LUCAS POV:
Nandito ako ngayon sa maisan at pinapanuod ang mga trabahador na mag-ani ng mais. Nakapamewang ako at ang utak ko ay sadyang lumilipad at kanina pa ako hindi mapakali. Naisuklay ko na lang ang daliri ko sa aking buhok at pagkuwan ay tumalikod. Nakita ko namang papalapit sa’kin si Roco at inabot sa’kin ang logbook. Tiningnan ko ‘yon at halos naideliver na rin nila ang ibang naaning mais sa Maynila. Nakatingin lang ako roon pero parang bigla kong nakita ang mukha ni Ayvee. Iyong mukha niya na tila gulat na gulat nang sabihin ko sa kaniya ang bagay na ‘yon.
Pumitik pa sa tainga ko si Roco kaya doon lamang ako napabalik sa huwisyo at ibinalik sa kaniya ang logbook. Nilagpasan ko siya at ramdam ko naman ang pagsunod niya sa’kin. Napahinto ako at mabilis akong humarap sa kaniya at taka naman niya akong tinitigan.
“Roco, tell me what I did wrong?”
“Ha? Saan?” Napapikit ako at muli siyang tinalikuran.
Sinundan niya ako at humarang naman siya sa aking harapan. Tinitigan niya ako nang makahulugan at huminga naman ako nang malalim at saka tumingala sa langit. Hindi masyadong maaraw ngayon kaya mas magandang mag-ani ng mga mais. Binalingan ko siya at tila hinihintay naman niya ang paliwanag ko.
“Wala ito, hindi mo rin naman maiintindihan.” Lalagpasan ko sana siya nang hawakan niya ako sa aking braso.
“Si Ayvee ba?” Napatingin ako sa kaniya at pagkuwa’y tumingin sa malayo. Binitawan niya ako at narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya at sinamaan ko naman siya nang tingin. “Ngayon alam ko ng siya ang dahilan kung bakit wala ka sa focus ngayon. Why you didn’t tell her?”
“Tell her what?”
“Tell her that you like her.” Nanlaki bigla ang mga mata ko sa sinabi niya.
Magsasalita pa sana ako nang makita ko ang sasakyan ni Calixto na pumarada sa ‘di kalayuan. Malapit lang kasi rito ang bahay nila at kaya rin siya umuwi rito ay para madalaw niya ang kaniyang mga magulang.
Nangunot ang noo ko nang makita kong bumaba si Ayvee sa kaniyang sasakyan at matamis pa siyang ngumiti kay Calixto. Pinagmamasdan ko lang sila sa malayo at nagtagis ang mga ngipin ko nang makita kong hinawakan ni Calixto sa baywang si Ayvee.
“Tingnan mo nga naman si Calixto ka-guwapong bata ano?” Dinig kong sabi ng isa sa mga trabahador namin.
“Sino baga iyong kasama niya?” tanong naman ng isa habang nakatingin ako kina Calixto.
“Ay kababata niya iyon. Ay yanong ganda ano?! Para nga silang magkatipan.” Nakagat ko ang ibabang labi ko at malakas na bumuntong hininga.
Naglakad naman ako papunta sa kanila at nagulat naman silang pareho nang makita ako. Umiwas pa nang tingin sa’kin si Ayvee nang balingan ko siya at naramdaman ko na lang na nasa likuran ko na si Roco.
“What are you doing here?” tanong ko pero na kay Ayvee ang atensyon ko.
“Sir, sinama ko po muna siya tapos na naman daw po ang trabaho niya sa bahay. Gusto raw niya kasing makita sina nanay at tatay.” Nakatingin pa rin ako kay Ayvee pero hindi siya makatingin sa’kin ng deretso.
“Okay, pero isasama ko siya mamaya pagkatapos ng trabaho ko rito.” Hindi ko na siya hinintay pang magsalita nang talikuran ko sila.
Nagtungo ako sa kubo at pabagsak na naupo sa kawayang upuan. Itinaas ko ang paa ko sa center table at pinagkrus ko naman ang aking mga braso. Umupo si Roco sa aking harapan at mataman pa siyang nakatitig sa’kin.
“They look great, What do you think?” Halatang inaasar niya ‘ko sa klase ng titig niya. Hindi ko siya sinagot at sinimangutan ko lang siya. “Tell her before it’s too late Lucas”
“What should I tell her huh?”
