LUCAS POV: Napaungol ako at marahan kong iminulat ang mga mata ko at ipinilig ko pa ang aking ulo dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman ko sa aking ulo. Sandali pa akong pumikit at saka ako muling nagmulat at nakita ko sa aking harapan na nakatali sa upuan si Ayvee at luhaan. “L-lucas,” humahagulgol niyang saad. Napamura na lang ako sa aking isipan at pilit kong tinatanggal ang pagkakatali sa aking kamay na nasa likod ng upuan. Tinitigan ko si Ayvee at napailing pa ito sa’kin nang mapansin kong may mga nakapalibot sa aming mga armadong lalaki. Nasa isang malaking bodega kami at halos maraming mga armadong lalaki ang nakapalibot sa amin. Sa ‘di kalayuan ay nakilala kong kaaagad ang papalapit na lalaki at may hawak pa itong baril sa kaliwang kamay niya at mariin pa itong kinasa. Tum