CHAPTER 22

2972 Words
AYVEE’S POV: Humahangos naman akong bumalik sa kuwarto at isinara ko ang pintuan. Nanginginig ang mga kamay ko at pati yata ang buong katawan ko ay nangangatong sa takot sa aking nasaksihan. Napaupo ako sa dulo ng kama at wala ako sa tamang pag-iisip at napatulala na lang. Who is he? Si Lucas ba talaga ‘yon? I mean, why? Napapitlag ako ng may kumatok sa may pintuan at mariin pa akong napalunok. Marahan akong tumayo at nagtungo sa pintuan at dahan-dahan kong pinihit ang seradura noon. Mas lalong kumabog ang aking dibdib nang mamataan ko si Lucas na nakayuko at ang dalawang kamay ay nasa kaniyang bulsa. Tumingala siya nang buksan ko ang pinto at napaatras naman ako. Hindi ko inaalis ang pagkakatitig ko sa kaniya at humakbang naman siya palapit sa’kin. Tila nanuyo ang aking lalamunan habang nakatingin siya sa’kin at ako nama’y pilit kong pinapakalma ang aking sarili. “Are you okay? Namumutla ka. May sakit ka ba?” Tila may pag-aalala niyang turan. “O-okay lang ako. Para yata akong lalagnatin.” Hahawakan niya pa sana ang noo ko ng bigla akong umiwas sa kaniya na ikinataka niya. Tumalikod ako at kinuha ko ang telepono ko na nakapatong sa side table at muli siyang hinarap. Nakakunot ang noo niyang nakatingin sa’kin at pinasadahan niya pa ng kaniyang dila ang ibabang labi niya. “P-pupunta m-muna ako kay mommy. A-ano kasi, namimiss ko na siya eh at saka gusto niya raw akong makita,” pagsisinungaling ko na lang sa kaniya. “Is there something wrong?” “H-ha? Wala, gusto ko lang talagang dalawin si mommy dahil__” Nahinto ako sa aking sasabihin ng bigla niya akong yakapin. Ramdam ko ang bawat pintig ng puso niya at mas lalong humigpit ang yakap niya sa’kin. Iyong takot na nararamdaman ko kanina ay bigla na lang napawi sa simpleng yakap lang niyang iyon. Para naman akong tuod na nakatayo lang at hinayaan ko lang siya at ilang sandali pa ay lumayo na rin siya sa’kin. “Ihahatid kita.” Magpoprotesta pa sana ako nang hawakan na niya ang kamay ko at hilahin niya ako palabas ng kuwarto. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan at nang makapasok na ako ay saka din naman siya pumasok sa loob. Tahimik lang kami habang tinatahak namin ang daan papunta sa amin at nakatingin lang ako sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang paligid. Malapit na ring dumilin at tiyak akong nagluluto na si mommy ng hapunan. Nang makarating na kami sa bahay ay kaagad akong bumaba ng sasakyan at sumunod na rin siya. Hinarap ko siya at mapupungay naman ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Halata sa itsura niya ang pagod at mukhang gusto na nitong ipikit ang mga mata niya. “Sige na pasok na ‘ko sa loob at maaga rin akong babalik bukas kasi baka hanapin ako ni mama,” paalam ko sa kaniya. Simple siyang napangiti at hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang dumagundong ang puso ko sa simpleng pagngiti lang niyang iyon. Peke akong napaubo at umiwas pa sa kaniya nang tingin at naramdaman ko na lang ang paglapit niya sa’kin. “Okay, I’ll wait for you tomorrow.” Tumango lang ako sa kaniya at saka ko naman siya tinalikuran Hindi ko na siya hinintay pang makaalis at tiyak akong aalis din siya kapag alam niyang nakapasok na ako sa loob ng bahay. Pagkapasok ko naman sa bahay ay