“That you like her. Halata naman sa itsura mo na nagseselos ka sa sekretaryo mo eh. Nawala na ba ang pagiging fuckboy image mo?” Sinaman ko siya nang tingin at inirapan siya.
Mahina pa siyang tumawa na mas lalo kong ikinainis. Kakasabi ko lang kay Ayvee na ayokong sumasama siya kay Calixto pero sinuway niya ako. Don’t tell me that she likes him? Padabog kong ibinaba ang mga paa ko at tumayo pa ako sa aking pagkakaupo.
“I have to go.” Nagmamadali naman akong lumabas nang magsalita si Roco.
“Saan ka pupunta? Sa bahay nila Calixto?” Natigilan ako at napabuntong hininga na lang. “At anong gagawin mo ro’n? Kukunin mo si Ayvee?”
“Bakit asawa ko naman siya? I have the rights to get my wife”
“Alam ba nila na asawa mo si Ayvee?” Hindi ako nakasagot at bumalik ako sa pagkakaupo. “Like I said Lucas, tell her before__”
“I’m not!” Huminga pa ‘ko nang malalim at saka siya muling tinitigan. “She doesn’t like it and I hate it also.” Tumayo na ako at lumabas na ng kubo.
Malalaki ang mga hakbang kong nagtungo sa aking sasakyan at pabadog ko iyong sinara nang makapasok na ako. Nakahawak ako sa manibela at sumubsob naman ako ro’n. I’m confused what I’m feeling right now. Hindi ko dapat maramdaman ito at alam kong may usapan kami.
Sumandal ako at sandaling pumikit. Did I just forget the past? Or am I just escaping it through Ayvee? Pakiramdam ko tuloy ay pati si Jea ay kinalimutan ko na rin at iyong nangyari sa kaniya.
Hindi pa muna ako umalis at hinintay ko naman silang makabalik. Tiningnan ko ang relo kong pambisig at halos dalawang oras na rin siyang nasa bahay nila Calixto. Bubuksan ko na sana ang engine ng sasakyan ko nang makita ko na sila at papasok na sa sasakyan. At ang mas ikinainis ko pa ay nang hawak niya si Ayvee sa braso nito. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila at malapad pang ngumiti si Ayvee kay Calixto. Sa inis ko ay mabilis kong pinatakbo ang sasakyan ko at nilagpasan sila.
Nagpunta ako sa bayan kung saan may mga beerhouse doon. Dinarayo rin iyon ng mga bakasyonista at kilala ko rin ang may-ari noon. Pumwesto ako sa pinaka-dulo at binigyan naman niya ako ng isang bucket ng beer. Tumabi pa siya sa’kin at pinagbuksan ako ng beer. Deretso ko pang nilagok iyon at pabagsak kong ipinatong sa lamesa.
“Easy lang Lucas. Anong problema?” Tumingin ako sa kaniya at naka-krus pa ang kaniyang mga binti.
Siya ang may-ari nitong bar at matagal ko na rin siyang kilala. Kaibigan namin siya ni Jea at siya lang sa mga kaibigan namin ang nakakaalam ng tunay na nangyari sa’min ni Jea noon.
“Nothing, I’m bored,” tipid kong sagot sa kaniya.
“Hindi ka pupunta rito kung bored ka lang. Babae ba ‘yan?” Tiningnan ko lang siya at muli akong sumimsim lang alak. “Alam kong hindi madali para sa’yo ang kalimutan siya. Pero pinaparusahan mo lang ang sarili mo eh. Karapatan mong magmahal ng iba at magiging masaya si Jea kapag kinalimutan mo na siya.” Nakayuko lang ako at humigpit ang pagkakahawak ko sa bote.
Tahimik lang akong umiinom at iniwan na muna ako ni Giselle. Wala akong pakialam kung nakakarami na ako at parang hindi ako tinatamaan ng alak. Umorder pa ulit ako at hindi ko na rin namalayan ang oras.
“Lucas, okay ka lang?” Tumingin ako kay Giselle at medyo nanlalabo na rin ang paningin ko.
Iinumin ko pa sana ang hawak kong bote ng beer nang kunin na niya ito at ipaligpit sa waiter. Sumandal ako at pumikit dahil ngayon ko naramdaman ang pagkalasing ko na kanina’y parang wala lang.
