LUCAS POV:
Maaga akong nagising at kaagad na bumaba para magtimpla ng kape. Pagkababa ko ay hindi ko nakita si Badiday na karaniwang naglilinis ng sala kapag naaabutan ko siya rito. Dumeretso ako ng kusina at natimpla ng kape. Napahilot ako sa aking batok habang hinihintay ko namang uminit ang aking kape. Naalala kong bigla ang nangyaring paghabol namin doon sa babaeng matagal ko nang hinahanap.
“f**k,” mahinang mura ko. “Bakit ba ‘ko nag-aaksaya ng oras sa kaniya? E ano naman kung ako ang nakauna sa kaniya?” bulong ko sa aking sarili.
Kinuha ko na ang kape ko at pupunta naman ako sa garden para doon tumambay na karaniwang ginagawa ko tuwing umaga. Nakita ko naman si Badiday na tila nagmamadali at bihis na bihis ito. Napataas ang isang kilay ko nang makita kung anong klase ang kaniyang suot.
“Badiday!” tawag ko s kaniya.
Lumingon siya sa’kin at lumapit naman ako sa kaniya. Pinasadahan ko pa siya nang tingin at napapikit na lang ako dahil kulang na lang ay lumuwa ang kaniyang dibdib at parang kinulang naman sa tela ang suot niyang palda sa sobrang ikli nito.
“May kailangan kayo ser?” Magsasalita na sana ako nang iharang niya ang isang palad niya para pigilan ako sa aking sasabihin. “Hep hep! Huwag ka magalit ser, at malinis na ang imong mansyon at nakapaglaba na rin ako at sinama ko na ang brep mo. At dunt wori hindi ko inamoy ‘yon pramis talaga ser!”
Kapag siya talaga ang kausap ko lagi na lang niyang pinapasakit ang ulo ko. Maayos naman siyang magtrabaho iyon nga lang may pagka-baliw lang talaga siya.
“Badiday, saan ka na naman pupunta? At ano ‘yang suot mo? Ang aga-aga pa tatambay ka na kaagad sa bar?” sermon ko sa kaniya.
“Anong bar pinagsasabi mo riyan ser? Puntahan ko lang si E.C at may prublima na naman yata ang yaman-yaman pero prublimado”
“Hindi na siguro bata iyang kaibigan mo para puntahan mo parati. At saka ‘yang suot mo pagtuwad mo makikita na ‘yang hiwa mo.” Pagkasabi kong iyon ay humigop ako ng kape.
“Ipakita ko na talaga ito sa iba ser ayaw mo kasi akong manyakin eh.” Naibuga ko naman ang kapeng iniinom ko dahil sa sinabi niyang iyon.
Umismid pa siya sa’kin bago niya ako talikuran. Napabuga na lang ako sa hangin at napailing dahil sa kalokohan ng kasambahay ko. Hindi ko alam kung ako lang ba ang ginagano’n niya o baka pati si Calixto ay minamanyak na rin niya.
Lalabas na sana ako ng bahay nang tumunog ang telepono ko. Kinuha ko ito sa bulsa ng jogger pants ko at nakita kong si Calixto ang tumatawag.
“Yes Calixto?” sagot ko sa tawag niya.
“Sir Lucas may meeting po kayo ngayon kay Don Manolo at hihintayin daw po niya kayo sa Villamor Golf Range.” Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko at pagkuwa’y wala sa sarili akong napatango na animo’y nakikita niya.
“Okay, ako na lang ang pupunta roon at asikasuhin mo na lang muna ang mga naiwan kong trabaho sa opisina.” Kaagad kong ibinaba ang tawag at napatitig ako sa kapeng hawak ko.
Hindi ko na ito inubos at ipinatong na lang ito sa kung saan. Pumunta na ako sa kuwarto ko para naman maligo at tiyak akong matatagalan ang pag-uusap naming iyon.
Nagsuot lang ako ng plain white polo shirt na tinernuhan ko ng khaki pants at short cut white rubber shoes. Wala ako sa mood maglaro ng golf ngayon at kung puwede lang ay hindi na ako pumunta roon.
