LUCAS POV:
“Hey Gas, did you find her?” Kausap ko ngayon ang kapatid kong si Gascon sa telepono at katatapos lang ng mahabang meeting ko.
Buwan na ang lumipas pero hindi pa rin niya mahanap iyong babaeng sinasabi ko sa kaniya. Pagkatapos noong nangyari sa amin ng gabing iyon ay matagal na ring hindi ako nakikipag-s*x sa iba. Sa tuwing may lalapit sa aking babae ay mariin na akong tumatanggi na hindi ko naman ugali ang ganoong estilo. Nagtataka na rin sa’kin ang kaibigan kong si Morgan dahil sa tuwing yayayain niya akong magbar at bibigyan ng babae ay hindi ko na ito isinasama sa hotel at basta ko na lang iiwan sa bar. Ewan ko ba kung anong meron ang babaeng iyon at bakit bigla na lang akong naging interesado sa kaniya. Wala namang espesyal sa kaniya bukod sa pagiging maganda niya at pangkaraniwan naman sa’kin ang ganoong mukha. Minsan ay iniisip ko na lang kung dahil ba ito sa ako ang nakauna sa kaniya o sadyang nacurious lang ako sa kaniya kung sino ba talaga ang babaeng iyon.
“Not yet Lucs. At saka saan ko naman hahanapin ang babaeng walang pangalan, walang mukha at naka-s*x mo lang ng isang gabi? Anong akala mo sa’kin taga-hanap ng navirginan mo?” may inis niyang turan sa akin.
“Please find her Gascon!” sigaw ko sa kaniya sa kabilang linya.
Napahilot na lang ako sa aking sentido at nakatayo ako sa harapan ng aking malaking bintana rito sa opisina. Papalubog na ang araw at nagsi-uwian na rin ang ibang mga empleyado ko. Malakas akong nagpakawala ng buntong-hininga at pagkuwan ay umupo ako sa aking swivel chair.
“Okay, did you already know her name?” tanong niyang muli.
“Not yet”
“Siguro naman alam mo kung ano ang itsura niya para kahit papaano may idea ako”
“Beautiful,” tipid kong sagot sa kaniya.
“Maraming maganda sa mundo Lucas, paano ko hahanapin ‘yon? Ginagago mo ba ‘ko?!” Galit niyang saad.
“Basta maganda, matambok ang puwet at malaki ang dibdib!” Sa inis ko ay binabaan ko na siya ng telepono at pabagsak ko itong inilapag sa lamesa ko.
Mariin akong napapikit at isinandal ko naman ang likod ko na tila ba’y pagod na pagod ako. Saan ko ba hahanapin ang babaeng hindi ko alam ang pangalan at isang gabi lang na may nangyari sa amin? Napamulat akong bigla nang maalala ang mukha niya. Marami akong babaeng nakakasalamuhang magaganda rin pero ni isa sa kanila ay hindi ako na-attract. Unang kita ko pa lang sa kaniya ay para bang may kung ano akong naramdamang kakaiba.
Napamura akong bigla nang maisip ko ang bagay na hindi dapat sumagi sa isip ko. Isa lang siyang bayarang babae at bakit sa isang tulad niya pa ako magkakagusto? Pero nang maalala kong virgin siya ay biglang nagbago ang tingin ko. Naguguluhan ako na kung bakit niya pilit na isinuko ang p********e niya sa hindi naman niya kilala?
Hindi ko namalayang kanina pa pala nasa harap ko si Morgan at kanina pa rin niya ako kinakausap. Napaayos akong bigla sa aking pagkakaupo at isinuklay ko naman ang daliri ko sa aking buhok.
“Ang lalim naman yata nang iniisip mo Lucas. Babae na naman ‘yan ‘no?” May kakaibang ngiti niyang sabi sa’kin. “Binibigyan kita ng babae ayaw mo, ano bang nangyayari sa’yo? Don’t tell me nagbago ka na? It’s not you Lucas and I’m not used to it,” sabay iling niya pagkasabing iyon.