“Do you know that I’m married?” Wika ko nang nakapikit.
Hindi ko siya narinig na nagsalita kaya doon lang ako napamulat. Nakasandal din siya sa tabi ko at umiinom ng alak. Bahagya siyang pumihit paharap sa’kin at sandaling ngumiti.
“Pero bakit ka malungkot?” Nagpakawala lang ako nang malakas na buntong hininga at tumingin sa aming harapan kung saan may mga cutomer na nag-iinuman. “Gusto mo bang hulaan ko?”
“Ano ka manghuhula?”
“Napilitan ka lang magpakasal?” Hindi ako kumibo at nagpatuloy lang siya. “Mahal mo na siya pero hindi mo masabi sa kaniya ang nararamdaman mo tama ba ‘ko?” Ngumisi lang ako at pagkuwa’y pinilit kong makatayo.
Muntikan pa akong matumba at mabuti na lang ay inalalayan niya ako. Hinatid niya ako sa aking sasakyan at sa passenger seat niya ako pinaupo. Siya na ang nagmaneho nito at hindi na ako nagprotesta pa. Hinatid niya naman ako sa mansyon at sinalubong naman ako ng dalawang tauhan namin at inalalayang makapasok sa loob.
“Kayo na ang bahala sa kaniya ah.” Dinig kong sabi ni Giselle bago ito tuluyang umalis.
“Sir, halina po kayo sa kuwarto niyo at kanina pa po kayo hinihintay ng asawa niyo.” Napatingala ako sa isa sa mga tauhan namin at kahit na nahihilo pa ako ay pinilit kong tumayo para puntahan si Ayvee.
Nang makarating na ako sa tapat ng kuwarto namin ay tinukod ko ang isang palad ko sa may pintuan dahil pakiwari ko ay babagsak na ako. Huminga pa ako nang malalim at pagkuwan ay pinakalma ko muna ang aking sarili. Marahan kong binuksan ang pintuan at kaagad ko siyang nabungaran na para bang may kausap sa telepono. Naramdaman ko naman ang pag vibrate ng telepono ko sa bulsa ng aking pantalon at kinuha ko naman ito. Kahit namumungay na ang mga mata ko ay nababasa ko pa rin kung sino ang tumatawag. Nag-angat ako ng aking tingin at marahan naman siyang pumihit paharap sa’kin. Humakbang ako palapit sa kaniya at kahit nasa harapan na niya ako ay nasa tainga pa rin niya ang kaniyang telepono. Ibinaba lang niya ito nang makalapit na ako at nagtama ang aming paningin.
“Why you’re still awake?” mahinang tanong ko sa kaniya.
“Amoy alak ka, gusto mo bang ipagtimpla kita ng kape? Teka lang ipagtitimpla lang kita.” Lalagpasan na sana niya ako nang hawakan ko siya sa kaniyang braso.
Nasa baba ang tingin ko at medyo humigpit ang pagkakahawak ko sa kaniya. Dahan-dahan ko siyang binalingan at taka lang siyang nakatitig sa’kin.
“I told you to stay away from him.” Hinablot niya ang braso niya at halatang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.
“Hindi sa lahat ng oras kailangan kitang sundin. Kaibigan ko si Calixto.” Lumapit pa ako sa kaniya hanggang sa magdikit na ang aming katawan.
I smell her scent. Iyon ang nagustuhan ko sa kaniya kaya pati utak ko nagulo ng dahil sa kaniya. Aatras sana siya pero mabilis kong hinuli ang kaniyang bewang at narinig ko pa ang pagsinghap niya.
“Kailangan mo ‘ko sundin dahil asawa mo ‘ko. Hubad,” mariing utos ko sa kaniya.
Lumayo pa ako at mataman siyang tinitigan. Nagpakurap-kurap pa siya at umawang naman ang kaniyang mga labi.
“A-anong sabi mo?” Nanginginig ang boses niyang sabi sa’kin.
“Ang sabi ko hubad.” Pansin ko ang kaniyang paglunok at lumayo pa sa’kin.
“Okay, fine dahil katawan ko lang naman ang gusto mo”
“Pati ikaw.” Mahinang sabi ko at kita ko ang gulat sa kaniyang mukha at naging mabilis ang pagkilos ko at hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi at hinagkan sa mga labi.