nakapatay ang lahat ng ilaw at sa aking pagtataka ay mabilis akong umakyat papunta sa kuwarto ni mommy. Kaagad ko itong binuksan at nagulat ako nang nakahiga si mommy at nakakabit sa kaniya ang nebulizer at katabi nito si Badiday. Kaagad naman akong lumapit at naupo sa kaniyang tabi at hinawakan ang isang kamay niya. “Mommy, anong nangyari? Kumusta ang pakiramdam mo? Hindi ka ba makahinga? Gusto mo bang dalhin na kita sa ospital?” Para na akong maiiyak nang makita ko si mommy na muli siyang inatake ng sakit niya. “Anak, ayos lang ako saka nandito naman si Badiday eh.” Binalingan niya si Badiday at nanlaki pa ang mga mata nito. “Naku ah! Tita Amalia huwag nimo akong pagbintangan dili ako nagsabi kay E.C na inatake ka” “Ma naman, dapat sinasabi mo kaagad sa’kin kapag may nararamdaman ka. Paano pala kung may mangyaring masama sa’yo? Paano kung, paano kung.” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang tuluyang mapaluha na lang ako. Tumayo naman si mommy at niyakap ako at hinagod pa nito ang aking likod. Hindi ko kakayanin kapag may nangyari sa kaniya at ayokong pati siya ay mawala pa sa’kin. Simula kasi nang mawala ang kapatid ko at maghiwalay sila ni daddy ay kami na lang ni mommy ang magkatuwang. Mabuti na lang at nakaalis na ako sa poder ni daddy at mas maaalagan at mababantayan ko pa si mommy ngayong nandito na ako ulit sa Quezon. “Anak, walang mangyayaring masama sa akin. Napagod lang talaga ako dahil inayos ko ‘yong mga halaman ko. Alam mo namang iyon lang ang nagiging libangan ko rito,” wika niya nang humiwalay siya sa’kin nang pagkakayakap. Mahigpit kong hinawakan ang mga kamay niya at inilagay ko pa ito sa aking mga pisngi. I miss her gentle touch. I miss her scent at lalong-lalo na ang mahigpit niyang yakap kapag nalulungkot ako. Pero ang mas nakakamiss ay iyong kumpleto pa kaming apat kasama ang kapatid ko. Hinintay ko munang bumuti ang pakiramdam ni mommy at nang makatulog na ito ay saka lang ako bumaba. Naabutan ko namang nagtitimpla ng kape si Badiday sa may kusina at binigay nito sa’kin ang isa. Napangiti ako nang tikman ko ito dahil alam na alam kaagad niya ang lasa ng kape na gusto ko. “Kumusta ka naman sa trabaho nimo? Dili ka ba nahirapan? Naka-ilang huli ka na ng palaka?” Inirapan ko siya at pinagpatuloy ko ang paghigop ng kape. “Alam mo dapat sa’yo E.C lumalandi na eh. Sayang ang ganda mo kung dili man pakinabangan ‘yan oy! Dili ka pa rin ba naka-mob on? Diyos ko E.C, pag sinayang ka lumandi ka! Hindi ‘yong peleng broken ka para makarami ka naman.” Naibuga ko ang kapeng iniinom ko at pinamulagatan ko ng mata si Badiday. “Seriously badiday?” Nakataas ang isang kilay kong saad sa kaniya. “Oo naman ‘no! Kung ganiyan lang ako kaganda dili na talaga ako bergen. Ikaw nga ganda-ganda walang kalandian. Tikman mo ang gusto mong tikman huwag lang si ser at ako muna ang titikim kung gaano ba siya kasarap.” Kinikilig pa ito at nagpapadyak pa. Kung alam lang niya na nasa harapan na niya ang asawa ng minamanyak niya at ako na ang magsasabi sa kaniya kung gaano kagaling ang ser niya at kung paano ako nito pabaligtarin. Pero syempre wala akong balak sabihin sa kaniya at kahit kanino pa kung ano ang namamagitan sa aming dalawa. Mananatiling sikreto ‘yon hanggang sa magpasya kaming maghiwalay sa