Mabilis naman akong nakarating sa Villamor at pagkapasok ko sa loob ay sinalubong ako kaagad ng isa sa mga staff doon. Mukhang alam na niyang darating ako at kung sino ang hinahanap ko dahil hindi na siya nagtanong pa. Nang masilayan ko na si Don Manolo ay iniwan na ako ng naghatid sa’kin at hindi lang siya ang naririto kun’di pati na rin ang iba pang kasosyo nito.
Marahan akong lumapit sa kinaroroonan nila at tumingin naman sa’kin si Don Manolo na hawak pa nito ang golf club. Malapad pa siyang ngumiti pagkakita sa akin at tinapik ako nito sa aking balikat nang makalapit na ako.
“Mabuti naman Mr. Montealegre at nakarating ka,” masayang bati niya sa’kin.
Ngumiti lang ako sa kaniya at inanyayahan naman niya akong umupo. Ngayon ko lang napansin na may kasama rin pala silang babae at nasa kabilang mesa naman ang mga ito. Kahit saan talaga pumunta si Don Manolo ay hindi puwedeng wala itong babaeng kasama.
“Kumusta naman iyong regalo ko sa’yo? Satisfied ka ba?” Wari ko ang tinutukoy niya ay iyong babaeng binigay niya sa’kin noong magpunta ako sa mansyon niya.
“Yes, Don Manolo,” tipid kong sagot sa kaniya.
“Balita ko hinahanap mo raw siya, totoo ba?” Natigilan akong bigla at hindi kaagad ako nakasagot. Mahina siyang tumawa at ininom niya ang juice niya na nakapatong sa mesa. “Why are you looking for her? Sa pagkakaalam ko kahit kailan ay hindi ka naging interesado sa mga babaeng natikman mo na, why her?” Nakatitig lang ako sa kaniya at ganoon din siya.
Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang tungkol doon. Siguro ay nasabi na rin ng babaeng nakausap ko na hinahanap ko ang babaeng iyon. Makapangyarihang tao si Don Manolo at marami siyang koneksyon lalo na sa larangan ng negosyo. Ayokong gamitin ang pagiging Montealegre ko kung hindi lang din maganda ang kalalabasan nito. I’m not like Gascon or Roco na lumalabas ang pagka-halimaw nila sa alam nilang kalaban. Don Manolo is someone that I don’t trust. Kailangan ko lang laruin ang mga gusto niya and that is Gascon’s advice para malaman namin kung ano talaga ang pakay niya.
“She took something from me that’s why I’m looking for her.” Ngumisi lang siya at sumenyas pa siya saka lumapit naman sa’kin ang isang babae at umupo sa tabi ko. “She is Betanny at mas magaling ‘yan kaysa doon sa hinahanap mo.” Napalunok ako nang hawakan niya ang hita ko pataas.
Hinawakan ko ang kamay niya nang mahigpit habang nakatingin ako kay Don Manolo. Marahan kong binitawan ang kamay ni Betanny at inalis sa aking hita. Muli niyang sinenyasan ito at tumayo sa kaniyang pagkakaupo at umalis.
“Bakit niyo po pala ako pinapunta rito?” tanong ko na ikinangiti niya.
“Lincoln Mall will soon to be open and I want you to be there,” tumango lang ako sa kaniya.
Siya ang may-ari noon at ako naman ang siyang nag-advertise no’n. Matagal din ang naging pag-uusap namin at puro mga itatayong negosyo ang siyang pinag-uusapan namin. Sa larangan ng mga negosyo ay masasabi kong magaling siya sa pagpapatakbo noon pero hindi ko alam kung ano ang takbo ng utak niya.
Gabi na rin nang umalis ako sa Villamor at naisipan ko namang yayain si Morgan pumunta ng bar. Pagkarating ko naman doon ay dumeretso ako sa vip room kung saan madalas kaming pumupuwesto. Nagtaka pa ako dahil siya lang mag-isa ang naroroon. Kalimitan kasi parati siyang may ka-table na babae o ‘di kaya’y naaabutan ko siyang nakikipag make-out na sa tuwing mauuna siyang dumating.
“Bakit mag-isa ka lang?” Umupo ako sa couch at nagsalin ng alak.
“Hinintay lang talaga kita at saka tapos na ‘ko kanina pa.” Naibaba ko ang baso ko at taka siyang pinagmasdan.
“What? You make it quick?” Tumango lang siya at isinandal niya pa ang likod niya at inisang lagok ang hawak niyang alak.
“May ibibigay akong babae sa’yo at alam kong mas magugustuhan mo siya.” Kumindat pa siya sa’kin at inirapan ko naman siya. “By the way, do you trust Don Manolo?” Biglang tanong niya.
Nahinto ako sa pag-inom ng alak at mataman siyang tinitigan. Siguro ay pareho kami ni Morgan ng iniisip at hindi rin siya mabilis magtiwala basta-basta.
“I trust my instinct,” sabay ngisi ko sa kaniya.
“Don’t trust anyone Lucas.” Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy na lang ako sa pag-inom ng alak.
Medyo nakakaramdam na ako ng hilo pero sige pa rin ang inom ko na para bang kaya ko pang umuwi. Ilang sandali pa ay may pumasok na dalawang babae at tumabi sa’kin ang isa. Hindi ko siya pinagtuunan ng pansin at patuloy lang ang paglagok ko ng alak. Nang iinumin ko ang natitirang alak sa baso ko ay pinigilan niya ako at hinawakan niya ang pisngi ko at iniharap sa kaniya. Namumungay na ang mga mata ko at hindi ko na gaano makita ang kaniyang itsura. Mariin pa akong napapikit at ipinilig ko ang aking ulo na bakasakaling mawala ang pagka-lasing ko. Nang muli ko siyang tingnan ay napatulala na lang ako at para bang nawala ang lasing ko. Matagal ko siyang pinagmasdan at hindi ko inaalis ang paningin ko sa kaniya. Unti-unti kong inangat ang kamay ko at hinaplos ang kaniyang pisngi. Totoo siya, totoong nasa harapan ko siya.
Hindi na ako nagsayang pa ng oras nang mabilis ko siyang halikan sa mga labi. Siniil ko siya nang halik at hinapit ko pa ang baywang niya para maiupo sa aking mga hita. Gumapang ang mga kamay ko patungo sa kaniyang dibdib at hinawi ko naman ang suot niyang tube at tumambad ang dalawa niyang dibdib. Natigilan ako at pabagsak naman akong napasandal sa couch. May diin kong hinilot ang sentido ko at saka ko siya muling binalingan nang tingin. Taka naman siyang nakatitig sa akin at inalis ko naman siya sa pagkakakandong sa akin. Tumayo na ako at lalabas na ng kuwarto nang tawagin ako ni Morgan.
“Lucas, where are you going?”
“I’m tired and I’m f*****g drunk, I have to go Morgan.”
Muntikan pa akong matumba at mabuti na lang ay napahawak ako sa gilid ng couch. Dinalohan naman ako ni Morgan at inalalayan niya akong makalabas ng bar. Iniupo niya ako sa passenger seat at pagkuwan ay pumikit na lang ako dahil sobra na rin ang kalasingan ko. Naramdaman ko na lang ang pagbukas ng engine nitong sasakyan ko at saka nito pinaandar.
“She’s not the one,” mahinang wika ko.
Narinig ko pang nagtanong si Morgan pero sadyang lasing na talaga ako at hindi ko na rin siya sinagot.
“Naku ser ano nangyari sa imo?” Narinig kong tanong ni Badiday habang akay-akay ako ni Morgan papasok sa loob ng bahay.
Nanatili lang akong nakapikit at naramdaman ko na lang na inalalayan na rin ako ni Badiday at inihiga ako sa sofa. Pinilit kong dumilat at naaninag kong nasa paanan ko ang dalawa at nakapamewang naman si Morgan habang nakatingin sa’kin.
“Ikaw na ang bahala sa kaniya Badiday ah. Ewan ko kung bakit nagpakalasing ‘yang amo mo,” dinig ko pang sabi ni Morgan bago ako tuluyang pumikit at nakatulog na sa sobrang kalasingan.
