niya pa.
“Naku huwag na Calixto magtatricycle na lang ako,” tanggi ko sa kaniya.
Nakita kong papalapit sa amin si Lucas kaya naman sabay kaming tumayo ni Calixto. Salubong ang kilay niya at nakatingin ito kay Calixto na nakayuko naman.
“Are you done?” tanong ni Lucas sa’kin.
“Acually, magmemeryenda pa lang po ako”
“Iyong trabaho mo ang tinutukoy ko”
Anong problema ng manyakol na ‘to bakit ang sungit naman niya? Kahapon lang binigyan niya pa ako ng mga mamahaling gamit tapos ngayon nagsusungit siya? May mood swings yata itong lalaking ‘to.
“Tapos na po ako. Tinapos na namin ni Mang Igme”
“Tingin mo ba maayos ang pagkakagawa mo? Ulitin mo dahil hindi pantay ang pagkakatanim mo.” Magsasalita pa sana ako ng bigla na lang niya ako talikuran.
Lihim akong napairap at naikuyom ko na lang ang aking palad. What is f*****g happening to him?! Bakit kailangan niya pa akong pahirapan despite na kaharap ko pa si Calixto? Humanda talaga mamaya sa’kin ang kumag na ‘yon!
Nagdabog akong lumusong ulit at inayos ko ang pagkakatanim ko. Kung titingnan ko naman ang gawa ko para na ngang pang international iyon eh. Sadyang maarte lang talaga ang manyakol na ‘yon at ako pa yata ang napiling pag-initan niya. Naalala ko ang sabi ni Calixto sa’kin na mabait daw na boss si Lucas pero mukhang halimaw naman ‘yon o baka naman sa’kin lang talaga siya gano’n.
“A.C umahon ka na riyan hindi mo na maaayos ‘yan kapag naitanim mo na!” Narinig kong sigaw sa’kin ni Calixto.
Hawak ko na ang binunot ko at dahil sa inis ko ay naitapon ko iyon. Nakita kong paalis na ang sasakyan ni Lucas at masama ang titig ko roon. Umahon na ako at inalalayan naman ako ni Calixto at pagkuwan ay nagpumilit na rin siyang ihatid ako.
“Sige na A.C magkita na lang ulit tayo bukas.” Bababa na sana ako ng sasakyan niya ng muli siyang magsalita. “Mainit lang kasi ang ulo ni Sir Lucas kaya ikaw ang napagbuntunan niya pero mabait naman talaga siya.” Hindi na ako sumagot pa at tumango na lang sa kaniya.
Nang makaalis na si Calixto ay pumasok na rin ako sa loob ng bahay at dumeretso sa kuwarto. Wala roon si Lucas at baka pumunta pa siya sa iba nilang lupain. Kaagad naman akong nagtungo sa banyo para maligo dahil amoy araw na rin ako at puro putik ang aking damit at pantalon.
Habang nakalublob ako sa bath tub ay hindi ko maiwasang isipan ang ginawang pagtataray sa’kin ni Lucas. Naihampas ko ang isang palad ko sa tubig dahil sa inis sa kaniya. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko at konti na lang gusto ko nang sumigaw sa galit.
Inabot ako ng dalawang oras sa loob ng banyo at nagsuot lang ako ng roba. Saktong pagkalabas ko ng banyo ay siya namang pagpasok ni Lucas sa kuwarto. Nagtama ang aming paningin at pagkuwa’y inirapan siya. Pupunta sana ako sa walk-in closet para magpalit ng damit nang hawakan niya ang palapulsuhan ko kaya napatigil ako.
“I’m sorry Ayvee,” hinging tawad niya.
Hinablot ko ang kamay ko at lalagpasan na sana siya nang muli niya akong hawakan. Tinitigan ko siya nang masama pero hindi na tulad ng kanina ang mga titig niya sa’kin na para bang gusto na niya akong paalisin sa harapan niya.
“Ano bang problema mo?! Tapos ngayon para kang maamong tigre. Naka-drugs ka ba kanina?” Tumaas ang isang kilay niya at napatapik pa siya sa kaniyang noo.
“I did that for you, my binibini. ‘Di ba sabi mo hindi nila puwedeng malaman na kasal tayo? Baka lalo silang magtaka kapag binigyan kita ng special treatment”
“Kaso sumobra ka naman sa’kin! Alam mo bang pinahiya mo ‘ko and in front of Calixto, nakakainis ka!” galit kong sigaw sa kaniya.
“So, nagagalit ka sa’kin dahil nandoon si Calixto? May gusto ka ba sa kaniya?” Inirapan ko siya at hinawi ko naman ang basang buhok ko.