takdang panahon. Malalim na sa gabi ay hindi pa rin ako makatulog. Iniisip ko pa rin ang mga naganap sa mansyon at kung ano at para saan ang kuwartong napasukan ko kanina. Napakaraming baril na nakasabit doon at isa pa ang hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang naging ugali ni Lucas kanina. Pabali-baligtad naman ako sa higaan ko at ng hindi pa ako makakuha ng tulog ay nagpasya akong bumangon. Pababa na ako ng hagdan para pumunta sa kusina nang makita ko namang bahagyang nakabukas ang pintuan sa sala. Dahan-dahan akong bumaba at nagpalinga-linga pa ako at isa-isa ko namang binuksan ang mga ilaw. Nakakapagtaka naman kung makakalimutang isara ito ni Badiday dahil malapit lang ito sa aming hagdan. Sumilip pa ako sa labas at tanging hangin ang siyang dumampi sa aking pisngi. Tahimik ang paligid at wala ng tao sa kalsada. Muli ko itong isinara at sinigurado kong naka-lock na ito. Hindi na ako nagtungo pa sa kusina at umakyat na lang ako dahil nakaramdam ako bigla ng kaba na hindi ko maintindihan. Kinabukasan ay maaga akong nagising at ako na rin ang nagluto. Umalis muna si Badiday para bumili ng gamot ni mommy sa bayan dahil konti na lang ang gamot na natitira rito. Nakahanda na ang lamesa nang bumaba si mommy at nagulat pa siya dahil ako na ang naghanda ng pagkain. Nilagang itlog lang ang niluto ko dahil iyon lang naman ang madaling lutuin at kaya kong lutuin. “Pasensya ka na mommy ah? Iyan lang kasi ang alam kong lutuin eh.” Nahihiya ko pang turan sa kaniya. “Ayos lang anak, masaya ako dahil kahit papano matitikman ko ang luto mong nilagang itlog,” sabay tawa niya pa. Masaya akong napapangiti ko si mommy kahit papaano sa kabila nang pinagdaanan niya. Iyong taong akala mo ay makakasama mo habang buhay ay siya pala ang taong sisira sa pangarap mong iyon at ganoon ang ginawa sa’kin ni Rupert na akala ko ay siya na at akala ko ay sabay naming bubuuhin ang mga pangarap namin bilang mag-asawa. Ngayon, hindi na ako naniniwala pa sa pagmamahal at ayoko nang maranasan ang sakit na pinaramdam sa’kin ni Rupert at ni daddy. Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na rin ako at sinabi kong bukas ay babalik ulit ako. Parati ko nang bibisitahin si mommy para rin hindi na ako nag-aalala pa sa kalagayan niya. Pagkalabas ko ng gate ay nagulat ako dahil nakaparada sa tapat namin ang sasakyan ni Lucas. Tiningnan ko ang telepono ko kung may message ba siya sa’kin pero hindi naman siya nagmessage. Lumapit ako sa kaniyang sasakyan at sinilip pa iyon pero wala akong makita dahil masyadong tinted ang bintana ng kaniyang sasakyan. Mahinang kinatok ko ang binatana niya at pagkuwan ay ibinaba naman niya ang bintana. Nagtaka ako dahil parang kagigising lang niya at medyo gulo pa ang kaniyang buhok. Napaawang ang mga labi ko dahil iyong suot niya kagabi ay suot pa rin niya hanggang ngayon. Isa lang ang ibig sabihin nito, hindi siya umuwi kagabi at dito natulog sa kaniyang sasakyan. “Anong ginagawa mo rito? Hindi ka ba umuwi?” Imbes na sagutin niya ako ay bumaba siya sa kaniyang sasakyan at hinawi ang kaniyang buhok. “Hmmn, hinintay kasi kita.” Nangunot ang noo ko at para naman siyang batang nakatitig sa’kin. “Dito ka natulog?” Tango naman niya. Napabuntong hininga na lang ako at napatingin ako sa damit