Dumako ang mga palad ko sa kaniyang likod at taas-babang hinagod iyon habang hinahalikan ko siya. Humiwalay ako sa kaniya at sandali siyang pinagmasdan. Damn! She’s perfect. Ayokong may iba siyang kausap, naiirita ako. Ayokong parati niyang kasama ang kaibigan niya dahil baka hindi ako makapagpigil kahit na kapatid pa ang turing ko sa kaniya. But I want to be nice to her.
Sinimulan kong tanggalin ang butones ng kaniyang pantulog pero pinigilan niya ako. Siya na ang nagtanggal noon at sinunod naman niya ang kaniyang bra. Napalunok ako nang tumambad ang malulusog niyang dibdib at doon na napako ang aking tingin. Hinubad na rin niya ang suot niyang pajama at kinuha ang isang kamay ko at dinala iyon sa kaniyang dibdib.
“Touch every part of my body. Gawin mo kung anong gusto mo at kung ano ang magpapasaya sa’yo,” sarkastiko niyang sambit.
“Gagawin ko talaga ang gusto ko sa’yo dahil akin ka lang at pag-aari kita.” Hinawakan ko siya sa kaniyang leeg at mariing sumipsip doon.
Nag-iwan pa ako ng bakas doon at sisiguraduhin kong hindi siya makakalabas ng bahay ng ilang araw. Malaya namang naglakbay ang mga palad ko sa kaniyang katawan at binuhat ko pa siya paharap para ihiga sa kama. Ibinuka ko pang maigi ang mga hita niya at sinimulan ko namang sumisid sa pagitan noon. Umangat ang balakang niya nang dilaan ko pataas ang hiwa niya at napasabunot pa siya sa aking buhok. Sinipsip ko iyong maigi at umungol naman siya nang malakas.
Pagkatapos kong gawin iyon ay tumayo na ako at hinubad ko naman isa-isa ang saplot ko. Hinimas ko pa pataas ang aking sandata at dumapa na sa ibabaw niya. Marahan kong ipinasok ang kahabaan ko sa kaniyang butas habang hinahagkan ko naman ang kaniyang leeg. Nang bahagyan na itong nakapasok ay mariin ko itong ibinaon kaya napahawak siya sa aking balikat at bumaon doon ang kaniyang mga kuko. Hindi ko naman ito alintana at pinagpatuloy ko ang aking nasimulan. Sa una ay dahan-dahan lang akong umuulos hanggang sa bumibilis na ito at palakas naman nang palakas ang kaniyang mga ungol.
Sandali kong hinugot ang sandata ko at siya naman ang inibabaw ko. Habang nasa ibabaw ko siya ay pinipisil ko naman ang magkabilang dibdib niya at taas-baba naman siya sa aking ibabaw. Umawang ang mga labi ko at humawak pa ako sa kaniyang maliit na baywang. Nakatingin lang ako sa kaniyang magandang mukha at kahit madilim dito sa kuwarto ay kumikinang ang kaniyang katawan.
Nararamdaman ko na malapit na ako kaya pinahiga ko naman siya at muli kong pinasok ang aking kahabaan. Isinampay ko pa ang isang hita niya sa aking balikat at mariing umulos nang mabilis.
“Aaah! L-lucas please! Aaah,oooh! I’m going crazy f**k!” Hiyaw niya pa at hindi na malaman kung saan niya ibabaling ang kaniyang ulo.
“That’s right, sa’kin ka lang dapat mabaliw,” hinihingal ko namang saad.
Mas lalo ko pang binilisan ang aking paggalaw at mas lalong lumakas ang kaniyang ungol na halos ay nakakalmot na niya ang aking braso. Tumigil na ako at tagaktak na ang pawis ko sa aking noo at katawan. Ramdam ko na ang init sa kaniyang loob at dahan-dahan ko naman itong hinugot. Tumabi ako sa kaniya at kinumutan ko naman ang aming sarili at pagkuwa’y niyakap siya.
“Would you like me back?” Nakapikit kong tanong sa kaniya.
Wala akong narinig na anumang salita sa kaniya hanggang sa dalawin na ako nang antok. Nagising naman ako na wala na si Ayvee sa tabi ko at marahan akong tumayo sa kama. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kuwarto pero sobrang tahimik at siguro ay nasa labas na ito. Tumayo na ako sa kama at nagbihis na ako nang tumunog naman ang telepono ko. Nakita ko iyon sa lamesa at si Morgan ang tumatawag.