Bago pa ako makapagsalita ay hinapit na niya ang bewang ko at mabilis niya akong sinandal sa pader. Nagulat ako sa bilis ng pagkilos niya at mas lalo niya pang idiniin ang sarili niya sa’kin kaya naramdaman kong kaagad ang kaumbukan niya sa aking puson.
“Ako ang asawa mo Ayvee dapat nasa akin ang atensyon mo at sa akin dapat naka-focus ‘yang mga mata mo.” Napalunok ako sa sinabi niya at hindi pa rin siya lumalayo sa’kin.
“N-nag-uusap lang n-naman kami ano bang masama ro’n? Saka kaibigan ko si Calixto, matagal na kaming___” Nagulat ako nang hampasin niya ang pader sa aking gilid kaya napapikit ako sa labis na pagkagulat.
Napatitig ako sa kaniya at seryoso naman ang mukha niyang nakatitig din sa akin. Sunud-sunod akong napalunok at ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Imbes na magsalita siya ay hinawakan niya ako sa aking leeg at muntikan na manlambot ang aking mga binti nang halikan niya ako sa mga labi. He didn’t kiss me slowly but he kissed me with much excitement and lustfullness.
Pareho kaming natigilan nang sunud-sunod na katok ang narinig namin sa may pinto. Tiningnan niya pa ako at hindi siya kaagad nakakilos nang kumatok ulit iyon. Inis siyang binuksan ang pintuan at nakita kong isang lalaki na nakasuot na kulay itim na t-shirt at itim din ang sumbrero nito.
“Boss you have to see this.” Tumingin pa sa’kin si Lucas at pagkuwan ay muli niyang binalingan ang lalaki at sinabihan niyang susunod na lang ito sa kaniya.
Lumapit siya sa’kin at isang masuyong halik ang iginawad niya pa sa akin. Para na akong malulunod sa halik na iyon at hindi ko maintindihan kung bakit niya ginagawa sa akin ito.
“Wait for me here meron lang akong kailangang asikasuhin. At huwag ka munang magpapalit ng damit mo.” Umawang ang mga labi ko at saka naman siya lumabas ng kuwarto.
Nakaupo lang ako sa kama at ang aking likod ay nakasandal sa head board habang nililipat ko ang channel sa t.v. Halos magdadalawang oras na ay hindi pa rin bumabalik si Lucas. Sinunod ko naman ang sinabi niyang huwag muna ako magpalit ng aking damit at ako naman si tanga nagpauto sa kaniya.
Pabagsak kong itinapon ang remote sa kama ng hindi ako makahanap ng magandang palabas. Tumayo na ako at pumunta sa walk-in closet para magpalit na ng aking damit dahil kanina pa ako nilalamig at wala rin akong anumang suot. Pagkatapos kong magbihis ay bumaba ako para sana tumulong sa gawaing bahay. Sa katunayan ay wala talaga akong alam pagdating sa bahay at magluto nga ay hindi ko pa nasusubukan.
Pupunta sana ako sa kusina nang makarinig ako ng isang sigaw. Nagpalinga-linga pa ako at hinanap kung saan nanggagaling iyon. Sa paghahanap ko ay nakita ko na naman ang isang kuwarto sa dulo pero bahagya na itong nakabukas. Dahil sa aking kuryosidad ay naglakad ako papunta roon at binuksan ko pa ito para makita kung ano iyon. May mga ilaw sa pader noon kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pang pumasok doon. May kahabaan din ito at sa dulo ay meron pang isang pinto na nakasarado. Marahan ko naman itong binuksan at nanlaki na lang bigla ang mga mata ko at umawang ang aking mga labi sa aking nakikita. Iba’t-ibang klaseng baril ang mga nakasabit doon at sa gitna naman ay ang mahabang mesa.
Aatras na sana ako para umalis sa kuwartong iyon nang muli ko na namang marinig ang isang sigaw ng lalaki. Napalingon ako at lumapit pa sa isang kulay itim na pintuan. Binuksan ko ito at pumasok pa sa loob noon. May halong kaba ang nararamdaman kong ito at hindi ko alam kung bakit pinili kong magpunta rito.
Halos maitakip ko ang aking dalawang palad sa aking bibig para lang hindi ako mapasigaw dahil sa aking nakikita. Isang lalaki ang nakaluhod at nakatali ang mga kamay nito sa kaniyang likod at duguan. Hindi ako makapaniwalang si Lucas ang nasa harapan niya at kasama niya pa ang kapatid niyang si Roco at ang lalaking tumawag sa kaniya sa aming kuwarto. Nagtago ako sa mga drum na narito para hindi nila ako makita at medyo madilim din sa parteng ito. Sumilip lang ako sa kanila at nanginginig naman ang aking mga kamay.