niya. Gusot-gusot na ang suot niyang green t-shirt at halata sa itsura niya na hindi siya gaanong nakatulog. Ano ba kasing naisipan ng lalaking ito na maghintay dito na akala naman niya ay hindi ako marunong umuwi? “Are you okay?” Taka akong napatingin sa kaniya dahil sa tanong niya. “What do you mean by that?” “Kahapon kasi parang may iba sa’yo eh. Okay ka na ba?” “Wala ‘yon inisip ko lang si mommy kaya bigla akong umuwi rito. Teka, nagugutom ka na ba?” “I’m fine busog pa naman__” Natigilan kami pareho nang marinig ko ang pagtunog ng tyan niya. Lihim akong natawa at umiwas pa siya sa’kin nang tingin. Hinila ko na lang siya at bahala na kung magtaka si mommy kung bakit nandito ngayon ang inaakala niyang boss ko. Pagkapasok namin sa loob ng bahay ay nagulat pa si mommy nang makita niyang kasama ko si Lucas. Papalit-palit pa ang kaniyang tingin at ‘di kalauna’y nagmano naman si Lucas kay mommy bilang paggalang. “Kumusta po mommy?” Nanlaki ang mga mata kong napatingin kay Lucas at ganoon din si mommy sa kaniya. Siniko ko pa si Lucas at napagtanto niya ang kaniyang sinabi. “I’m sorry po, I mean kumusta po kayo ma’am?” Loko ‘tong lalaking ito sarap batukan! Bakit kasi nagpalipas pa siya ng gabi sa sasakyan niya? As if naman na manlalalaki ako o ‘di uuwi sa mansyon nila. “Okay naman ako hijo. Ikaw ba ng boss ni Cassandra?” “Opo,” tipid niyang sagot. “Sinusundo mo na ba siya?” Hindi kaagad nakasagot si Lucas at tipid na napangiti. “Actually, galing po ako sa isang negosyo namin malapit lang dito kaya naisipan ko pong daanan na rin si Ayvee.” Tumango lang si mommy na para bang hindi siya kumbinsido sa sagot ni Lucas. Inalok naman ni mommy si Lucas na kumain at hindi na rin ito tumanggi dahil alam kong nagugutom na rin ito. Inihain ko ang natirang niluto kong nilagang itlog at nahihiya naman akong tumingin sa kaniya dahil iyon lang ang pagkain namin dito. Hindi naman siya nagreklamo at kinain na rin naman niya ito. “Ser Locas is dat you?” sabay kaming napalingon at nagtatalon pa si Badiday nang makita niya si Lucas. Napatapik na lang ako sa aking noo at napailing nang tumabi pa siya rito at halos yakapin na niya ito. Maloloka talaga ako sa babaeng ito dahil sa pagka-gusto niya sa amo niya. Paano na lang kung malaman niyang kasal na siya sa’kin? Pinalo pa ni mommy si Badiday sa kaniyang braso at ngumuso pa ito na parang bata. Natawa na lang sa kaniya si Lucas at napatulala na naman ako nang makita ko siyang ngumiti at mas lalo siyang gumwapo. “Tita naman eh! Namiss ko lang si ser. Ako ba ser namiss mo?” Napaubo pa si Lucas at umiling na lang kay Badiday. “Kaya ka siguro nandito dahil sinabi na sa imo ni E.C na nandito ako ‘no? Sabi ko na nga ba ser mas gusto mo ‘yong ganitong beauty eh” “Hoy Badiday magtigil ka nga d’yan! Amo mo ‘yan mahiya ka nga,” saway pa ni mommy sa kaniya. “Okay lang po sanay na naman ako sa kalokohan niya. Naghahanap na nga po ako ng kapalit niya dahil masyado po siyang maingay” “Huwat?! Ser naman dili ka naman mabiro oy! Pag tinanggal mo ‘ko mawalan ka ng siksing kasambahay at handang magpatuwad-tuwad sa imo” “Badiday!” Sigaw pa ni mommy sa kaniya. Naitikom naman niya ang bibig niya at parang ako pa ang nahiya sa pinaggagawa ni Badiday. Nagtaka naman ako dahil titig na titig si mommy kay Lucas