AYVEE’S POV:
Umuwi akong masasakit ang katawan ko at pati na rin ang pagitan ng mga hita ko. Nakahawak ako sa aking puson habang papasok ako sa loob ng bahay at marahan ko namang binuksan ang pintuan. Alas-kuwatro na ng madaling araw at tiyak akong tulog pa silang lahat. Dahan-dahan akong humakbang patungo sa may hagdanan dahil sobra ang sakit ng aking ibaba. Wala na. Wala na ang pinaka-iingatan ko sa lahat. Isa na akong maruming babae na nagpagalaw sa isang estranghero dahil sa pangangailangan ko ng pera. My dad freeze all my credit cards kaya hindi ko ito magamit. Wala na ring laman ang ATM ko dahil naibigay ko na rin iyon kay mommy para panggastos niya at pambili ng mga gamot. My mom needs money dahil may hika siya at kailangan niya ng gamot at para makabalik sa doctor para makapagpacheck-up. My dad didn’t want it. Matagal na silang hiwalay at hindi ko lubos maisip kung bakit na lang niya basta-basta hiniwalayan si mommy ng gano’n na lang. I always ask my mom what is the reason but she refuse everytime I asked about it. Dinadalaw-dalaw ko na lang siya sa Quezon ng hindi nalalaman ni daddy dahil tiyak akong ikukulong lang niya ako dito sa bahay o ‘di kaya ay bibigyan ng bodyguard para bantayan ako 24/7.
Paakyat na sana ako sa kuwarto ko ng biglang bumukas ang ilaw kaya natigilan ako at tumingin ako sa aking likuran. Nakita ko si daddy na nakaroba at masama ang titig nito sa akin. Halatang hinihintay niya ako at pinamey-awangan niya pa ako.
“At saan ka na naman galing Cassandra?!” galit na sigaw nito sa akin.
Napairap na lang ako at mahinang bumuga sa hangin. Sa mata niya ako ang masama at pasaway na anak niya. Nagkaroon na rin siya ng bagong asawa pagkatapos nilang maghiwalay ni mommy, or should I say kabit niya. Kung may choice lang talaga ako ay lalayas na ako sa mala-impyernong bahay na ito.
“Rumaket ako. Naghanap ako ng pera dahil hindi ko kayang wala akong pera,” pabalang na sagot ko sa kaniya.
Lumapit pa siya sa’kin at galit ang itsura nito. “Yan ang natututunan mo sa mga barkada mo wala ka ng galang sa’kin. Tinuturuan lang kita ng leksyon para magtanda ka!”
“Leksyon dad? Puro mali ang nakikita niyo sa’kin pero ang mali niyo hindi niyo nakikita.” Bigla akong nabingi nang sampalin niya ako.
Ito ang unang beses na saktan ako ng daddy ko. Ever since ay hindi niya ako sinaktan kahit na marami akong pagkakamaling nagawa and he’s always calm when he’s talking to me, pero nagbago ang lahat nang makilala niya si Tita Jean at ang masaklap pa nito ay may anak ito na si Suzette na siyang ugat ng lahat kung bakit nasira ang buhay ko, silang mag-ina ang sumira sa relasyon naming mag-ama.
Sapo ko ang pisngi kong nasampal niya at tinitigan ko si daddy. Walang bakas nang pagsisisi sa kaniya at mas lalong nangilid ang mga luha ko. Nakita ko namang papalapit si Tita Jean sa kaniya at gulat ang mukha niya sa kaniyang nasaksihan.
“Honey, anong nangyayari? Nag-aaway na naman ba kayong mag-ama?” Hindi ko inalis ang pagkakatitig ko kay daddy at maya-maya pa’y nakita ko naman sa ‘di kalayuan si Suzette at nasa tabi niya si Rupert.