“Wala lang ako sa mood makipaglandian ngayon Morgan”
“Akala ko ready ka na magseryoso eh. Pero mukhang malabo mangyari ‘yon dahil hanggang ngayon si Jea pa rin ang nakatatak diyan sa puso mo tama ba ‘ko?” Hindi ako nakasagot sa kaniya at iniikot ko na lang ang swivel chair ko patalikod sa kaniya.
Siguro nga ay hindi ko pa siya nakakalimutan o baka dahil hindi ko pa napapatawad ang sarili ko dahil sa nangyari sa kaniya. Marami akong bagay na pinagsisisihan, kung hindi lang siguro ako naging duwag noon at sinunod ko ang gusto ng aming ama para sa aming magkakapatid ay hindi sana nawala si Jea at nasabi ko sana sa kaniya kung gaano ko siya kamahal.
Naramdaman ko na lang ang mahinang pagtapik ni Morgan sa aking balikat at narinig ko na lang ang pagsara ng pintuan hudyat na nakalabas na siya ng aking opisina. Ilang minuto akong nakatingin sa kawalan nang magpasya na akong lumabas ng opisina ko. Pagkarating ko naman sa parking lot ay nakita kong nakasandal si Calixto sa pintuan ng kotse. Nag-angat siya ng kaniyang tingin nang makita niyang papalapit ako at binuksan niya ang likuran ng pintuan ng sasakyan. Binuksan ko naman ang passenger seat at doon ako umupo. Isinara niyang muli ang pintuan sa likod at pagkuwa’y sumakay na rin siya.
“Simula ngayon dito na ‘ko sasakay sa harap.” Tumingin ako sa kaniya at taka siyang nakatitig sa akin. “Hindi kita driver at hindi rin kita itinuring na secretary ko. Para na kitang nakababatang kapatid Calixto at ituring mo akong parang kuya mo”
“P-po?” Napangisi na lang ako at pinagkrus ko na lang ang mga braso ko at saka pumikit para hindi na siya magtanong pa.
Ilang sandali pa ay bigla akong napamulat habang tinatahak namin ang daan pauwi. Kaagad kong kinuha ang telepono ko at idinial ang number ni Morgan. Matagal bago niya ito sagutin at may munting ingay naman akong naririnig sa paligid niya na para bang nasa kalsada siya.
“Morgan, alam mo ba kung saan kinuha ni Don Manolo ‘yong mga babae sa bahay niya?” Walang paligoy-ligoy kong tanong sa kaniya.
“Bakit Lucas may problema ba?”
“Gusto ko lang malaman”
“Mukhang may natipuhan ka sa mga babae ni Don Manolo ah. Sa pagkakaalam ko sa isang bar sa Quezon City niya kinuha ‘yong mga ‘yon eh. I think ang pangalan ng bar is La Conchita Garden house”
“Okay Morgan thank you.” Pagkasabi kong iyon ay kaagad kong binaba ang tawag. “Sa La Conchita Garden House tayo Calixto,” utos ko naman kay Calixto.
“Sa Quezon City po?” Napabaling ang tingin ko sa kaniya at napakunot bigla ang aking noo. “S-sir baka kung ano p-po ang isipin niyo ah, hindi po ako nagpupunta do’n may kakilala lang po ako roon.” Napatawa na lang akong bigla sa kaniyang tinuran.
Dumeretso naman kami roon at ipinarada ang sasakyan sa harap ng nasabing bar. Pagkababa ko ay pinasadahan ko nang tingin ang labas noon at mukha naman itong maayos na bar kung titingnan. Iniwan ko na lang si Calixto sa kotse at ako na ang pumasok doon. Pagkapasok ko ay may sumalubong naman sa aking isang may edad na babae na nakasuot ng pulang bestida at medyo may kakapalan ang make-up nito.
“Hello sir, anong maipaglilingkod ko sa’yo? Table for how many person sir?” Nakangiting saad niya.