“Sir Lucas muntik na siyang makalabas dito buti na lang naabutan ko siya,” sabi ng lalaking naka itim.
Siya nga ang narinig kong sumigaw kanina at nagtangka pang tumakas. Pero bakit nila pinapahirapan iyong lalaki? Anong naging kasalanan niya sa mga ito?
“S-sir patawarin niyo po ako hindi ko po alam na siya pala ang asawa niyo!” umiiyak na turan niya kay Lucas.
“Ngayon alam mo na bata, hindi ko palalagpasin ang ginawa niyong pambabastos sa asawa ko. Mamili ka bata, latigo o metal ring?” Napamulagat ako sa sinabi niya at hindi ko maintindihan kung kelan ako binastos noong lalaking iyon.
Aalis na sana ako dahil sa sobrang takot ko nang maatrasan ko naman ang isang drum kaya lumikha ito ng isang ingay. Napatingin silang lahat kung saan ako nagtatago at nagsumiksik pa ako sa dulo noon. Narinig ko ang isang yabag papalapit sa kinaroroonan ko at naitakip ko ang aking mga palad sa aking bibig. Nakita ko ang pares ng sapatos niya pero ‘di kalauna’y umalis din ito at mabuti na lang ay hindi niya ako nakita.
“Nalaglag lang ‘yong isang drum,” wika ni Roco at doon lang ako nakahinga nang maluwag.
“Alam mo na siguro ang mangyayari sa’yo kapag pinakialaman mo ang hindi sa’yo.” Dinig kong sabi pa ni Lucas at hindi na ako sumilip pa dahil baka makita na nila ako.
“Sir, hindi ko po sinasadya. Huwag po kayong mag-alala hindi na po mauulit, patawarin niyo po ako!” Umiiyak ang lalaki habang sinasabi niya ang katagang iyon at halata ang takot sa kaniyang boses.
“Wala kang mapili? Puwes, ako na lang ang pipili para sa’yo para hindi ka mahirapan. Latigo kaya? Ano sa tingin mo?”
Lalong nanginig ang mga kamay ko sa kaba at takot dahil parang hindi si Lucas ang nagsasalita. Para siyang ibang tao at mabangis na hayop kung ikukumpara ko.
“Sir, nakikiusap po ako gagawin ko po ang lahat patawarin niyo lang po ako!” Humahagulgol na iyong lalaki at hindi magkamayaw sa kaniyang pag-iyak.
“Sige ganito na lang. Dalhin mo sa’kin iyong iba mo pang mga kasama na pinagpantasyahan ang asawa ko kung hindi mo sila dadalhin sa’kin puputulin ko ang isang paa mo naiintindihan mo ba?”
“O-opo, opo makakaasa po kayo!”
Hindi ko na alam kung ano pa ang mga sumunod na nangyari at narinig ko na lang ang kanilang mga yabag papalayo at pagsara ng pintuan. Biglang tumahimik ang kanina’y nakakatensyon na pangyayari at doon lang ako lumabas sa aking pinagtataguan.
“Hindi ko alam na kanina ka pa pala nandiyan.” Napalingon akong bigla at nakita kong nakatayo si Roco at nakasandal sa pader.
Lumapit pa siya sa’kin at ang kabog ng dibdib ko ay parang isang makina ng sasakyan na umuugong. Mabilis ang aking paghinga ng nasa aking harapan na siya at mataman akong tinitigan.
“Anong ginagawa mo rito? At paano ka nakapasok dito?” Hindi ako makapagsalita at natatakot ako na baka isumbong niya ako kay Lucas. “Have you seen what my brother did?” Tumango lang ako sa kaniya at hindi makatingin ng deretso. “Mas nakakatakot siya kaysa kay Gascon at babalaan lang kita. Hindi mo siya mapipigilan sa gusto niyang gawin lalo na pagdating sa property niya”
“H-ha? Anong ibig mong sabihin?” takang tanong ko sa kaniya.
“Ikaw lang ang makakadiskubrye niyan at iyon ay kung hindi ka manhid.” Pagkasabi niyang iyon ay umalis na rin siya at naiwan akong nagtataka.
Napatingin ako sa gawi kung saan ko nakita ang lalaking nakaluhod kanina at nakagapos ang mga kamay at duguan ang mukha. Nahintakutan akong bigla dahil sa pinakitang iyon ni Lucas na hindi ko pa nakikitang ugali niya.