Lalo akong nagngitngit sa galit at wala akong magawa kun’di ang magparaya. Buong buhay ko kay Rupert lang ako nagiging malakas at siya ang naging sandalan ko nang maghiwalay ang mommy at daddy ko. We supposed to get married at nakahanda na ang lahat but something bad happened. Nabuntis niya ang anak ni Tita Jean na si Suzette at doon na nagsimulang gumuho ang buhay ko. Ten long years ay hindi ako niloko ni Rupert at siya pa nga ang nagbabantay-sarado sa’kin lalo na kapag may mga nagtatangkang lumapit sa’kin. Pero hindi ko akalain sa mahabang panahon nang pagsasama namin bilang magkasintahan ay lolokohin din niya pala ako at sa isang demonyitang katulad ni Suzette pa.
“Ano? Mga tsismosa lang at nandito kayong lahat? Tuwang-tuwa siguro kayo na nagkakaganito kami ng daddy ko ‘no?” Sarkastikong saad ko sa kanila.
“Cassandra, sumosobra ka na!”
“Kayo ang sumosobra dad! Anak niyo ko, dugo’t-laman niyo ‘ko pero bakit parang kasalanan ko pa ang lahat? Noong nabuntis ni Rupert si Suzette, what did you told me huh? Hindi ka nagalit kay Suzette kahit na alam mong fiancee ko si Rupert, instead ako pa ngayon ang masama at hindi makaintindi. Dad, ako ang nawalan, ako ang nasaktan pero bakit mas pinaboran mo sila? Bakit dad?!” sigaw ko at tuluyan nang tumulo ang mga luha ko.
Napatingin ako sa kinaroroonan nila Suzette at nakatungo naman si Rupert. Samantalang si Suzette ay nakangisi pa ito dahil nakuha na niya ang kaniyang gusto.
Mabilis akong tumalikod sa kanila at tinawag pa ako ni daddy ngunit hindi ko na sila nilingon pa. Pabagsak kong isinara ang pintuan ng kuwarto ko at napasandal na lang ako sa likod ng pintuan. Sapo ko ang aking bibig para pigilan kong mapahagulgol pero sadyang masakit sa dibdib. Aaminin ko, mahal na mahal ko pa rin si Rupert kaya naman iyong ibang mga pictures namin sa phone ko ay hindi ko pa binubura. Tanga na ‘ko kung tanga pero hanggang doon na lang ‘yon.
Naligo ako at kinuskos kong maigi ang katawan ko dahil pakiramdam ko ay diring-diri ako sa sarili ko at kung bakit ko nagawa ang bagay na ‘yon. Kung hindi lang kailangan ni mommy ng pera pampagamot ay hindi ko gagawin ang bagay na hindi ko kayang isuko kahit kaninong lalaki. Kung nandito lang sana ang kapatid ko ay hindi kami magkakaganito at buo pa rin ang pamilya namin.
Pagkalabas ko ng banyo ay nagulat ako nang makita kong nakatayo si Rupert malapit sa may bintana at nakapamulsa. Hindi ako nagsalita at nakatingin lang ako sa kaniya.
“I’m sorry.” Tanging salitang lumabas sa bibig niya. Pumihit siya paharap sa’kin at pansin ko ang pangingilid ng mga luha niya. “Just forget about us A.C, forget everything what we had. Isipin mo na lang na hindi tayo magkakilala at ganoon din ang gagawin ko”
“f**k you,” gigil kong sambit sa kaniya. “Nagsisisi ako na minahal kita. Nagsisisi akong minahal kita ng sampung taon Rupert. Huwag kang mag-alala dahil hindi ko ugaling maghabol sa lalaking walang bayag! Oops sorry, paano ka nga pala makakabuntis kung wala ka no’n?” Tumawa pa ‘ko nang pagak at kunot naman ang noo niyang nakatingin sa’kin. “O siya lumabas ka na dahil magbibihis pa ‘ko at baka isipin pa ng asawa mong mangkukulam na inaakit kita. Tsss! Takot sa sarili niyang multo”
Hindi na siya nagsallita pa at tuluyan na siyang lumabas. Napaupo na lang ako sa sahig at naikuyom ko ang mga palad ko. Masakit na marinig sa kaniya ang mga katagang iyon at gusto niyang kalimutan ko na ang lahat sa amin. Puwes, hindi ko na sasayangin ang luha ko sa kaniya at ibibigay ko ang gusto niyang mangyari.
Tanghali na nang magising ako at medyo masakit ang ulo ko pati na rin ang ibaba ko. Feeling ko tuloy ay namamaga ito at parang ayoko munang tumayo at magkulong na lang maghapon dito sa kuwarto ko. Tumunog ang cellphone ko at kinuha ko ito sa side table. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang amount na ipinadala sa’kin. Napatayo akong bigla at titig na titig sa telepono ko. 300,000 sa isang pakikipagtalik lang sa hindi ko kilalang lalaki?
Kaagad ko namang tinawagan si Madam Conchita kung tamang pera ba ang ipinadala niya sa akin at baka naman kaya niya ako pinadalhan ng malaki dahil baka may kasunod pa ito. Hindi na ako papayag at ayoko nang madagdagan pa ang dumi sa aking katawan. Susubukan ko na lang maghanap ng matinong trabaho at iyon na ang huling beses na gagawin ko ang bagay na ‘yon dahil lang sa mahigpit na pangangailangan ko.
“Hello Madam Conchita, bakit ang laki naman po yata nang binigay niyong pera? 50,000 lang po ang usapan natin hindi ba?” Mahina siyang tumawa at may kabang naramdaman ako at sana mali ang iniisip ko.
“Hija, iyong iba riyan bonus mo at laking pasasalamat ko sa’yo dahil hindi mo ako binigo. Naku kung hindi ka dumating baka kami ni Don Manolo ang ratratin niya, ibang klase pa namang magalit ang matandang damulag na ‘yon”
“Ah, s-sige po salamat po Madam Conchita.” Ibinaba ko na ang tawag at doon lang ako nakahinga nang maluwag.
Kaagad naman akong nagbihis at pupuntahan ko si Madam Conchita para personal na magpasalamat sa kaniya. Ang kaibigan kong si Marita ang nagrecommend sa’kin ng ganoong trabaho. Noong una ay ayokong gawin ang ganoong klaseng trabaho dahil p********e ko ang isusugal ko pero mas inisip ko ang kapakanan ng mommy ko kaysa sa pansarili kong kapakanan.
Pagkababa ko ay naabutan ko naman silang sabay-sabay na kumakain ng tanghalian at nagtatawanan pa. Mukha silang isang masayang pamilya at wala na kaming halaga ni mommy kay daddy. Ipinagpalit na niya kami ng tuluyan sa mga walang kwentang mag-ina na ‘yon na halata namang pera lang ang habol sa daddy ko.
Napatingin naman sa kinaroroonan ko si Tita Jean at umarko pa ang kaniyang kilay. Magaling magpanggap at puwede na siyang mag-artista at ang role niya ay isang kontrabidang mangkukulam. Ngumiti pa siya sa’kin at lumapit sa akin.
“Halika na hija kumain ka na muna at saka hindi ka pa kumakain ng almusal. Hindi na rin kita pinagising dahil alam kong puyat ka”
“At kailan pa ako kumain dito? Never pa akong kumain dito na kasama kayo”
“Cassandra! Igalang mo naman ang Tita Jean mo.” Napangisi na lang ako at lumapit ako kay daddy na nakaupo sa hapag-kainan.
“Why should I dad?”
“Palibhasa kasi hindi tinuruan ng nanay niya ng good manners kaya ganiyan.” Nagpantig bigla ang tainga ko at nilingon si Suzette.
Marahan akong lumapit sa kaniya at mukha siyang demonyitang nakangiti sa’kin. Itinukod ko ang isang palad ko sa lamesa at nakipagtitigan ako sa kaniya. Wala akong pakialam kung nasa harap pa kami ng pagkain at kung puwede nga lang ay ingudngod ko ang pagmumukha niya sa plato niya.
“Pareho lang tayo Suzette kaya ‘wag kang magmalinis diyan. Ganiyan din ba ang tinuro sa’yo ng mama mo ang mang-agaw ng lalaki? Kung sabagay like mother like daughter.” Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at pansin ko ang paghigpit nang hawak niya sa kutsara. “You think na nakuha mo na ng buo si Rupert? Who knows na iyong ginawa niya sa’kin ay mangyari rin sa’yo.” Tumingin ako kay Rupert at mataman din siyang nakatingin sa’kin.
Tumalikod ako sa kanila at para akong isang medelong naglakad palayo. Hindi ako magpapatalo sa mag-inang iyon at patutunayan ko rin sa daddy ko na kaya kong mabuhay na hindi humihingi ng kahit na anong tulong sa kaniya.
“Cassandra, comeback here hindi pa tayo tapos mag-usap!” Isinara ko na ang pintuan ng bahay at lumabas na ako ng gate.
“f**k you dad, and f**k you all.” May diing sambit ko sa aking sarili habang papasok ako sa loob ng kotse ko.
Nagpunta naman ako sa bar kung saan nagtatrabaho si Madam Conchita. Sinalubong ako ni Marita at mabilis niya akong hinila at dinala sa dressing room. Inilock niya muna ang pintuan at pinaupo niya ako sa sofa. Taka akong nakatitig sa kaniya at halata sa itsura niya ang pagkabalisa.
“Ano bang nangyayari ha Marita? At bakit parang takot na takot ka?”
“Ano ba kasing ginagawa mo rito A.C? At saka iyong gabi ba na pinapunta kita sa mansyon ni Don Manolo nakita ba niya ang itsura mo? May nakakita ba sa’yo? Sinuot mo ba kaagad ‘yong maskara?” Sunod-sunod na tanong niya sa’kin.
“Teka nga muna ano ba kasi talagang nangyayari?”
“Sagutin mo muna ‘yong tanong ko!” Napatulala na lang ako nang sigawan niya ako.
“Hindi niya ako nakita. At bago ako pumasok ng mansyon suot ko na iyong maskara na binigay mo.” Para naman siyang nakahinga ng maluwag at napasandal na lang sa sofa.
Nakatingin lang ako sa kaniya at hindi ko maintindihan kung ano ang nagyayari sa kaniya at bakit tila’y takot na takot siya. Humarap siya sa’kin at hinawakan ang dalawang kamay ko.
“A.C I’m sorry kung ikaw ang pinapunta ko roon”
“Bakit ka nagsosorry? Ako ang lumapit sa’yo para__”
“Hindi dapat ikaw ang nandoon kun’di ako. Inilagay kita sa panganib A.C,” mangiyak-ngiyak na wika nito.
Niyakap ko na lang siya at mahina naman siyang humikbi. Hindi ko alam kung ano ang dahilan at kung bakit siya nagkakaganito. Classmate ko si Marita noong college at dahil hindi siya nakapagtapos ay ito ang naging trabaho niya ang magpaligaya ng mga kalalakihan. Hindi naman siya masamang babae tulad nang iniisip ng iba dahil sa klase ng trabaho niya at matagal na rin akong pinagbabawalan ni daddy na makipag kaibigan sa kaniya. Pero hindi ko siya sinunod dahil mas pamilya pa ang turing ko sa kaniya kaysa sa sarili kong kadugo.
Kumalas siya sa’kin nang pagkakayakap at muling hinawakan ang kamay ko. Ramdam ko ang panlalamig ng kamay niya at halatang may kinatatakutan siya.
“A.C, inutusan ako ni Don Manolo na…na…na”
“Ano ang inutos niya sa’yo Marita?”
“Lagyan ko raw ng lason iyong alak noong lalaking hihintayin ko sa kuwarto.” Biglang bumagsak ang balikat ko pagkarinig noon kay Marita. “Hindi ko kayang gawin ‘yon alam mo ‘yan. Kaya noong lumapit ka sa’kin at nangailagan ka ng pagkakakitaan iyon ang inalok ko sa’yo pero hindi ko akalain na kakagatin mo ang trabahong iyon. A.C, hindi ko sinabi sa’yo ang bagay na ‘yon dahil hindi ko kayang gawin ang pumatay ng tao. Ang alam ni Don Manolo na ako ang babaeng kasama ni.” Sandali siyang napahinto at napatapik sa kaniyang noo. “Basta, hindi ko alam ang pangalan niya”
“P-pero bakit? Paano kung malaman ni Don Manolo na hindi ikaw ang babaeng pumunta roon? At saka bakit niya naman papatayin iyong lalaking iyon? Anong dahilan?”
“Hindi ko rin alam at ayokong magtanong dahil baka mapahamak ako. At saka hindi niya malalaman ang tungkol dito dahil noong kinausap niya ako ang sabi ko sa kaniya na sobrang lasing na niya at hindi na niya kaya pang uminom.” Hindi ako nagsalita at titig na titig lang ako sa kaniya.
“M-marita, I have something to tell you,” kinakabahang wika ko sa kaniya.
“N-nakita noong lalaking iyon ang itsura ko”
“What?!” gulat na bulalas niya sa akin. “A.C, sinabi mo ba sa kaniya ang pangalan mo?” Umiling ako at doon lang siya nakahinga nang maluwag.
Maya-maya pa ay tumayo siya at marahan niyang binuksan ang pintuan at konting awang lang ang binuksan niya. Sumilip pa siya at dahan-dahan naman siyang lumabas. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakabalik na siya at hinila naman niya ako palabas ng dressing room. Hinatid niya ako sa labas ng bar at nagpalinga-linga pa siya na para bang may hinahanap.
“Sige na A.C umalis ka na at huwag ka nang babalik dito. Kung gusto mong magkita tayo tawagan mo na lang ako at pupuntahan kita.” Ngumiti ako sa kaniya at niyakap ko siya nang mahigpit.
“Salamat Marita at mag-iingat ka okay? Tatawagan kita mamaya.” Kumalas ako nang pagkakayakap sa kaniya at tipid lang siyang ngumiti.
Bago ako pumasok sa loob ng sasakyan ko ay hinintay ko muna siyang pumasok ng bar at saka lang ako sumakay sa kotse. Papaandarin ko na sana ito nang tumunog ang telepono ko at nakita kong si Badiday ang tumatawag. Pinindot ko ang answer button at siya na ang unang nagsalita.
“E.C! Di op ko ngayon tara maggala tayo oy! Dili na ako makagala at busy ako sa akong amo.” Natawa naman ako dahil sa pagsasalita niya.
“Kumusta naman kayo ng pinagpapantasyahan mo na malaki ang tete?”
“Aay Diyos ko E.C malaki pa rin! Lalo na kapag naka jogging pants lang si ser vakat na vakat si big bird.” Napatawa na lang ako dahil sa kalokohan ng kaibigan ko. “Hindi lang super guwapo niya malaki din si Manong t**s”
“At sino naman si Manong t**s?” takang tanong ko.
“E ‘di si ser. Siya si Manong t**s! Tite ba tite gano’n.” Kahit kailan talaga ang daming kalokohn nitong si Badiday.
“Hoy Badiday, baka sa kakamanyak mo sa kaniya masisante kang bigla ah, sabihin niya pa kababae mong tao ang manyak mo”
“Naku E.C mas manyak si ser ‘no! Nagpatuwad-tuwad nga ako habang naglilinis nahuli kong nakatitig sa puwet ko. Sabi ko nga sa kaniya ripen ako dili man ako magpalag ayaw naman. Ip I no gigil na ‘yon sa mala-diyosa kong katawan.” Nailing na lang ako dahil sa kapilyuhan ng kaibigan kong ito.
Parati niya kasing kinukuwento ang amo niyang manyakis daw pero mabait naman daw. Babaero raw kasi kaya gano’n, kaya itong si Badiday pinagpapantasyahan ang amo niya.
“O sige magkita na lang tayo sa mall at kontakin mo na rin si Calixto para makasama rin natin siya.” Pagkatapos naming mag-usap ay ibinaba ko na ang tawag.
Bago pa ako umalis sa lugar na ito ay tumingin pa ako sa labas ng bar. Sana lang ay maging maayos lagi ang lagay ni Marita at kapag nakahanap na ako nang matinong trabaho ay kukunin ko siya para sa isang bahay na lang kami tumira.