AYVEE’S POV: “E.C!” tawag sa’kin ni Badiday. Kasa-kasama ko na siya ngayon dito sa bundok dahil nang malaman nila mama at mommy na dito na ako namamalagi ay pinasamahan nila ako kay Badiday. Paminsan-minsan ay umaakyat din si mama rito kasama ang dalawa niya pang manugang na si Avi at Trinity. Hindi ko pinapasama si mommy na umakyat dito dahil baka atakihin siya ng hika niya kaya tinatawag-tawagan ko na lang din siya minsan para kumustahin. Hindi ko naman pinahalata kay mama na alam kong may tauhan silang nakapalibot dito sa kabundukan dahil tumanggi akong magpasama sa mga ‘yon. Alam kong nag-aalala sila para sa’kin at napaka swerte ko dahil naging pamilya ko sila. It’s been three long years since Lucas had been gone. Pinahinto ko na rin ang paghahanap sa kaniya dahil panay wala rin nam