“I’m looking for someone.” Bahagya pa siyang lumapit sa’kin at napaatras pa ako ng isang beses.
“Ako sir available po ako.” Mahina akong napabuntong hininga at saka tipid akong ngumiti.
“Magandang babae iyong hinahanap ko.” Tumikhim siya at umayos ng kaniyang tindig.
Inilibot ko pa ang paningin ko sa paligid na baka sakaling makita ko siya rito. Maraming babae rito na animo’y naghihintay ng customer na lalapit sa kanila.
“Sino po ba ang hinahanap ninyo? Marami po akong magagandang babae rito puwede kayong mamili sa kanila.” Tumingin ako sa kaniya at itinuro naman niya sa may itaas ang mga babaeng nakaupo roon.
Tumingala ako at inisa-isa sila pero wala sa kanila ang hinahanap ko. Napakamot na lang ako sa aking kilay at pagkuwa’y muli kong inilibot ang aking paningin.
“Iyong babaeng pinadala niyo sa mansyon, wala ba siya rito?” Kumunot ang noo ng babaeng kausap ko at wari ko’y nag-isip pa ito kung sino ang tinutukoy ko.
“Kaninong mansyon?”
“Don Manolo.” Biglang nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha pagkasabi kong iyon at napaatras pa siya. “Mukhang alam mo na kung sino ang tinutukoy ko”
Napalingon ako nang makarinig ako ng isang ingay at nakita ko ang isang babae na pinupulot niya ang mga nabasag na baso. Kaagad naman siyang dinalohan ng babaeng kausap ko at tinulungan siyang pulutin ang mga ‘yon.
“Sige na Marita pumasok ka na sa loob,” utos niya pa rito. Hinarap naman niya ako at ang kanina’y nakangiti niyang mga labi ay para bang napalitan ng pag-aalinlangan. “Pasensiya na kayo sir mukhang wala po rito iyong hinahanap ninyo.”
Tatalikod na sana siya nang magsalita naman ako. “Iyong babaeng nakamaskara ang hinahanap ko and I saw her face”
“Tulad nang sinabi ko sa inyo, wala dito ang hinahanap ninyo.” Tumalikod na siya at mabilis na naglakad palayo.
Bagsak naman ang balikat kong lumabas ng bar at inaasahan kong makikita ko siya rito. Pero ang ipinagtataka ko kung bakit nang banggitin ko si Don Manolo sa kaniya ay para bang takot na takot siya.
Pumasok na ako sa loob ng sasakyan at ipinikit ko naman ang aking mga mata. Naririnig kong kinakausap ako ni Calixto pero halos hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya dahil nasa ibang bagay ang isip ko.
“Sir Lucas?” tawag niya sa’kin. Nanatili akong nakapikit at hindi siya pinansin. “Sir Lucas ayos lang po ba kayo?” Doon lang ako napamulat at tinapunan siya nang tingin.
“Hindi ba sinabi mo na may kakilala ka riyan sa loob?” tanong ko sa kaniya. Tumango lang siya at pumihit pa ako paharap sa kaniya. “Baka puwede niya akong matulungang hanapin iyong babaeng tinutukoy ko?”
“Sino po ba ‘yon sir? At anong pangalan niya?” Hindi ako nakapagsalita at napasandal na lang ako sa aking upuan.
“I don’t know who she is, and all I know is her face.” Hindi ko na narinig pang nagsalita si Calixto at tumingin na lang ako sa labas ng bintana kung saan tanaw mula rito ang labas ng bar.
Tahimik lang kaming dalawa habang tinatahak namin ang daan. Bigla akong napatingin sa isang babae sa ‘di kalayuan at kalalabas lang niya sa isang maliit na restaurant. Pansin ko ang kaniyang suot at mukhang doon siya sa restaurant na ‘yon nagtatrabaho. Nakatuon siya sa kaniyang telepono habang naglalakad at maya-maya pa ay inilagay na niya ito sa kaniyang bag. Nang mag-angat siya ng kaniyang mukha ay napatulala akong bigla dahil hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Hindi naman siguro ako namamalikmata at tandang-tanda ko pa ang kaniyang itsura. Pumara siya ng taxi at mabilis naman siyang sumakay doon.