at iyong titig na parang kilala niya ito. Nang mapatingin sa’kin si mommy ay tipid pa siyang ngumiti at saka umiwas sa’kin nang tingin. Nagpaalam na rin kami at hinatid naman kami ni mommy hanggang sa may gate ng aming bahay. Nauna na si Lucas na sumakay sa sasakyan at pansin ko ang paghabol nang tingin ni mommy sa kaniya. Hindi ko na lang ito pinansin at nagpaalam na rin ako sa kaniya. Nang makarating kami sa mansyon ay kaagad akong dumeretso sa banyo para maligo at magpapatulong naman ako kay mama kung paano mag-alaga ng halaman at magtanim. Si Lucas naman ay nagpunta muna sa bahay ni Roco dahil pinatawag siya nito. Nakaramdam ako nang pag-aalala dahil baka sabihin niya na nakita niya ako at sabihin niya kung paano ko nasaksihan ang ginawa nila roon sa lalaki. Hindi ko pa talaga kilala si Lucas at hindi ko masabing mabuti siya o masama. Nagtagal pa ako sa loob ng banyo dahil maraming tanong ang bumabagabag sa aking isipan. Mga tanong na gusto ko ng sagot pero natatakot akong marinig. Paano kung tama nga ang hinala ko na hindi lahat nakikita ng mga mata ko ay totoo? What can I do and how can I escape from him? Pagkalabas ko ng banyo ay naabutan ko namang nakahiga na sa kama si Lucas. Nakatihaya siya at ang isang braso niya ay nakapatong sa kaniyang noo. Hindi na siya nag-abala pang tanggalin ang sapatos niya dahil na rin siguro sa sobrang pagod at puyat. Lumapit ako sa kaniya at marahan ko namang tinanggal ang kaniyang sapatos. Bahagya siyang gumalaw at tumagilid nang higa. Nakaharap siya sa’kin kaya naman napatitig ako sa kaniyang mukha. Tulog na tulog pa rin siya na animo’y bata. Dahan-dahan kong hinawakan ang kaniyang pisngi at hinaplos ito. “Who are you Lucas? Do I have to trust you?” Mahinang bulong ko sa kaniya. “Pero iba ang sinasabi ng isip ko sa nararamdaman ko” “I want to know what is it.” Nagulat ako ng bigla siyang magsalita at dahan-dahan niya pang iminulat ang mga mata niya. Akmang tatanggalin ko ang palad ko sa kaniyang pisngi nang hilahin naman niya ako palapit sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ko nang magtama ang mga tingin namin at mariin pa akong napalunok. Tatayo na sana ako pero mariin niya akong pinigilan. “If you want to know about me, I’ll tell you everything you want to know but in return don’t talk or hang out with Calixto anymore” “Why?” kunot ang noo kong tanong sa kaniya. “Because I don’t like it.” Mabilis akong humiwalay sa kaniya at tumayo sa kama. “Dahil lang sa ayaw mo pagbabawalan mo na akong makipag-usap sa kaniya. Kaibigan ko siya Lucas at matagal na kaming magkaibigan. Don’t tell me nagseselos ka na hindi naman dapat at wala sa usapan natin ‘yon” “What if I am?” Natahimik akong bigla at parang nabingi ako sa aking narinig. Walang salita ang namutawi sa’kin at bumangon naman si Lucas at naupo sa kama. “What if I am Ayvee? Susundin mo na ba ang gusto ko?” Umawang ang mga labi ko dahil sa narinig ko sa kaniya. Parang biglang naging abnormal ang paghinga ko at gusto kong kumaripas nang takbo palayo sa kaniya. Seryoso lang siyang nakatingin sa’kin at hindi ko mabatid kung nagbibiro ba siya o binabantaan na niya ako at may gawin siyang hindi maganda kay Calixto kung sakali mang hindi ko siya sundin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD