AYVEE’S POV:
“E.C!” sigaw ni Badiday at kumaway pa ito sa’kin habang nakaupo siya sa ‘di kalayuan.
Maglalakad na sana ako papunta sa kaniyang puwesto ng may dalawang lalaking humarang sa aking harapan. Napataas ang isang kilay ko dahil mukhang manyakis ang isang ito at pinasadahan pa ang kabuuan ko.
“Hi gorgeous, are you alone? If you don’t mind, can I join you? Or would you join us in our table?” Napaikot ang mga mata ko at napatingin ako kay Badiday na tila’y nagtataka.
“Puwede naman kung papasa kayo sa mga qualifications ko,” sarkastikong sagot ko.
Nagulat ako nang hawakan niya ang baywang ko at ilapit niya pa ang sarili niya sa’kin. Naamoy ko kaagad ang alak sa kaniyang bibig pero hindi ako nagpakita ng anumang takot sa kaniya. Imbes na itulak siya ay inilapit ko ang mukha ko sa kaniyang mukha at nginisian siya.
“Hindi ako pumapatol sa maliit ang tuka. Kung mambabastos ka lang ng babae just make sure na maipagmamalaki mo ‘yan kasi nakakahiya eh.” Unti-unti akong lumayo sa kaniya at pansin ko ang pag-igting ng panga niya dahil sa galit.
Napangisi ako dahil mukhang totoo nga ang sinabi kong iyon sa kaniya. Sa katunayan niyan ay noong idikit niya ang sarili niya sa’kin ay wala man lang akong naramdamang nakabukol. Naalala kong bigla iyong lalaking naka-s*x ko kagabi. Hindi ko man nahawakan iyon ay ramdam ko sa bandang puson ko kung gaano iyon kalaki nang idikit niya ang sarili niya sa’kin at lalo nang punitin niya ang pinakaiingatan ko. Si Rupert dapat ang makakauna sa’kin oras na ikasal kami pero ibinigay ko iyon sa hindi ko kilalang lalaki.
“Anong sabi mo?” May diing wika niya.
Inawat na lang siya ng kasama niyang lalaki nang akmang lalapitan ako. Pinagkrus ko ang mga braso ko at nakatitig lang ako sa kaniya.
“Kung wala ka nang sasabihin pa baka puwede na ‘ko umalis? Hindi ko sasayangin ang oras ko sa isang lalaking maliit naman ang tuka.” Umirap pa ako sa kaniya at nilagpasan na siya.
“f**k you b***h!” sigaw niya pa na ikinahinto ko.
Mukhang naagaw namin ang atensyon ng mga tao rito at dinig ko pa ag bulungan ng iba. Pumihit ako paharap sa kaniya at tila nanlilisik ang kaniyang mga mata. Nasa loob kami ng isang kilalang restaurant at mabuti na lang ay wala pa gaanong tao rito dahil hapon pa lang.
“Yeah, I’m a b***h but not a slut. And f**k you also small d**k!” ganting sigaw ko sa kaniya.
Naglakad na ako palayo sa kaniya at naupo naman ako sa harapan ni Badiday. Kinuha ko ang juice niya at saka deretso ko itong nilagok hanggang sa maubos ko ito. Pabagsak ko namang ibinaba ang baso at huminga pa ako ng malalim. Sobrang inis na inis ako dahil sa bastos na lalaking iyon.
“Ano nangyari E.C? Binastos ka ba no’ng mukhang aleponga na ‘yon?” Nakangusong sambit sa’kin ni Badiday.
“As what you can see Badiday. Lakas ng loob niyang mambastos hindi naman malaki ang liit kaya ng oten niya”
“Hindot ka talaga E.C! Anong alam nimo sa dako at jutay? Nakakita ka na ba no’n?”
“Oo naman! Anong akala mo sa’kin batang inosente?” Sabay irap ko sa kaniya.
“Saan aber? Sa mube? Hindi ka pa nga nakatikim ng iyot makakita pa ng oten. Hindi ka nga marunong lumande eh. Lande-lande ren E.C!” Mariin na lang akong napapikit dahil sa pagiging madaldal nitong si Badiday.
Kung alam lang niya na nakuha na ng isang estranghero ang p********e ko ay baka maglulundag pa ito sa saya. Alam ko naman na ginagawa niya lang ito para kalimutan ko na nang tuluyan si Rupert. Si Badiday ang siyang naging takbuhan ko sa tuwing nalulungkot ako at pinapasaya naman niya ako dahil sa mga kalokohan niya. Pareho rin naman kaming wala pang karanasan pero kung magsalita siya ay daig pa niya ang nakarami na.
“Bago ako lumandi kailangan may trabaho muna ako syempre”
“Bakit ikaw ba magpakaon sa jujuwain mo? Lalande ka lang namang gaga ka hindi ko sinabeng palamonin mo”
Kung minsan gusto kong budburan ng sili ang bunganga nitong kaibigan ko para tumigil sa kakadada niya. Sumeryoso ako nang tingin sa kaniya at pagkuwan ay natigilan naman siya.
“I need a job Badids. Gusto kong magtrabaho para matustusan ko ‘yong pangangailangan ni mommy at alam mo naman kung bakit ‘di ba?” Tumango naman siya.
My dad has his own company at ayoko namang pumasok doon. At isa pa kung makakasama ko rin lang ang kabit ng daddy ko ay hindi bale na lang mas gugustuhin ko pang utos-utusan ako ng amo ko kaysa ang makasama ang isang halimaw na katulad niya. Ewan ko ba kay daddy kung bakit ipinagkatiwala niya ang isa sa mga pag-aari namin na dapat ay sa’kin niya ibinigay. Kami ng kapatid ko ang may idea no’n dahil noong mga bata pa lang kami ay mahilig na kaming mag make-up at ayusan ang isa’t-isa. My dad told me that someday that salon will be mine dahil iyon ang pangarap naming magkapatid. Sana nandito ang kapatid ko para kahit papaano ay may kakampi ako.
Pero nang dumating si Tita Jean ay inangkin na niya ang hindi dapat sa kaniya. Wala akong magawa at tila ba’y nawalan na ako ng karapatan. I don’t have my own money and my dad cuts all my credit cards. Alam kong sinusubukan niya kung gaano ako katibay kung sakali mang wala na akong pera at para magmakaawa ako sa kaniya. Pero hindi ako magpapatalo kay daddy. I’ gonna prove him that he was wrong. I love my mom more than anything else at gagawin ko ang lahat para kay mommy at kahit na ibenta ko pa ang sariling katawan ko.
“E ano namang alam nimong wurk? Agugu dancer?”
“Badiday naman!” Inis kong turan sa kaniya.
Umikot pa ang mga mata niya at ipinatong ang dalawang braso niya sa lamesa.
“E ano ngang trabaho? Dili ka nga marunong magpakulo ng tubig at naiiga pa tapos magtrabaho ka”
“Marunong naman ako kahit papaano ‘no! Nakakapagluto na nga ako ng itlog eh,” pagmamalaki ko pa.
“Naku E.C baka imbes na ‘yong tubig ang kumulo iyong ulo ba ng amo mo ang pakuluin mo. Dili ka nga marunong magtuwad-tuwad diyan saka magboka-boka magtrabaho ka pa. Anong etlog ka diyan? Imbes na preto ginawa mong inihaw na etlog.
“Tumigil ka nga riyan Badiday! Sungalngalin ko ‘yang nguso mo eh”
“Kayaman-yaman mo day dili mo na kailangan mag wurk-wurk ba, wala ka man alam eh.”
Yes it’s true, wala naman talaga akong alam sa pagtatrabaho. Pero kailangan kong kumayod para may pantustos ako sa pangangailangan ni mommy. Kapag nakaipon ako ay aalis na ako sa impyernong bahay namin dahil hindi ko na kayang makasama ang dalawang mangkukulam na ‘yon. Hindi ko na rin gusto pang makita si Rupert dahil simula ngayon ay kalilimutan ko na siya tulad ng nais niyang mangyari.
“Badids, please help me. Kahit magkuskos pa ‘ko ng inidoro gagawin ko basta magkaro’n lang ako ng trabaho,” pagmamakaawa ko pa sa kaniya.
Iyong perang binigay sa’kin ni Madam Conchita ay ipapadala ko paunti-unti kay mommy dahil ayokong magtaka siya kung bakit malaki ang ipinadala kong pera sa kaniya. Magagalit siya sa’kin kapag nalaman niyang katawan ko ang ginamit ko para lang makakuha ng gano’ng kalaking pera. Kahit kay Badiday ay hindi ko sinasabi dahil alam kong isusumbong niya ako kay mommy at masyado siyang madaldal.
“Ay E.C ‘di man bagay sa imo magkuskos ng iniduru. Ang ganda-ganda mo eh. Lok at your nils, mas makinis pa kuko mo sa inidoro eh. Bakit kasi dili ka na lang magpasok sa company ng daddy nimo?”
“Hindi mangyayari ‘yon Badiday. Kahit kailan hindi ko gugustuhing pumasok do’n. Mas gugustuhin ko pang maghirap ako kaysa makasama ang dalawang mangkukulam na ‘yon,” gigil kong sambit sa kaniya.
Nahinto lang ako nang dumating si Calixto at naupo sa tabi ni Badiday. Ngumiti siya sa’kin at lumabas naman ang malalim niyang dimple sa kaliwang pisngi. Naalala ko pa noon na bago dumating si Rupert ay naging crush ko pa siya noong nasa high school pa lang kami. Siya ang pinaka-guwapo noon at kinababaliwan ng lahat ng kababaihan sa buong campus. Nagkahiwalay lang kami ng school nang lumipat ako ng ibang school para mag-aral ng college. Siguro kung siya ang nanligaw sa’kin noon ay hindi malabong sagutin ko siya.
“Kanina pa ba kayo? Pasensiya na ha marami pa kasing trabaho sa opisina eh.” Tumango at ngumiti lang ako sa kaniya.
“Siguro marami na namang inutos sa’yo ‘yong future kemerut ko? Naku, kung dili man pogi si ser at masarap baka layasan ko na ‘yon.” Umismid pa siya pagkasabi niyang iyon.
“Tigilan mo nga ‘yang pagnanasa mo kay Sir Lucas. At saka bakit mo siya lalayasan kung maayos naman siyang amo at maganda ang pasahod sa’yo?” wika ni Calixto kay Badiday at mataman lang akong nakikinig sa kanila.
“E paano ba naman dili ko maisipan siya layasan, ipinangangalandakan ko na nga itong siksi body ko ayaw pa. Aba’y bihira lang ito ‘no.” Napatapik na lang ako sa aking noo at umiling-iling dahil sa kawalang-hiyaan nitong kaibigan namin.
Na-curious tuloy ako kung gaano ba ka-guwapo ‘yong amo nila at baliw na baliw si Badiday sa kaniya. Siguro kasing guwapo rin niya iyong lalaki kagabi? O baka mas guwapo pa ‘yong naka-s*x ko at isa pa___.
Natigilan ako nang maisip ko siyang bigla at ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi. Napahawak na lang ako dito at napainom ako bigla ng tubig.
“O ano nangyari sa’yo E.C parang nasunog ‘yang pisngi ko at namulang bigla?” Napansin naman kaagad ‘yon ni Badiday at napaiwas na lang ako sa kaniya nang tingin.
“S-sige mauna na ‘ko at may pupuntahan pa pala ako eh.” Kaagad akong tumayo at lumabas na ng restaurant.
Sasakay na sana ako sa kotse ko nang lumapit sa’kin si Calixto na ikinagulat ko. Niyaya niya muna ako sa park at sumama naman ako dahil ang totoo niyan ay wala naman akong iba pang gagawin at magpapalipas lang ako ng oras. Ayoko umuwi sa bahay ng maaga pa dahil tiyak mabubuwisit lang ako sa madadatnan ko roon.
Naupo kami sa ilalim ng puno at ibinigay naman sa’kin ni Calixto ang ice cream na nakalagay sa apa. Tahimik lang kami habang pinagmamasdan namin ang mga dumaraan sa aming harapan. May mga bata ring naglalaro dito at ang ilan ay magkakasintahang namamasyal.
“Kumust ka A.C? Ayos ka lang ba?” Napabaling ang tingin ko sa kaniya at tipid lang na ngumiti.
“Oo naman, at saka huwag kang mag-alala okay na ‘ko”
“You’re not A.C. You don’t have to pretend that you’re okay. Alam kong nahihirapan ka rin dahil kasama mo sa iisang bubong si Rupert.” Bumuga ako sa hangin at nakagat ko na lang ang ibabang labi ko.
Ang hirap ng sitwasyon ko dahil hindi ko rin maiwasan na magkita kami at mas lalo lang din akong nasasaktan at higit sa lahat nang sabihin niya sa’kin na kalimutan ko na ang tungkol sa aming dalawa.
“I don’t have a choice but to pretend.” Tumingin ako sa kaniya at mataman din siyang nakatingin sa’kin. “Kung niligawan mo sana ‘ko e ‘di sana hindi ako nasasaktan. Kasalanan mo ito Calixto,” biro ko sa kaniya at natawa pa ako sa sariling sinabi ko.
“I have a crush on you that time.” Natigilan ako at marahan akong napatingin ulit sa kaniya.
Seryoso siyang nakatitig sa’kin at bigla akong nakaramdam nang pagkailang kaya umiwas na lang ako nang tingin. Nang mapatingin ako sa hawak kong ice cream ay tila natutunaw na ito at tumutulo na sa aking daliri.
“O-oo nga pala Calixto nakalimutan ko magpapadala pa pala ako ng pera kay mommy, mauna na rin ako sa’yo ah.” Akmang tatayo na ako nang magsalita siyang muli.
“Hindi ko nagawang magtapat sa’yo dahil sa estado ng buhay natin.” Hindi ko magawang tumingin sa kaniya at nakayuko lang ako. “Langit ka at lupa ako at hindi puwedeng ipareha ang dyamante sa isang tanso.” Mabilis akong napatingin sa kaniya at nabitawan ko ang hawak kong ice cream.
“Calixto, hindi naman magiging gano’n ang tingin ko sa’yo”
“Pero sa mata ng iba gano’n ang magiging tingin nila. Masaya ako na naging magkaibigan tayo at mamahalin na lang kita bilang isang kaibigan A.C.” Napangiti na lang ako at napayakap na lang ako sa kaniya.
Mabuti siyang kaibigan at sila ni Badiday at Marita ang siyang tinuturing kong pangalawang pamilya bukod sa mommy ko. Hindi man ako sinuwerte sa ibang bagay pero masuwerte ako sa mga kaibigan ko na tulad nila.
Habang nagmamaneho ako pauwi ay nahagip naman ng paningin ko ang isang maliit na restaurant at may nakapaskil sa labas ng pintuan na naghahanap sila ng waitress. Ipinarada ko muna ang sasakyan ko sa harap nito at bumaba. Pumasok ako sa loob ng restaurant at pumunta sa may counter para magtanong.
“Excuse me po, available pa po ba ‘yong nakalagay sa may pintuan niyo?” tanong ko sa isang babae at pakiwari ko ay ito yata ang manager ng restaurant.
“Yes miss available pa siya mag-aapply ka ba?”
“Opo sana”
“Okay, akin na ang resume mo para ma-interview ka ng may-ari nitong restaurant.” Napatulala na lang ako dahil hindi pa pala ako ready at wala akong dalang resume.
“B-babalik na lang po ako kasi nakalimutan ko ‘yong resume ko eh.” Tumalikod na ako at bagsak naman ang balikat kong bumalik sa aking sasakyan.
Bakit naman kasi mag-aapply ako ng walang dalang resume? Paano nga ako matatanggap sa trabaho kung sarili ko lang ang dala ko?
Papaandarin ko na sana ang sasakyan ko nang may kumatok naman sa bintana ko at binuksan ko ito nang bahagya lamang. Siya iyong babaeng nakausap ko at malapad pa siyang ngumiti sa’kin.
“Ano nga pala ang pangalan mo?”
“Ayvee Cassandra Constantino po ma’am”
“Tanggap ka na at magdala ka na lang bukas ng resume mo.” Nanlaki ang mata ko sa gulat at hindi makapaniwala sa aking narinig.
“P-po? Totoo po?”
“Kailangan kasi namin ng waitress ngayon dahil nagresign na ‘yong dating waitress namin. Basta huwag mong kalimutan ‘yong resume mo at dapat exactly 8 in the morning nandito ka na okay?”
“Yes po ma’am salamat po at gagalingan ko po sa trabaho ko!” Masayang turan ko sa kaniya.
Nakaalis na siya pero hindi pa rin maalis sa mga labi ko ang sobrang kasiyahan. Mamaya ay tatawagan ko naman si mommy para ibalita iyon sa kaniya at tiyak ay matutuwa siya.