Nagising na lang akong bigla nang mahulog na lang ako sa sofa. Napaungol ako lalo na nang unti-unti kong idilat ang mga mata ko. Napahawak ako sa aking ulo at marahan naman akong tumayo mula sa aking pagkakabagsak. Dumeretso ako sa banyo para maghilamos at naitukod ko na lang ang dalawang palad ko sa sink. Ilang minuto akong nasa ganoong ayos nang simulan ko namang maghilamos ng aking mukha. Pagkatapos kong gawin iyon ay kaagad akong lumabas ng banyo. Napahinto pa ako sa paghakbang nang may makita akong hindi inaasahan. Pareho pa kaming nagulat at ako nama’y titig na titig lang sa kaniya.
Hindi ko alam kung namamalikmata na naman ba ako o hindi pa rin nawawala ang pagkalasing ko. Humakbang ako ng isang beses at saka naman siya umatras. Nanatili pa rin akong nakatingin sa kaniya at ngayon ko napagtanto na totoo na siya at hindi ako namamalikmata lang.
“E.C nasaan ka na? Naku baka makita ka ni ser at baka magalit iyon dili pa naman ako nagpaalam sa kaniya na patologin kita dito!” sigaw ni Badiday at narinig ko pa ang pagbaba niya sa may hagdanan.
Walang sabi-sabi ko siyang hinila papunta sa banyo at kaagad ko itong isinara at nilock ang pintuan. Isinandal ko siya sa pader ang gulat na gulat ang kaniyang itsurang nakatitig sa’kin. Tinulak niya ako para makawala siya pero mariin ko ulit siyang isinandal at idinikit ko pa ang sarili ko sa kaniya.
“Now I finally found you,” sambit ko sa kaniya. “Ikaw pala ang E.C na kinukuwento ni Badiday, too near”
“At ikaw rin pala ang manyakis na amo niya na madalas niyang ikuwento,” nakataas ang isang kilay niyang sagot.
“Ako? Manyakis? How come? Hindi ko siya minanyak for your information”
“Whatever!” Nagpupumiglas siya pero hinawakan ko ang magkabilang kamay niya at itinaas ito. “Ano ba?! Sisigaw ako,” pananakot niya pa”
“Sige subukan mong sumigaw gagahasain kita right here, right now.” Natahimik naman siya at lihim naman akong napangiti.
Bahagya akong lumayo sa kaniya at umiwas naman siya nang tingin sa’kin. Ngayon ko lang napansin na suot niya pala ang damit ni Badiday na karaniwan kong nakikitang suot-suot niya.
“What is your name anyway?” sinamaan niya ako nang tingin at umirap pa siya.
“Narinig mo naman siguro ang tawag sa’kin n Badiday ‘di ba?”
“What I mean is, your real name?”
“Bakit kailangan mong malaman? Look, naka one night stand lang kita at hindi mo na kailangan pang malaman ang pangalan ko. At hindi rin kita kailangang kilalanin.” Muli akong lumapit sa kaniya at narinig ko pa ang mahinang pagsinghap niya.
Bahagya akong bumaba para magpantay kami at napadako ang tingin ko sa kaniyang mga labi. Mahina akong napabuntong hininga at muli ko siyang binalingan nang tingin na ngayo’y masama ang titig sa’kin.
“Work from me.” Kumunot ang noo niya pagkasabi kong iyon.
“What?”
“Sleep with me, that’s all you can do”
“Sira-ulo ka ba? Hoy lalaki, hindi ako tulad ng ibang babae na inaakala mo. May delikadesa pa rin ako lalaki,” galit nitong sambit sa’kin.
“Lucas ang pangalan ko”
“I don’t care.” Umirap pa siya at pinagkrus niya ang kaniyang mga braso.
Lumapit pa ako sa kaniya at mariin kong idinikit ang sarili ko sa kaniya. Binalingan niya pa ako at itinukod ko ang isang palad ko sa pader. Ramdam ko ang mabilis niyang paghinga na para bang kinakabahan ito.
“Alalahanin mo ako ang naka virgin sa’yo at dapat lang na sa’kin ka magtrabaho. Now, tell me your name as long as I’m nice to you,” mahinang wika ko habang nakatitig sa kaniya.
“Ayoko, at hindi ko sasabihin sa’yo.” Sandali pa akong napapikit at lumayo sa kaniya.
“Okay fine, if that’s what you want.” Sinimulan kong kalasin ang sinturon ko at nanlaki naman ang mga mata niya.
“Hoy lalaki, anong ginagawa mo?!” Gulat niyang turan. Hindi ko siya sinagot at nginisian ko lang siya. “Sisigaw talaga ako. Badiday tulungan mo ‘ko!”
“Kahit magsisigaw ka pa riyan hindi ka niya maririnig. Sound proof itong banyo ko at hindi rin niya maririnig ang halinghing mo binibini.” Pansin ko ang kaniyang paglunok at kinagat niya pa ang ibabang labi niya.
Nang matanggal ko na ang sinturon ko ay ibinaba ko naman ang zipper ko na mas lalong ikinalaki ng mata niya. Kasalanan niya kung bakit ako natigang ng ganito dahil sa kakahanap sa kaniya at iyon pala ay siya pala ‘yong kaibigan ni Badiday na si E.C.
“T-teka lang, stop what you are doing!” Napahinto ako at itinaas kong muli ang zipper ng pantalon ko.
Napapikit pa siya at malakas na bumuga sa hangin. She pouted her lips that makes my heart go crazy. It’s her fault, at baka nga ginayuma na ako ng babaeng ito kung bakit hindi ko maintindihan ang sarili ko.
“A-ayvee C-cassandra Constantino,” nanginginig ang boses niyang sabi sa’kin.
“Nice name, puwede ka na sumigaw hindi naman sound proof ito, ‘yong kuwarto ko ang sound proof”
“Walang hiyang lalaki.” Mahina ngunit may diing sambit niya at masama ang tingin sa’kin.
“And think about what I offer to you.” Tinulak niya pa ako at tinaasan ng kilay.
“Kahit manigas pa ‘yang oten mo hindi ako papayag sa gusto mo. Yeah, you’re right ikaw nga ang naka una sa’kin at dahil ‘yon sa___” Hindi na niya naituloy pa ang kaniyang sasabihin at tumalikod na siya sa’kin
“Five digits every single night.” Pahabol ko pa bago siya lumabas ng banyo.
“Hindi ako pokpok, lalaki!” Tuluyan na siyang lumabas pagkasabi niyang iyon.
Lumabas na rin ako para sundan siya at natigagal ako at napahinto sa paghakbang nang makita ko si Badiday na nakatayo sa aming harapan. Papalit-palit pa ang tingin niya sa amin at bumaba ang tingin niya sa pantalon ko na nakakalas ang sinturon.
“S-ser b-bakit po__”
“Umiihi kasi ako ng bigla siyang pumasok.” Putol ko sa kaniyang sasabihin.
“O-oo ihing-ihi na kasi ako kanina eh, akala ko walang tao kaya hindi na ako kumatok,” paliwanag naman niya.
“Hala E.C nakita mo?!” Gulat na saad ni Badiday sa kaibigan niya.
“Ang alin?”
“E ‘di ‘yong torotot!”
“Badiday! Wala akong nakita! Halika na uuwi na ako at pasensya na po kayo lalaki, I mean sir,” baling niya sa’kin at hinila na niya si Badiday palayo.
Nakatanaw lang ako sa kaniya hangga’t sa makalabas siya ng bahay. Hindi ko namalayan sa sarili ko na unti-unting sumilay ang mga ngiti ko sa labi. Para akong baliw na ngumingiti mag-isa at napapailing na lang ako nang maalala ko ang itsura niya kanina. Kung gaano kaamo ang itsura niya ay para naman siyang tigre kung umasta.
“Let’s see my binibini kung hanggang saan ‘yang angas mo. Sisiguraduhin kong sa akin pa rin ang bagsak mo,” wika ko sa aking sarili habang nakasandal sa pader at nakatingin sa malayo.