AYVEE’S POV: “My binibini,” dinig kong boses ng isang lalaki at marahang hinihimas ang aking ulo. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at medyo nanlalabo naman ang aking paningin. Tanging bulto lang ng isang lalaki ang naaaninag ko at maya-maya pa’y lumilinaw na rin siya sa aking paningin. Nakaupo ang asawa ko sa gilid ng kamang kinahihigaan ko at masayang pinagmamasdan ako. Hinalikan niya pa ako sa aking noo at pagkuwa’y tumayo ako sa aking pagkakahiga. Pinakatitigan ko siya at maayos na ang kaniyang suot na kulay puting t-shirt at medyo kupas na maong pants. “L-lucas? Ikaw nga ba ‘yan?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. “Yes, my binibini it’s me. How do you feel? Are you__” Hindi ko na pinatapos ang susunod niyang sasabihin nang kaagad ko siyang yakapin. Akala ko isa lan