“Calixto, sundan mo ‘yong taxi na ‘yon!” Turo ko sa taxi kung saan siya sumakay.
“Bakit po Sir Lucas?”
“I found her. So follow her Calixto!” Utos ko sa kaniya.
Nang mag-go signal na ay sinundan naman namin ang taxi at hindi ko inalis ang paningin ko roon. Alam kong siya ‘yon at hindi ako puwedeng magkamali. I don’t know what it is. But the moment I saw her hindi ko na maintindihn ang pakiramdam kong ito. Gusto ko ulit siyang makita, gusto ko ulit siyang mahawakan at higit sa lahat gusto ko ulit siyang tikman. Kahit na sinong babaeng natikman ko na ay hindi ko na muli pang tinitikman. Pero bakit sa dinami-rami ng babae ay siya pa ang natipuhan ko? At heto ako ngayon baliw na baliw siyang hanapin na hindi ko naman gawaing maghabol.
Napasubsob pa ako sa dashboard ng biglang pumreno si Calixto at nakita kong malayo na ang hinahabol namin. Napamura na lang ako at napahilot sa aking sentido.
“Pasensiya na po sir bigla kasing nag red light eh baka po mahuli tayo kapag dineretso ko,” hinging paumanhin ni Calixto.
“It’s okay. Bumalik na lang tayo kung saan ko siya nakita”
“Sige po”
Bumalik kami kung saan ko siya nakita at pumasok ako sa restaurant kung saan naman siya nanggaling. Nakita ko naman ang isang empleyado na nasa kaha at naisipan ko namang magtanong sa kaniya.
“Excuse me, puwede po bang magtanong?”
“Yes sir, ano po ‘yon?”
“Do you know the girl wearing a uniform same as yours? Actually nakalabas na siya kanina lang.” Kunot-noo niya akong tinitigan. “Iyong babaeng maganda na kalalabas lang kani-kanina at malaki ‘yong dibdib niya saka puwet.” Pagdedescribe ko pa sa kaniya.
Gulat na gulat siyang nakatitig lang sa’kin at napagtanto kong bigla ang aking sinabi. Mariin akong napapikit ang kinagat ang ibabang labi ko dahil baka isipin ng babaeng ito ay minamanyak ko ang isa sa mga katrabaho niya.
“Wala na siya rito dahil tinanggal ko na siya.” Napalingon naman ako sa kung sino ang nagsalita. Lumapit pa siya sa’kin at pinasadahan ang aking kabuuan.
“But why?”
“Halos isang buwan na siya rito pero hindi pa rin siya matuto-tuto. At sa tingin ko mukha siyang anak-mayaman dahil sa kilos at itsura niya. Hindi man lang siya marunong maghugas ng plato at magwalis eh. Kung hindi lang dahil sa kakilala ng may-ari nitong restaurant hindi ko siya tatanggapin,” may halong inis niyang sambit sa’kin.
“What is her name anyway?”
“Bakit mo tinatanong? I thought isa ka rin sa nilandi niya bukod sa boss namin.” Pagkasabi niyang iyon ay pumasok na siya sa kitchen nila at lumabas na rin ako ng restaurant.
Napahinto ako sa paghakbang at naalala ko ang sinabi ng babaeng nakausap ko.
“What? Nilandi niya ang boss niya? That’s impossible,” may diing wika ko sa aking sarili. “Paano niya lalandiin? Hindi nga siya marunong sa kama. At take note virgin pa kaya siya. Ay mali ako pala ang naka-virgin sa kaniya kaya malabo ‘yong binibintang nong babaeng ‘yon sa kaniya,” dagdag ko pa.
I will find her. I will definitely find her!