“Hey Lucas bakat kailan ka babalik? You have to get back as soon as possible!” Napahilot ako sa aking sentido dahil medyo masakit pa ang ulo ko.
“Is there something wrong in the company?”
“Kapag hindi ka pa bumalik tiyak akong ipupull-out na ni Don Manolo ang project natin sa kaniya.” Napamura na lang ako sa aking isipan at binaba ko na ang tawag.
Dali-dali naman akong naligo at pagkatapos ay nagbihis akong kaagad. Hindi na ako nagdala pa ng ibang gamit ko dahil aayusin ko lang ang mga naiwan kong trabaho roon at babalik akong kaagad.
Pagkababa ko ay una kong hinanap si Ayvee at nasa garden daw ito kasama si mama. Nagtungo naman ako roon at narinig ko ang malakas na tawa naman ni mama na abot yata hanggang kabilang bayan. Tatawagin ko sana sila nang makita kong humahalakhak si Ayvee. Napatda ako sa aking kinatatayuan at kay ganda niyang pagmasdan. Ngayon ko lang siyang nakitang tumawa ng ganoon dahil kapag nag-uusap kami ay parati siyang seryoso o kaya’y galit sa’kin.
Napansin naman ako ni mama at kumaway pa siya sa’kin kaya napadako ang tingin sa’kin ni Ayvee. Lumapit pa ako sa kanila at heto na naman siya hindi na naman niya ako tinitingnan.
“Oh anak saan ka pupunta?”
“Ma, I need to talk to Ayvee first,” pakiusap ko sa kaniya.
“E bakit hindi ako puwedeng makinig? Hindi ko naman ichichicmis kung ano man ang pag-uusapan niyo. Dito lang ako sa tabi-tabi isipin mo na lang na wala ako.” Napailing na lang ako at hindi ko na siya pinilit pa.
Binalingan ko naman si Ayvee at naglulumikot naman ang kaniyang mga mata at kung saan-saan tumitingin. Ipinilig ko pa ang aking ulo pero ayaw niya pa rin akong tingnan. Siguro ay dahil ito sa sinabi ko noong isang araw.
“Will you please look at me, my binibini?” Malambing kong pakiusap sa kaniya.
Tumingin naman siya sa’kin pero tulad ng inaasahan ko ay blangko ang kaniyang itsura.
“Uuwi muna ako ng Manila. Do you want to stay or isama na lang muna kita sa Manila?” May pag-aalalang turan ko sa kaniya.
“Okay naman ako rito saka hindi naman ako bata para bantayan pa at isa pa nandito naman si mama”
“Okay, pero babalik din ako kaagad may tatapusin lang akong ibang trabaho I think 2 or 3 days lang ako ro’n wait for me here okay?” Napatitig ako sa kaniyang leeg at may nakabalot na panyo roon.
“Saan naman ako pupunta? Wala naman akong pupuntahan dito kun’di sa bahay namin”
“Okay, I have to go”
“Ingat.” Tumaas ang isang kilay ko at pinanliitan siya ng mata.
“That’s it? Wala ka bang ibang sasabihin man lang?” Inis kong saad sa kaniya.
“Hmmn. Ano bang dapat? Take care? See you soon?” Napahinga na lang ako nang malalim at sabay irap ko naman sa kaniya.
“Never mind, alis na ‘ko!” Tumalikod na ako at bigla akong nawala sa mood.
Kapag kasama niya si Calixto ang saya-saya niya tapos abot tainga pa ang ngiti niya kulang na ang lumabas ang ngala-ngala niya. Tapos pag sa’kin nakakunot agad ang noo niya.
“Wait!” Tawag niya sa’kin.
“Ano?!” Naiinis ako nang lingunin naman siya.
“Bumalik ka kaagad saka tawagan mo ‘ko kapag nandoon ka na. Pagbalik mo may sasabihin din ako sa’yo.” Napatulala na lang ako at hindi ko mawari kung tama ba ang narinig ko.
Sumakay ako sa aking sasakyan na hanggang ngayon ay tulala pa rin ako. Iniisip ko tuloy kung ano ang sasabihin niya at baka napag-isipan na rin niya ang isasagot sa’kin. Bumayahe ako ng hindi mapakali at ngayon pa lang ay gusto ko nang bumalik ng Quezon.